GENESIS CHAPTER 21 TO CHAPTER 30 Genesis 21: 1-34 Ang - TopicsExpress



          

GENESIS CHAPTER 21 TO CHAPTER 30 Genesis 21: 1-34 Ang Kapanganakan ni Isaac 1 Pinagpala ni Yahweh si Sara at tinupad ang kanyang pangako. 2 Ayon sa panahong sinabi ng Diyos, si Sara nga ay nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki, kahit matanda na noon si Abraham. 3 Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak. 4 Ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham ang bata walong araw pagkasilang nito. 5 Isandaang taon na si Abraham nang ipanganak si Isaac. 6 Sinabi ni Sara, Nakakatawa ang ginawang ito sa akin ng Diyos at sinumang makarinig nitoy tiyak na matatawa rin. 7 At sinabi pa niya, Sa edad na iyon ni Abraham, sinong makakapagsabi sa kanyang akoy mag-aalaga pa ng bata? Gayunman, nabigyan ko pa rin siya ng anak kahit siyay matanda na. 8 Lumaki ang bata, at nang itoy awatin, naghanda nang malaking salu-salo si Abraham. Pinalayas si Hagar at si Ismael Pinalayas si Hagar at si Ismael Genesis 21:14 - Madaling araw pa lamang, ang mag-inay ipinaghanda na ni Abraham ng baong pagkain at inumin. Ipinapasan ni Abraham ang mga ito kay Hagar at ang mag-ina ay kanyang pinaalis. Nagpagala-gala sila sa ilang ng Beer-seba. 9 Minsan, nakikipaglaro kay Isaac si Ismael, ang anak ni Abraham kay Hagar na taga-Egipto. 10 Nang makita ito ni Sara, sinabi niya kay Abraham, Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng aliping iyan ay hindi dapat makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac! 11 Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. 12 Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, Huwag kang mag-alala tungkol sa mag-ina. Sundin mo na ang gusto ni Sara, sapagkat kay Isaac magmumula ang lahing sinabi ko sa iyo. 13 Ngunit ang anak mong iyan kay Hagar ay magkakaanak din ng marami, at silay magiging isang bansa, dahil anak mo rin naman si Ismael. 14 Madaling araw pa lamang, ang mag-inay ipinaghanda na ni Abraham ng baong pagkain at inumin. Ipinapasan ni Abraham ang mga ito kay Hagar at ang mag-ina ay kanyang pinaalis. Nagpagala-gala sila sa ilang ng Beer-seba. 15 Nang maubos na ang dalang tubig, iniwan ni Hagar ang kanyang anak sa lilim ng isang mababang punongkahoy, 16 at naupo nang may sandaang metro mula sa kinaroroonan ng bata. Sabi niya sa sarili, Di ko matitiis na makitang mamatay ang aking anak. Samantalang nakaupo siyang nag-iisip, umiiyak naman ang bata. a Si Hagar at si Ismael sa ilang ng Beer-seba Genesis 21:17-18 - Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos, Hagar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak. Lapitan mo siya at patahanin. Gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lahi. 17 Narinig ng Diyos ang iyak ng bata, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos, Hagar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak. 18 Lapitan mo siya at patahanin. Gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lahi. 19 Pinagliwanag ng Diyos ang paningin ni Hagar at nakita nito ang isang balon. Pinuno niya ng tubig ang dalang sisidlan at pinainom ang bata. 20 Hindi nga pinabayaan ng Diyos si Ismael; itoy lumaki sa ilang ng Paran at naging mahusay na mangangaso. 21 Ikinuha siya ng kanyang ina ng mapapangasawa mula sa lupain ng Egipto. Ang Kasunduan nina Abraham at Abimelec 22 Nang panahong iyon, isinama ni Haring Abimelec si Picol, pinuno ng hukbo, at silay nagpunta kay Abraham. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, Sa lahat ng gawain moy pinagpapala ka ng Diyos. 23 Isumpa mo ngayon sa harap ng Diyos na hindi mo ako dadayain pati na ang aking lahi. Kung paanong akoy naging tapat sa iyo, ipangako mo rin namang magiging tapat ka sa akin at sa lupaing ito na tinitirhan mo ngayon. 24 Nangangako ako, tugon naman ni Abraham. 25 Ngunit nagreklamo si Abraham kay Abimelec tungkol sa isang balon na inagaw ng mga alipin ng hari. 26 Sumagot si Abimelec, Hindi ko nalalaman iyon. Bakit ngayon mo lamang sinabi sa akin? 27 Nagkasundo ang dalawa, at binigyan ni Abraham si Abimelec ng ilang tupat baka. 28 Ibinukod ni Abraham ang pitong tupa ng kanyang kawan. 29 Anong kahulugan nito? tanong ni Abimelec. 30 Sumagot si Abraham, Itoy para sa iyo, bilang pagsang-ayon mo na akin ang balong ito. 31 Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba, b sapagkat doon ay nanumpa sila sa isat isa. 32 Matapos ang sumpaang iyon, bumalik na sa lupain ng mga Filisteo si Abimelec at si Picol na pinuno ng kanyang hukbo. 33 Pagkaalis nilay nagtanim naman si Abraham ng punong tamarisko sa Beer-seba at sumamba kay Yahweh, ang Diyos na Walang Hanggan. 34 Mahabang panahong nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo. Like · Reply · October 30 at 12:41pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 22: 1-24 Sinubok ng Diyos si Abraham 1 Pagkalipas ng ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos, Abraham! Narito po ako, tugon naman niya. 2 Sinabi sa kanya, Isama mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin. 3 Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham at nagsibak ng kahoy na gagamiting panggatong sa handog na susunugin. Inihanda niya ang asno, at umalis kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki papunta sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya. 4 Nang ikatlong araw ng paglalakbay, natanaw na nila ang dakong kanilang pupuntahan. 