Forecast in Filipino Ang Metro Manila, CALABARZON at mga - TopicsExpress



          

Forecast in Filipino Ang Metro Manila, CALABARZON at mga lalawigan ng Mindoro, Romblon, Marinduque, Bataan at Bulacan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Kabisayaan at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Mindanao ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon at ang baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Posted on: Sun, 15 Sep 2013 05:46:03 +0000

Trending Topics



:30px;">
STUNNING HOLIDAY APARTMENT TO LET ILFRACOMBE, NORTH

Recently Viewed Topics




© 2015