FRIDAY, JULY 12, 2013 BALITANG ABROAD: Pinoy tiklo sa 3 kilong - TopicsExpress



          

FRIDAY, JULY 12, 2013 BALITANG ABROAD: Pinoy tiklo sa 3 kilong cocaine Natiklo ang isang Fi­li­pino na nagtangka umanong magpuslit ng cocaine sa Malaysia. Nasilat ang diskarte ng hindi na pinangalanang Pinoy sa pakikipagtulungan umano ng Dubai police sa Malaysian authorities, ayon sa ulat kahapon ng local press sa United Arab Emirates (UAE). Ang naturang impormasyon ay inihayag ng General Department of Anti-Narcotics ng Dubai Police kasunod ng pagpapadala ng letter of appreciation ng American Consulate sa Dubai. Sinasabing malaking papel ang ginampanan ng Dubai police sa pagkakaharang sa isang babaeng South African at isang Filipino na nagtangkang magpuslit ng cocaine. Umaabot umano sa tig-tatlong kilo ng cocaine ang nakumpiska sa Pinoy at South African. Nakasaad pa sa liham na tinangkang magpalusot ng babaeng South African ng iligal na droga mula sa Cape Town airport pero nadakip ito kasama ang dalawa pang kasabwat. ~vittel~
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 01:44:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015