5 Kayat sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, Bantayan ninyo rito ang asno at kami na lamang ng bata ang aakyat sa bundok. Sasamba kami sa dako roon, at babalikan namin kayo. Sinubok ng Diyos si Abraham Genesis 22:10-12 - Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi, Abraham, Abraham! Narito po ako, sagot ni Abraham. Sinabi ng anghel, Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak. 6 Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong. Dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad. 7 Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, Ama! Ano iyon, anak? tugon ni Abraham. Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang ihahandog? tanong ni Isaac. 8 Sumagot si Abraham, Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon. Kayat nagpatuloy sila sa paglakad. 9 Pagsapit nila sa lugar na itinuro ng Diyos, gumawa ng altar si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac matapos gapusin. 10 Nang sasaksakin na niya ang bata, 11 tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi, Abraham, Abraham! Narito po ako, sagot ni Abraham. 12 Sinabi ng anghel, Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak. 13 Paglingon niyay may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog sa halip na ang kanyang anak. 14 Kayat ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, Si Yahweh ang Nagkakaloob. At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan. 15 Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh, 16 Akoy nangangako sa pamamagitan ng aking pangalan---Yahweh. Sapagkat hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, 17 pagpapalain kita. Ang lahi moy magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Sasakupin nila ang mga lunsod ng kanilang mga kaaway. 18 Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos. 19 Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba. Ang mga Angkan ni Nahor 20 Hindi nagtagal, nabalitaan ni Abraham na si Milca, ang asawa ng kanyang kapatid na si Nahor, ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. 21 Ang panganay ay si Hus, sumunod si Buz at pagkatapos ay si Kemuel na ama ni Aram. 22 Ang iba pang naging anak ni Nahor kay Milca, ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf at Bethuel. 23 Si Bethuel ang ama ni Rebeca. Ito ang walong anak ni Nahor kay Milca. 24 Kay Reuma na asawang-lingkod ni Nahor, naging anak naman niya sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca. Like · Reply · October 30 at 12:40pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 23: 1-20 Namatay si Sara at Bumili si Abraham ng Libingan 1 Nabuhay si Sara nang 127 taon. 2 Namatay siya sa Lunsod ng Arba, na tinatawag ding Hebron sa lupain ng Canaan. Itoy labis na ikinalungkot ni Abraham. 3 Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Pakiusap niya, 4 Akoy isang dayuhan at nakikitira lamang sa inyong lupain. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng lupang mapaglilibingan sa aking asawa. 5 Sumagot ang mga Heteo, 6 Kinikilala ka naming isang dakilang pinuno; pumili ka na ng lugar na gusto mo para paglibingan sa iyong asawa. Ikalulugod namin na ibigay sa inyo ang bahagi ng inyong mapipili. 7 Bilang pasasalamat, yumuko si Abraham sa harapan ng mga tao 8 at sinabi niya, Kung talagang hindi kayo tutol na dito ko ilibing ang aking asawa, tulungan ninyo akong makiusap kay Efron na anak ni Zohar. 9 Nais kong saksihan ninyo ang pagbili ko sa yungib na nasa tabi ng kanyang lupain sa Macpela, upang itoy gawing libingan. Babayaran ko siya sa hustong halaga. 10 Nagkataong si Efron ay kasama ng nagkakatipong mga Heteo sa may pintuan ng lunsod. Kaya, sinabi niya kay Abraham na naririnig ng lahat, 11 Hindi lamang ang yungib, kundi pati ang lupang kinalalagyan nito ay ibinibigay ko na rin sa inyo upang paglibingan sa inyong asawa. Saksi ko ang lahat ng naririto. Libing ni Sara sa yungib ng Macpela Genesis 23:19 - At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, silangan ng Mamre, sa lupain ng Canaan. Itoy tinatawag ngayong Hebron. 12 Muling yumuko si Abraham sa harapan ng mga naroroon, 13 at sinabi niya kay Efron na naririnig ng lahat, Kung maaariy pakinggan mo ako. Bibilhin ko ang buong lupain. Tanggapin mo ang tamang kabayaran upang mailibing ko roon ang aking asawa. 14 Sumagot si Efron kay Abraham, 15 Apatnaraang pirasong pilak po ang halaga ng lupa. Huwag na nating pag-usapan; bastat paglibingan na ninyo. 16 Nagkasundo sila. Sa harapan ng mga taoy tumimbang si Abraham ng halagang apatnaraang pirasong pilak, ayon sa halaga ng salaping umiiral noon sa pamilihan. 17 Kayat ang lupang iyon ni Efron sa Macpela sa silangan ng Mamre, pati na ang yungib at mga punongkahoy sa paligid nito 18 ay naging pag-aari ni Abraham. Sinaksihan ito ng mga Heteong dumalo sa pagpupulong na iyon sa may pintuan ng lunsod. 19 At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, silangan ng Mamre, sa lupain ng Canaan. Itoy tinatawag ngayong Hebron. 20 Ang lupa ngang iyon at ang yungib na dating pag-aari ng mga Heteo ay binili ni Abraham upang gawin niyang libingan. Like · Reply · October 30 at 12:40pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 24: 1-67 Nag-asawa si Isaac 1 Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ni Yahweh. 2 Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala, Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita at manumpa ka. 3 Sumumpa ka sa akin sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka rito sa Canaan pipili ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac. 4 Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya. 5 Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang papuntahin doon? tanong ng alipin. 6 Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac, tugon ni Abraham. 7 Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ni Yahweh, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. 