GENERAL SANTOS City, NANGUNA sa National Achievement Test o NAT - TopicsExpress



          

GENERAL SANTOS City, NANGUNA sa National Achievement Test o NAT 2013. Nalagpasan ng General Santos City sa resulta ng National Achievement Test o NAT ng DepEd ang nag number one noong nakaraang taon na Sarangani Province. Ayon pa kay Dep ed Gensan Information Officer Ronie Sungay, nanguna sa resulta ng NAT 2013 sa siyam na mga dibisyon ng ahensya sa rehiyon dose ang General Santos City habang pareho namang nakakuha ng pangalawang pwesto ang Sarangani, South Cotabato at Cotabato Province. Nasa pangatlong pwesto naman ang Tacurong City, pang apat ang Cotabato City, panglima ang Kidapawan city, pang anim ang Koronadal City at pang pito naman ang lalawigan ng Sultan Kudarat. Inihayag din ni Sungay na naging dahilan naman ng magandang performance na ipinakita ng Dep ed Gensan ay ang tulong na nakukuha nila mula sa mga mamamayan ng lungsod, mga magulang, stakeholders at local government. #NDBC
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 23:59:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015