FYI po :) MGA DAPAT MALAMAN KUNG BAKIT SA HONGKONG, TAIWAN, - TopicsExpress



          

FYI po :) MGA DAPAT MALAMAN KUNG BAKIT SA HONGKONG, TAIWAN, ISRAEL AT EUROPEAN COUNTRIES NAGHA-HIRE ANG Aamac Consultancy Firm Unang una po, Aamac wants to help. Katulad ko noon na nsa Morocco. Kaso, ang mga employers ay gusto ng mabilisang pagdating ng applicants dito. Nasuwertehan ko noon na pagpasa ko ng papers sa embassy, 2 weeks lang ay nagka-visa na ako. Pero noong sumubok ulit ang Aamac na kumuha sa Morocco, inabot ng 8 months. Kaya umayaw na rin ang mga employers na kumuha roon. For the past year ito po ang processing ng mga countries. Sa HK, 4months lang ang processing (average) pero sa Middle East, inaabot ng taon. Sa Pilipinas naman, inaabot pa minsan ng 2-3 years. Sa Singapore, halos kapareho din ng Pilipinas ang tagal. Ang Taiwan, halos kapareho rin ng HK kaso karamihan ng applicants sa Taiwan ay pang-elderly at hindi po iyan masyadong demanding dito kasi marami ang puwede ma-hire locally rito Canada na mag-aalagang matanda pero may mga prefer pa rin ang galing ibang bansa. Ang countries po na mabilis ang processing ay mula Europe (1-2months), Israel, HK at Taiwan lamang po. Kung may kamag-anak ka or may employer ka na (meaning ikaw ang nakahanap) rito sa Canada at willing maghintay kahit pa ng ilang taon at hindi mo alam kung paano ang step by step ng application, Aamac can help you. PERO kung ang Aamac ang maghahanap ng employers sa iyo na maghihintay po nang matagal ay hindi po ganoon kadali dahil pati employers ay kailangang magpaliwanag sa Immigration kung bakit maghihintay sila nang matagal kung mayroon namang naha-hire nang mabilisan. Other questions, please direct to Aamac :) Isa lang akong dakilang Aamac baby na gustong ibalik ang nagawa sa taong nagbukas at nagbigay ng maraming oportunidad sa akin dito sa Canada :)
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 07:47:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015