8 Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papuntahin doon ang anak ko! 9 Kayat inilagay ng alipin ang kanyang kamay sa pagitan ng hita ng panginoon niyang si Abraham, at nanumpang susundin ito. 10 Naghanda ang alipin ng sampung kamelyo ng kanyang panginoon. Matapos kargahan ng maraming panregalo, naglakbay siya patungong Mesopotamia, sa lunsod na tinitirhan ni Nahor. 11 Pagsapit sa labas ng lunsod, huminto siya at pinaluhod ang mga kamelyo sa tabi ng balon ng tubig na naroon. Sa gayong oras, tuwing magdarapit-hapon, dumarating ang mga babae para umigib. 12 Siyay nanalangin nang ganito: Yahweh, Diyos ng panginoon kong si Abraham, maging matagumpay nawa ang aking lakad; tuparin po ninyo ang inyong pangako sa aking panginoong si Abraham. 13-14 Tatayo po ako rito sa tabi ng balon at hihintayin ang pagdating ng mga babae buhat sa lunsod, para umigib. Ako poy makikiinom sa isa sa kanila. Kapag sinabi niyang, Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo, iyon na sana ang babaing inihanda ninyo para sa inyong aliping si Isaac. Sa gayon malalaman kong tinupad na ninyo ang inyong pangako sa aking panginoon. Si Rebeca at ang Alipin Genesis 24:16 - Siyay dalaga pa at napakaganda. Lumusong siya sa kinaroroonan ng balon, pinuno ang kanyang banga, at umahon. 15 Hindi pa natatapos ang kanyang panalangin, dumating si Rebeca na may pasan na banga ng tubig. Siya ay anak ni Bethuel at apo ni Milca na asawa ni Nahor na kapatid ni Abraham. 16 Siyay dalaga pa at napakaganda. Lumusong siya sa kinaroroonan ng balon, pinuno ang kanyang banga, at umahon. 17 Sumalubong agad ang alipin at sinabi, Maaari bang makiinom? 18 Aba, opo, sagot ng babae. At inalalayan niya ang banga habang umiinom ang alipin. 19 Nang itoy makainom na ay sinabi pa ng dalaga, Paiinumin ko na rin po ang inyong mga kamelyo hanggang gusto nila. 20 Isinalin niya sa painuman ang laman ng banga at pabalik-balik siyang sumalok hanggang sa mapainom ang lahat ng kamelyo. 21 Tahimik na pinagmasdan ng alipin ang dalaga at iniisip kung iyon na kaya ang sagot ni Yahweh sa kanyang panalangin. 22 Matapos makainom ang mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang mamahaling singsing a at dalawang pulseras na pawang lantay na ginto, at ibinigay sa dalaga. 23 Pagkatapos, itoy tinanong niya, Sino ba ang iyong mga magulang? Maaari ba kaming makituloy sa inyo ngayong gabi? 24 Sumagot ang babae, Ako poy anak ni Bethuel na anak nina Nahor at Milca. 25 Maluwag po sa amin at maraming pagkain para sa inyong mga hayop. 26 Pagkarinig niyon, lumuhod ang alipin at sumamba kay Yahweh, 27 Purihin si Yahweh, ang Diyos ng panginoon kong si Abraham! Hindi siya sumira sa kanyang pangako. Pinatnubayan niya ako sa pagpunta sa bahay ng mga kamag-anak ng aking panginoon. 28 Nagmamadaling umuwi ang dalaga at isinalaysay ang buong pangyayari sa tahanan ng kanyang ina. 29 Si Rebeca ay may kapatid na lalaki na ang pangalan ay Laban. Patakbo siyang pumunta sa balong kinaroroonan ng lalaki 30 nang marinig niya ang salaysay ng kanyang kapatid, at makita ang singsing at ang mga pulseras na suot nito. Nakita nga niya ang tao sa tabi ng balon, pati ang kanyang mga kamelyo. 31 Sinabi ni Laban, Bakit nandiyan po kayo sa labas? Tayo na po sa amin, lalaking pinagpala ni Yahweh! Nakahanda na po ang pagpapahingahan ninyo at ang sisilungan ng inyong mga kamelyo. 32 Sumama nga ang alipin. Pagdating sa bahay, ibinaba ni Laban ang karga ng mga kamelyo at pinakain ang mga hayop. Ang alipin namay binigyan niya ng tubig upang maghugas ng paa pati ang mga kasama nito. 33 Binigyan siya ng pagkain, ngunit sinabi ng alipin, Sasabihin ko muna ang aking pakay bago ako kumain. Sige, sabihin ninyo, sabi ni Laban. Like · Reply · October 30 at 12:39pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan 34 Ganito ang salaysay niya: Ako poy alipin ni Abraham. 35 Pinagpala ni Yahweh ang aking panginoon. Pinarami ang kanyang mga kawan ng tupa, kambing at baka. Pinagkalooban rin siya ng maraming pilak at ginto, mga aliping babae at lalaki, mga kamelyo at asno. 36 Ang asawa niyang si Sara ay nagkaanak pa kahit siyay matanda na. Ang anak na ito ang tanging tagapagmana ng kanilang kayamanan. 37 Ako poy pinanumpa ng panginoon kong si Abraham na hindi ako kukuha sa Canaan ng mapapangasawa ng anak niyang ito. 38 Dito po niya ako pinapunta sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang upang ihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak. 39 Tinanong ko po siya ng ganito: Kung ang babaing mapili ko ay hindi sumama sa akin, ano po naman ang aking gagawin? 40 Ang sagot po niyay sasamahan ako ng anghel ni Yahweh upang magtagumpay sa aking lakad. Dito raw sa angkan ng kanyang ama ako kumuha ng mapapangasawa ng kanyang anak. Iyan po ang utos sa akin. 41 Ang sabi pa niya sa akin, Kung sundin mo ito, natupad mo na ang iyong tungkulin. Kung tanggihan ka naman ng aking mga kamag-anak, wala ka nang pananagutan sa akin. 42 Pagdating ko po sa may balon kanina, akoy nanalangin nang ganito: O Yahweh, Diyos ng panginoon kong si Abraham, panagumpayin mo ang aking gagawin! 43 Tatayo po ako sa may tabi ng balong ito at kapag may dumating na dalaga upang umigib, akoy makikiinom. 44 Kapag akoy pinainom pati ang aking mga kamelyo, iyon na po sana ang pinili ninyo upang mapangasawa ng anak ng aking panginoon. 45 Hindi pa natatapos ang aking panalangin, dumating nga si Rebeca na pasan ang isang banga. Lumusong siya sa bukal at sumalok ng tubig. Nakiusap po ako sa kanyang akoy painumin. 46 At hindi lamang ako ang pinainom, pati po ang aking mga kamelyo. 47 Tinanong ko po siya, Kanino kang anak? Ang sagot poy, Kay Bethuel na anak ng mag-asawang Nahor at Milca. Kayat kinabitan ko siya ng hikaw sa ilong at sinuotan ng mga pulseras sa braso. 