From Garbage to Work of Art Eph 2:10 For we are his - TopicsExpress



          

From Garbage to Work of Art Eph 2:10 For we are his workmanship, created in Christ Jesus unto good works, which God hath before ordained that we should walk in them. Ayaw natin sa basura kaya itinatapon natin ito. Pero ngayon, may pakinabang na ang mga basura dahil sa programang RE-USE, REDUCE, RECYCLE. Marahil mayroon tayong pwedeng ipagmalaki sa harap ng tao dahil sa ating edukasyon, posisyon, ari-arian, kagandahan, at katanyagan, subalit sa harap ng Diyos ay wala tayong maaaring ipagmalaki dahil tayo ay basura dahil sa kasalanan. The Bible says that no one is righteous, no not one (Romans 3:10). In fact, Isaiah 64:6 says that our unrighteousness are as filthy rags. Walang ipinanganak na tuwid dahil lahat tayo ay nagkasala sa harap ng Diy (Romans 3:23). Gayunpaman, minahal pa rin tayo ng Diyos (Romans 5:8). Inibig niya tayo sa kabila ng ating pagkakasala. Para tayong basura dahil sa kasalanan, ngunit hindi tayo iniwan ng Diyos. Kahit na nagkasala noon sina Adan at Eba, hindi sila pinabayaan ng Diyos. Dinamitan sila ng Diyos upang matakpan ang kanilang kahihiyan. Sa mga nagdaang panahon hanggang sa kasalukuyan at darating pang panahon, ang Diyos ay nagmahal, nagmamahal, at magmamahal sa atin. Ibinigay ni Hesus ang kanyang buhay sa krus upang maligtas tayo mula sa ating pagkakasala (I Timothy 1:15). Dinanas niya ang lahat ang pighati upang pagaanin ang ating buhay. Bawat latay sa kanyang katawan ay kagalingan sa ating mga sakit at kagandahan para sa ating kapangitan dahil sa kasalanan (Isaiah 53). Kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos, wala ako ngayong naghahayag ng kabutihan ng Diyos. Tulad mo, ako ay isa ring makasalanang binago ng Panginoon. Ako ay dating basura dahil sa kasalanan, pero ngayon ay isang work of art (Ephesians 2:10) . Now, I know my purpose for living. God saved me to do good works--praise His name, sing for Jesus, help the poor, pray for others, teach and preach the word of God, give to the work of God, share time, knowledge, and expertise for building Gods kingdom, etc. Hindi lingid sa ating paningin na may mga nakikita tayong pangit ang buhay at mas lalo pang pumapangit dahil sa kasalanan. Tandaan natin na katulad din natin sila na dati ay pangit, marumi, at mabaho dahil sa kasalanan. Huwag nating pandirihan ang mga makasalanan sa ating paligid. Gayahin natin ang Panginoong Hesus who did not refuse to accept sinners, did not stay away from them, and did not reject them. Sana maipakita natin ang tunay na compassion ng ating panginoon sa mga taong nangangailangan ng pag-ibig at kaawaan ng Diyos. Huwag natin silang i-judge dahil hindi rejection ang kanilang kailangan kundi pagtanggap. God created us to do good works. Regardless of the condition of people around us, we should pursue our calling to do good. My fellow Christians, let us continue to accomplish Gods purpose in our lives. Let us keep on doing good works for His glory. As we await the second coming of our Savior, lets not be weary in doing good (Galatians 6:9). Let us not be weary in loving God. Let us not be weary in loving people. Let us not be weary in showing mercy to the lost. Let us not we weary in praying for others. Let us not be weary in giving for building the kingdom of God.
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 11:51:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015