48 Pagkatapos, akoy lumuhod at sumamba kay Yahweh, sa Diyos ng panginoon kong si Abraham, sapagkat pinatnubayan niya ako at inihatid sa tahanang ito. At dito ko nga natagpuan ang dalagang dapat mapangasawa ng kanyang anak. 49 Kaya hinihiling kong sabihin ninyo sa akin kung sang-ayon kayo sa hangad ng aking panginoon. Kung hindi naman, sabihin din ninyo at nang malaman ko naman kung ano ang aking gagawin. 50 Sumagot ang mag-amang Bethuel at Laban, Dahil ang bagay na itoy mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman. 51 Isama mo si Rebeca pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong panginoon, ayon sa sinabi ni Yahweh. 52 Pagkarinig nito, ang alipin ni Abraham ay muling nagpatirapa at nagpuri kay Yahweh. 53 At inilabas niya ang mga damit at mga hiyas na gintot pilak para kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid nitong si Laban at ang kanilang ina. 54 Pagkatapos, ang alipin at ang mga kasama nito ay kumain na at uminom, at doon na nga nagpalipas ng gabi. Kinabukasay nagpaalam na siya. 55 Ngunit hiniling ng ina at ng kapatid ni Rebeca na magpalipas muna ng isang linggo o sampung araw bago umalis. 56 Ngunit sinabi ng alipin, Sapagkat pinagtagumpay ako ni Yahweh sa aking lakad, pahintulutan na po ninyo akong magbalik sa aking panginoon. Ang pagtatagpo nina Isaac at Rebeca Genesis 24:65-67 - lumapit sa aliping sumundo sa kanya at nagtanong, Sino ang lalaking iyan na papalapit sa atin? Siya po ang aking panginoon, sagot nito. Kumuha ng belo si Rebeca at tinakpan ang kanyang mukha. Isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga ginawa niya. Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa tolda ni Sara na kanyang ina at itoy naging asawa niya. Minahal ni Isaac si Rebeca at siyang naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina. 57 Kung gayon, sabi nila, tawagin natin si Rebeca at tanungin kung ano ang kanyang pasya. 58 Sasama ka na ba sa taong ito? tanong nila. Opo, tugon niya. 59 Kaya si Rebeca at ang kanyang yaya ay pinahintulutan nilang sumama sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito, 60 matapos basbasan nang ganito: Ikaw nawa, O Rebeca ay maging ina ng marami, at sa lunsod ng kaaway, ang iyong lahi ang magwagi. 61 Nang handa na ang lahat, si Rebeca at ang mga utusan niyang babae ay sumakay sa kamelyo, at umalis kasunod ng alipin ni Abraham. 62 Nang panahong iyon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. 63 Nang magtatakip-silim, siyay namasyal sa kaparangan at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. 64 Natanaw ni Rebeca si Isaac kayat bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, 65 lumapit sa aliping sumundo sa kanya at nagtanong, Sino ang lalaking iyan na papalapit sa atin? Siya po ang aking panginoon, sagot nito. Kumuha ng belo si Rebeca at tinakpan ang kanyang mukha. 66 Isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga ginawa niya. 67 Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa tolda ni Sara na kanyang ina at itoy naging asawa niya. Minahal ni Isaac si Rebeca at siyang naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina. Like · Reply · October 30 at 12:39pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 25: 1-34 Mga Iba pang Lahi ni Abraham (1 Cronica 1:32-33) 1 Muling nag-asawa si Abraham at ang pangalan ng babae ay Ketura. 2 Ang mga anak niya rito ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Suah. 3 Si Jocsan ang ama nina Seba at Dedan. Kay Dedan nagmula ang mga Asurim, Letusim at Leumim. 4 Ang mga anak naman ni Midian ay sina Efa, Efer, Enoc, Abida at Eldaa. Lahat silay buhat kay Ketura. 5 Kay Isaac ipinamana ni Abraham ang lahat niyang ari-arian. 6 Ngunit bago siya namatay, pinagbibigyan na niya ng regalo ang mga anak niya sa ibang asawa, at pinapunta sa lupain sa dakong silangan para mapalayo kay Isaac. Namatay si Abraham 7 Si Abraham ay nabuhay nang 175 taon. 8 Matandang-matanda na siya nang mamatay. 9 At inilibing siya nina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela sa silangan ng Mamre, sa parang na dating kay Efron, anak ni Zohar na Heteo. 10 Ang lugar na iyon ang binili ni Abraham sa mga Heteo at doon sila nalibing ni Sara. 11 Pagkamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac. Doon siya tumira sa Beer-lahai-roi. Ang Lahi ni Ismael (1 Cronica 1:28-31) 12 Ito naman ang lahi ni Ismael na anak ni Abraham kay Hagar, ang taga-Egiptong alipin ni Sara. 13 Si Nebayot ang panganay, sumunod sina Kedar, Abdeel at Mibsam. 14 Sumunod sina Misma, Duma at Massa; 15 pagkatapos ay sina Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema. 16 Sila ang labindalawang anak ni Ismael na naging pinuno ng kani-kanilang lipi. Isinunod sa kanilang mga pangalan ang mga bayan at pinagkampuhan ng kani-kanilang mga lipi. 17 Namatay si Ismael sa gulang na 137 taon, at siyay inilibing. 18 Ang lahi ni Ismael ay tumira sa lupain sa pagitan ng Havila at Shur, sa daang patungo sa Asiria sa silangan ng Egipto. Nakabukod sila sa ibang mga lipi ni Abraham. Ipinanganak sina Esau at Jacob 19 Ito naman ang kasaysayan ni Isaac na anak ni Abraham. 20 Apatnapung taon na si Isaac nang mapangasawa niya si Rebeca, anak na dalaga ni Bethuel, isang Arameong taga-Mesopotamia. Si Rebecay kapatid ni Laban, isa ring Arameo. 21 Hindi magkaanak si Rebeca, kayat nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebecay naglihi. 22 Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pay nagtutulakan na ang dalawa. Kayat nasabi ng ina, Kung ngayon pay ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay? Kayat siyay nagtanong kay Yahweh. 23 Ganito naman ang sagot ni Yahweh: Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan, larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban; magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna, kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid. 24 Dumating ang panahon at nanganak nga siya ng kambal. 25 Mamula-mula ang kutis at mabalahibo ang katawan ng panganay, kayat Esau a ang ipinangalan dito. 26 Nang lumabas ang pangalawa, nakahawak ito sa sakong ng kanyang kakambal, kaya Jacob b naman ang itinawag sa kanya. Animnapung taon si Isaac noon. Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Karapatan 27 Lumaki ang mga bata. Naging mahusay na mangangaso si Esau at sa kaparangan na halos tumitira. Si Jacob naman ay tahimik at lagi sa bahay. 28 Higit ang pagtingin ni Isaac kay Esau, palibhasay kinawiwilihan niyang kainin ang mga nahuhuli nito sa pangangaso, samantalang si Jacob naman ang mas mahal ni Rebeca. 29 Minsan, si Jacob ay nagluluto ng sinabawang pulang patani; siya namang pagdating ni Esau mula sa pangangaso. 30 Sinabi niya, Gutom na gutom na ako, bigyan mo naman ako niyang mapulang niluluto mo. At dahil ditoy tinawag siyang Edom. c 31 Sumagot si Jacob, Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay. 32 Payag na ako, sabi ni Esau, aanhin ko pa ang pagiging panganay kung mamamatay naman ako sa gutom? 33 Kung gayon, sabi ni Jacob, sumumpa ka muna. Sumumpa nga si Esau, at ibinigay kay Jacob ang karapatan ng pagiging panganay. 34 Ibinigay naman ni Jacob kay Esau ang niluto niyang gulay at binigyan pa ito ng tinapay. Matapos kumait uminom, umalis na agad si Esau. Iyon lamang ang halaga sa kanya ng kanyang karapatan bilang panganay. Like · Reply · October 30 at 12:37pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 26: 1-35 Si Isaac sa Gerar at sa Beer-seba 1 Tulad ng nangyari nang panahon ni Abraham, nagkaroon muli ng taggutom sa lupain ng Canaan, kayat nakarating si Isaac sa Gerar, sakop ni Abimelec na hari ng mga Filisteo. 2 Nagpakita si Yahweh kay Isaac at nagsabi, Huwag kang pupunta sa Egipto; manirahan ka sa lupaing ituturo ko sa iyo. 3 Dito ka muna; sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi ang buong lupaing ito, tulad ng aking ipinangako sa iyong amang si Abraham. 4 Pararamihin kong gaya ng mga bituin sa kalangitan ang iyong lahi, at lahat ng lupaing itoy ibibigay ko sa kanila. At hihilingin sa akin ng lahat ng bansa sa daigdig na silay pagpalain ko tulad ng ginagawa ko sa iyong lahi. 5 Pagpapalain kita dahil kay Abraham, sapagkat sinunod niya ako at tinupad ang aking mga utos. 6 Doon nga tumira si Isaac sa Gerar. 7 Kung tinatanong siya ng mga tagaroon tungkol kay Rebeca, sinasabi niyang itoy kanyang kapatid. Inililihim niyang mag-asawa sila sa takot na siyay patayin para makuha si Rebeca, sapagkat itoy maganda. 8 Hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon, nadungawan minsan ni Abimelec sina Isaac at Rebeca na naglalambingan. 9 Ipinatawag agad ni Abimelec si Isaac at ang sabiy, Tiyak na asawa mo ang babaing iyon, hindi ba? Bakit ang sabi moy kapatid mo? Natatakot po ako na baka akoy patayin kung sabihin kong asawa ko siya, tugon ni Isaac. 10 Bakit mo ito ginawa sa amin? wika ni Abimelec. Kung siyay ginalaw ng isa sa mga tauhan ko, isinubo mo pa kami sa kapahamakan! 11 At sinabi ni Abimelec sa kanyang nasasakupan, Papatayin ang sinumang umapi sa mag-asawang ito. 12 Nang taong iyon, si Isaac ay nagsaka sa lupain ng Gerar at makasandaang ibayo ang kanyang inani kaysa kanyang itinanim. Pinagpala siya ni Yahweh. 13 Patuloy na lumago ang kanyang kabuhayan, at siyay naging napakayaman. 14 Nainggit sa kanya ang mga Filisteo sapagkat marami siyang alipin at mga kawan ng tupa at baka. 15 Kayat tinabunan nila ang mga balong ginawa ng mga alipin ni Abraham noong itoy nabubuhay pa. 16 Sinabi ni Abimelec, Umalis ka na, Isaac; mas makapangyarihan ka pa ngayon kaysa amin. 17 Kaya, umalis si Isaac at nanirahan muna sa libis ng Gerar. 18 Ipinahukay niyang muli ang mga balon ni Abraham na tinabunan ng mga Filisteo. At ang mga balong iyon ay tinawag ni Isaac sa dating tawag dito ng kanyang ama. 19 Ang mga tauhan ni Isaac ay nakahukay ng isang malakas na bukal sa libis, 20 ngunit nakipag-away ang mga pastol na taga-Gerar at inangkin ang bukal ng tubig na iyon. Kayat ang balong iyon ay tinawag ni Isaac na Balon ng Away sapagkat silay inaway ng mga tagaroon. 21 Nang makahukay muli sila, nakipagtalo na naman sa kanila ang mga taga-Gerar, kayat tinawag naman itong Balon ng Pagtatalo. 22 Lumayo sila roon at humukay ng ibang balon. Wala nang umangkin nito, kayat tinawag niyang Balon ng Kalayaan. Ang sabi niya, Uunlad tayo sa lupaing ito, sapagkat binigyan tayo ni Yahweh ng kalayaang mamuhay sa lupaing ito. 23 Umalis si Isaac at nagpunta sa Beer-seba. 24 Nang gabing iyon, nagpakita sa kanya si Yahweh, at ang sabi, Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham, huwag kang matakot, sapagkat sasamahan kita; pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong lahi alang-alang kay Abraham na tapat kong alipin. 25 Nagtayo si Isaac ng altar doon at sinamba si Yahweh. Tumigil sila sa lugar na iyon at humukay muli ng balon ang kanyang mga alipin. Ang Kasunduan ni Isaac at ni Abimelec 26 Dumating si Abimelec buhat sa Gerar kasama si Ahuzat na kanyang tagapayo at si Picol na pinuno ng kanyang hukbo. 27 Tinanong siya ni Isaac, Bakit mo ako dinalaw? Hindi bat galit ka sa akin at akoy pinaalis mo sa iyong bayan? 28 Ito ang sagot nila: Naniniwala na kami ngayon na kasama mo ang Diyos; nais naming makipagkasundo sa iyo. Ipangako mo sanang 29 hindi mo kami pipinsalain, sapagkat hindi ka rin naman namin pininsala. Pinakitaan ka namin ng mabuti at hindi ka ginambala sa iyong pag-alis. Ikaw ngayon ang pinagpapala ni Yahweh. 30 Naghanda si Isaac ng malaking salu-salo at silay nagkainan at nag-inuman. 31 Kinaumagahan, silay nagsumpaang magiging magkaibigan, at saka mapayapang naghiwalay. 32 Nang araw ring iyon, ibinalita ng mga alipin ni Isaac na silay nakahukay na ng tubig. 33 Tinawag niyang Balon ng Panata ang balong iyon. Kaya, hanggang ngayon ay Beer-seba a ang tawag sa lunsod na itinayo roon. Nag-asawa ng mga Dayuhan si Esau 34 Apatnapung taon si Esau nang siyay mag-asawa; si Judit na anak ng Heteong si Beeri ang napangasawa niya. Naging asawa rin niya si Basemat, anak naman ni Elon, isa ring Heteo. 35 Ang dalawang ito ang naging dahilan ng malaking sama ng loob nina Isaac at Rebeca. Like · Reply · October 30 at 12:37pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 27: 1-46 Nakuha ni Jacob ang Pagpapala 1 Si Isaac ay matanda na at halos hindi na makakita, kaya ipinatawag niya si Esau, ang anak niyang panganay. 2 Sinabi niya rito, Anak, matanda na ako at malapit nang mamatay. 3 Pumunta ka sa parang at mangaso. Ihuli mo ako ng hayop 4 at lutuin ang putahing gusto ko. Pagkakain koy igagawad ko sa iyo ang aking basbas bago ako mamatay. 5 Nakikinig pala si Rebeca samantalang kinakausap ni Isaac si Esau. Kayat nang umalis ito upang sundin ang bilin ng ama, 6 tinawag ni Rebeca si Jacob at sinabi, Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau: 7 Ihuli mo ako ng hayop at lutuin mo para sa akin. Pagkakain ko, babasbasan kita sa harapan ni Yahweh bago ako mamatay. 8 Kayat ganito ang gawin mo, anak: 9 Kumuha ka agad ng dalawang kambing na mataba at iluluto ko para sa iyong ama. Ipaghahanda ko siya ng pagkaing gustung-gusto niya, 10 at ipakain mo sa kanya upang ikaw ang mabigyan ng basbas bago siya mamatay! 11 Ngunit sumagot si Jacob sa kanyang ina, Balbon po si Esau, samantalang akoy hindi. 12 Malalaman ng aking ama na nililinlang ko siya kapag akoy kanyang nahipo; susumpain niya ako sa halip na basbasan. 13 Sumagot ang ina, Hayaan mong sa akin tumalab ang anumang sumpa niya. Bastat sumunod ka, anak; ako na ang bahala. Kumuha ka na ng kambing. 14 Kumuha nga si Jacob ng kambing, at iniluto ng kanyang ina ang putahing gustung-gusto ng kanyang ama. 15 Binihisan ni Rebeca si Jacob ng pinakamagarang damit ni Esau na nakatabi sa bahay. 16 Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahiboy binalutan niya ng balat ng kambing. 17 Pagkatapos, ipinadala sa anak ang putahe na may kasama pang tinapay na niluto rin niya. 18 Lumapit si Jacob kay Isaac. Ama! sabi niya. Sino ka ba? tanong nito. 19 Ako po si Esau, sagot ni Jacob. Nagawa ko na po ang inyong iniuutos sa akin. Narito na po ang gusto ninyong pagkain; bumangon na kayo at kainin na ninyo ito nang akoy mabasbasan na ninyo pagkatapos. 20 Napakadali mo naman yatang nakahuli? tanong ni Isaac. Tinulungan po ako ni Yahweh na inyong Diyos, sagot ni Jacob. 21 Nagtanong muli si Isaac, Ikaw ba talaga si Esau? Lumapit ka nga rito nang matiyak ko kung ikaw nga. 22 Lumapit naman si Jacob at siyay hinawakan ng ama. Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau! wika ni Isaac. 23 Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nitoy mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob, 24 ngunit muli pang nagtanong, Ikaw nga ba si Esau? Ako nga po, tugon ni Jacob. 25 Kayat sinabi ni Isaac, Kung gayon, akin na ang pagkain at pagkakain koy babasbasan kita. Iniabot ni Jacob ang pagkain at binigyan din niya ng alak. 26 Halika anak, at hagkan mo ako, sabi ng ama. 27 Nang lumapit si Jacob upang hagkan ang ama, naamoy nito ang kanyang kasuotan, kayat siyay binasbasan: Ang masamyong halimuyak ng anak ko, ang katulad ay samyo ng kabukirang si Yahweh ang nagbasbas; 28 Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas, upang tumaba ang lupa mot ikaw namay makaranas ng saganang pag-aani at katas ng ubas. 29 Hayaan ang mga bansay gumalang at paalipin; bilang pinuno, ikaw ay kilalanin. Igagalang ka ng mga kapatid mo, mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo. Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din, ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain. Binasbasan ni Isaac si Jacob Genesis 27:29 - Hayaan ang mga bansay gumalang at paalipin; bilang pinuno, ikaw ay kilalanin. Igagalang ka ng mga kapatid mo, mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo. Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din, ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain. 30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa. 31 Niluto niya ito nang masarap at dinala sa ama. Sinabi niya, Maupo kayo, ama, at kainin ninyo ang dala kong pagkain upang akoy inyong mabasbasan. 32 Sino ka ba? tanong ni Isaac. Si Esau po, ang inyong panganay, tugon naman niya. 33 Nanginig ang buong katawan ni Isaac. Sabi niya, Kung gayoy sino ang naunang nagdala sa akin ng pagkain? Katatapos ko lang kumain nang ikay dumating. Binasbasan ko na siya at tataglayin niya iyon magpakailanman. 34 Humagulgol ng iyak si Esau nang marinig ito at nagmamakaawa, Basbasan din po ninyo ako, ama! 35 Ngunit sinabi ni Isaac, Nilinlang ako ng iyong kapatid kaya nakuha niya ang basbas ko para sa iyo. 36 Nagsalita si Esau, Dalawang beses na niya akong dinaya, kaya pala Jacob a ang kanyang pangalan! Kinuha na niya ang aking karapatan bilang panganay, at ngayoy inagaw niya pati ang basbas na ukol sa akin! Wala na ba kayong nalalabing basbas para sa akin? 37 Wala na akong magagawa, anak, sagot ni Isaac. Siyay panginoon mo na ngayon; ginawa ko nang alipin niya ang kanyang mga kamag-anak. Ibinigay ko na sa kanya ang kasaganaan sa pagkain at inumin, kaya wala nang nalalabi para sa iyo. 38 Ngunit patuloy na nagmamakaawa sa kanyang ama si Esau, Talaga bang iisa lang ang inyong basbas, ama? Basbasan na rin ninyo ako. At patuloy siyang nanangis. 39 Sinabi ni Isaac sa kanya, Ang magiging tahanan moy malayo sa kasaganaan, pati hamog mula sa langit, ikay pagkakaitan. 40 Tabak mo ang iyong ikabubuhay, kapatid moy iyong paglilingkuran; upang kalayaay iyong makamit, kailangang ikaw ay maghimagsik. 41 Namuhi si Esau kay Jacob sapagkat ito ang binasbasan ng kanyang ama. Kayat ganito ang nabuo sa kanyang isipan: Pagkamatay ng aking ama, at itoy hindi na magtatagal, papatayin ko si Jacob! 42 May nakapagsabi kay Rebeca tungkol sa balak ni Esau, kayat ipinagbigay-alam niya agad ito kay Jacob. Sinabi niya, Anak, binabalak ng iyong kapatid na patayin ka upang makapaghiganti siya. 43 Makinig ka sa akin, anak. Umalis ka kaagad! Pumunta ka sa Haran at doon ka muna tumira sa aking kapatid na si Laban. 44 Doon ka muna hanggang hindi humuhupa ang galit ng iyong kapatid; 45 malilimutan din niya ang ginawa mo sa kanya. Hayaan mot pababalitaan kita kung maaari ka nang bumalik. Masakit man sa loob ko ang malayo ka sa akin, lalong hindi ko matitiis ang kayoy parehong mawala sa akin. Pinapunta ni Isaac si Jacob kay Laban 46 Sinabi ni Rebeca kay Isaac, Hirap na hirap na ang loob ko sa mga dayuhang asawa ni Esau. Kapag Hetea ring tulad nila ang napangasawa ni Jacob, mabuti pang mamatay na ako. Like · Reply · October 30 at 12:36pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 28: 1-22 1 Kaya tinawag ni Isaac si Jacob at matapos basbasan ay pinagbilinan, Huwag kang mag-aasawa ng Cananea. 2 Pumunta ka sa Mesopotamia, sa bayan ng iyong Lolo Bethuel. Doon ka pumili ng mapapangasawa sa mga pinsan mo, sa mga anak ng iyong Tiyo Laban. 3 Sa iyong pagaasawa, pagpalain ka ng Makapangyarihang Diyos, at naway magkaroon ka ng maraming anak upang ikaw ay maging ama ng maraming bansa. 4 Pagpalain ka nawa niya, gayundin ang iyong lahi, tulad ng ginawa niya kay Abraham. Mapasaiyo nawa ang lupaing ito na iyong tinitirhan, ang lupang ipinangako ng Diyos kay Abraham. 5 Pinapunta nga ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia, sa kanyang Tiyo Laban na anak ni Bethuel na taga-Aram. Si Laban ay kapatid ni Rebeca na ina nina Jacob at Esau. Nag-asawa si Esau ng Isa pa 6 Nalaman ni Esau na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia upang doon mag-asawa. Nalaman din niya na pagkatapos basbasan si Jacob ay pinagbawalan itong mag-asawa ng babaing taga-Canaan. 7 Nalaman din niyang sinunod ni Jacob ang kanyang amat ina at nagpunta nga sa Mesopotamia. 8 Nang mabatid ni Esau na ayaw ng kanyang ama sa babaing Cananea, 9 nagpunta siya sa kanyang Tiyo Ismael na anak din ng kanyang Lolo Abraham. Nag-asawa siya ng isa pa, ang pinsan niyang si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ismael. Ang Panaginip ni Jacob Genesis 28:12 - Nang gabing iyon, siyay nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos. Nanaginip si Jacob sa Bethel 10 Umalis nga si Jacob sa Beer-seba at nagpunta sa Haran. 11 Inabot siya nang paglubog ng araw sa isang lugar at minabuti niyang doon na magpalipas ng gabi. Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog. 12 Nang gabing iyon, siyay nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos. 13 Walang anu-anoy nakita niya si Yahweh sa tabi niya. Wika sa kanya, Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. 14 Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa. a 15 Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo. 16 Nagising si Jacob at ang sabi, Hindi ko alam na narito pala si Yahweh! 17 Nakakapangilabot ang lugar na ito! Tiyak na ito ang tahanan ng Diyos at ang pintuan ng kalangitan. 18 Maagang gumising si Jacob nang umagang iyon. Kinuha niya ang inunang bato at itinayo bilang isang alaala. Binuhusan niya ito ng langis at itinalaga sa Diyos. 19 Tinawag niyang Bethel b ang lugar na iyon na datiy tinatawag na Luz. 20 Nangako si Jacob nang ganito: O Yahweh, kung akoy sasamahan ninyo at iingatan sa paglalakbay na ito, pakakainin at dadamitan, 21 at makakabalik na muli sa bahay ng aking ama, kayo po ang aking magiging Diyos. 22 Sasambahin kayo sa lugar na ito na pinagtayuan ko ng batong alaalang ito, at ibabalik ko sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ipinagkakaloob ninyo sa akin. Like · Reply · October 30 at 12:36pm Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 29: 1-35 Dumating si Jacob kina Laban 1 Nagpatuloy si Jacob sa kanyang paglalakbay hanggang sa dumating siya sa lupain ng mga taga-Silangan. 2 May nakita siyang isang balon ng tubig sa kaparangan. Sa paligid nitoy may tatlong kawan ng mga tupang nagpapahinga, sapagkat doon pinapainom ang mga ito. Ang balon ay may takip na malaking bato, 3 at binubuksan lamang ito kapag papainumin na ang mga tinipong kawan. Matapos painumin ang mga ito, muli nilang tinatakpan ang balon. 4 Tinanong ni Jacob ang mga pastol na naroon, Taga-saan kayo, mga kaibigan? Taga-Haran, tugon nila. 5 Kilala ba ninyo si Laban na apo ni Nahor? tanong niyang muli. Oo, sagot naman nila. 6 Kumusta na siya? tanong pa niya. Mabuti, sabi naman nila. Hayun at dumarating si Raquel, ang anak niyang dalaga! Kasama niya ang kawan ng kanyang ama. 7 Maaga pa naman, sabi ni Jacob, bakit hindi ninyo painumin ang mga tupa at dalhin muna sa pastulan bago ikulong? 8 Aba, hindi maaari! sagot ng mga pastol. Ang lahat ng pastol ay kailangang narito bago buksan ang balon; saka pa lamang kami maaaring magpainom. 9 Nakikipag-usap pa si Jacob nang dumating si Raquel na kasama ang kawan ng kanyang ama. 10 Nang makita ni Jacob si Raquel na kasama ang kawan ni Laban, binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa. 11 Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa. 12 Sinabi niya, Akoy pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca! Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama. 13 Sinalubong naman agad ni Laban ang kanyang pamangkin. Niyakap niya ito at hinagkan, saka isinama sa kanila. Nang maisalaysay ni Jacob ang lahat, 14 sinabi sa kanya ni Laban, Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo! At doon na siya tumira sa loob ng isang buwan. Naglingkod si Jacob Dahil kina Raquel at Lea 15 Pagkalipas ng isang buwan, sinabi ni Laban kay Jacob, Hindi dahil magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong isweldo sa iyo? 16 Si Laban ay may dalawang anak na dalaga. Si Lea ang nakatatanda at si Raquel naman ang nakababata. 17 Mapupungay a ang mga mata ni Lea, ngunit mas maganda at kaakit-akit si Raquel. 18 Nabighani si Jacob kay Raquel, kayat ang sabi niya kay Laban, Paglilingkuran ko kayo nang pitong taon para kay Raquel. Naglingkod si Jacob kay Laban dahil sa pag-ibig niya kay Raquel Genesis 29:20 - Pitong taong naglingkod si Jacob upang mapasakanya si Raquel, ngunit iyon ay parang katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito. 19 Sinabi ni Laban, Mas gusto ko ngang ikaw ang mapangasawa niya kaysa iba. Sige, dumito ka na. 20 Pitong taong naglingkod si Jacob upang mapasakanya si Raquel, ngunit iyon ay parang katumbas lamang ng ilang araw dahil sa laki ng kanyang pag-ibig dito. 21 Sinabi ni Jacob kay Laban, Dumating na po ang panahong dapat kaming makasal ng inyong anak. 22 Naghanda nang malaki si Laban at inanyayahan ang lahat ng tagaroon. 23 Ngunit nang gabing iyon, hindi alam ni Jacob na ang pinasiping sa kanya ay si Lea, sa halip na si Raquel. 24 Ibinigay naman ni Laban kay Lea ang alipin nitong si Zilpa. 25 Kinaumagahan, nakita ni Jacob na si Lea pala ang kanyang kasiping. Kaya sinabi niya kay Laban, Bakit ninyo ito ginawa sa akin? Bakit ninyo ako nilinlang? Naglingkod ako sa inyo para kay Raquel, hindi po ba? 26 Sumagot si Laban, Hindi kaugalian dito sa amin na mauna pang mag-asawa ang nakababatang kapatid. 27 Patapusin mo muna ang sanlinggong pagdiriwang na ito at pagkatapos ay ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa. 28 Sumang-ayon naman si Jacob at nang matapos ang pagdiriwang, ibinigay nga sa kanya ni Laban si Raquel bilang asawa. 29 Ibinigay rin ni Laban kay Raquel ang alipin nitong si Bilha. 30 Sa wakas, naangkin ni Jacob si Raquel; mas mahal niya ito kaysa kay Lea. Kayat naglingkod pa si Jacob kay Laban nang pitong taon pa. Ang mga Anak ni Jacob 31 Alam ni Yahweh na si Lea ay di gaanong mahal ni Jacob, kayat niloob niyang magkaanak na ito, samantalang si Raquel ay baog. 32 Lalaki ang unang anak ni Lea. Ang sabi niya, Nakita ni Yahweh ang aking suliranin. Ngayon, tiyak na mamahalin ako ng aking asawa. Kayat Ruben b ang ipinangalan niya rito. 33 Nagdalang-tao siyang muli at lalaki na naman ang kanyang naging anak. Kanyang sinabi, Kaloob din ito sa akin ni Yahweh, dahil narinig niyang akoy hindi mahal ng aking asawa. Kayat tinawag naman niya itong Simeon. c 34 Muling nagdalang-tao si Lea at lalaki uli ang naging anak. Sinabi niya, Lalo akong mapapalapit sa aking asawa, sapagkat tatlong lalaki na ang aming anak. At tinawag niya itong Levi. d 35 Nagdalang-tao siyang muli at lalaki pa rin ang kanyang anak. Sinabi niya, Ngayoy pupurihin ko si Yahweh. Kayat tinawag niya itong Juda. e Pagkatapos nooy hindi na siya nagkaanak. Like · Reply · October 30 at 11:58am Bagong Magandang Balita Biblia- Lumang Tipan Genesis 30: 1-43 1 Nainggit si Raquel sa kanyang kapatid sapagkat hindi siya magkaanak. Sinabi niya kay Jacob, Mamamatay ako kapag hindi pa tayo nagkaanak. 2 Nagalit si Jacob at sinabi kay Raquel, Bakit, Diyos ba ako na pumipigil sa iyong panganganak? 3 Kayat sinabi ni Raquel, Kung gayon, sipingan mo ang alipin kong si Bilha upang magkaanak ako sa pamamagitan niya. 4 At pinasiping niya kay Jacob ang kanyang aliping si Bilha. 5 Nagdalang-tao ito at nanganak ng lalaki. 6 Panig sa akin ang hatol ng Diyos, sabi ni Raquel. Dininig niya ang aking dalangin at pinagkalooban ako ng anak na lalaki. Kaya Dan ñ ang ipinangalan niya rito. 7 Muling nagdalang-tao si Bilha at nanganak ng isa pang lalaki. 8 Sinabi ni Raquel, Naging mahigpit ang labanan naming magkapatid, ngunit ako ang nagtagumpay. Kaya, tinawag niyang Neftali a ang bata. 9 Nang mapag-isip-isip ni Lea na hindi na siya nanganganak, ibinigay naman niya kay Jacob si Zilpa, 10 at nagkaanak ito ng lalaki. 11 Mapalad ako, sabi ni Lea, kaya, Gad b ang ipapangalan ko sa kanya. 12 Si Zilpay muling nagdalang-tao at nagkaanak ng isa pang lalaki. 13 Sinabi ni Lea, Masayang-masaya ako! Masaya ang itatawag sa akin ng mga babae. Kayat tinawag niyang Asher c ang bata. 14 Anihan na noon ng trigo. Samantalang naglalakad sa kaparangan, si Ruben ay nakakita ng bunga ng mondragora at dinala niya ito kay Lea na kanyang ina. Bigyan mo naman ako ng mondragorang dala ng iyong anak, pakiusap ni Raquel kay Lea. 15 Sinagot siya ni Lea, Hindi ka pa ba nasisiyahang nakuha mo ang aking asawa, at ngayoy gusto mo pang kunin pati mondragora ng aking anak? Sinabi ni Raquel, Bigyan mo ako ng mondragora, sa iyo na si Jacob ngayong gabi. 16 Gabi na nang dumating noon si Jacob galing sa kaparangan. Sinalubong agad siya ni Lea at sinabi, Sa akin ka sisiping ngayong gabi; si Raquel ay binigyan ko ng mondragorang dala ng aking anak para sa karapatang ito. Nagsiping nga sila nang gabing iyon, 17 at dininig ng Diyos ang dalangin ni Lea. Nagdalang-tao siya at ito ang panlimang anak nila ni Jacob. 18 Kayat sinabi ni Lea, Ginantimpalaan ako ng Diyos sapagkat ipinagkaloob ko sa aking asawa ang aking alipin; at pinangalanan niyang Isacar d ang kanyang anak. 19 Muling nagdalang-tao si Lea, at ito ang pang-anim niyang anak. 20 Kayat ang sabi niya, Napakainam itong kaloob sa akin ng Diyos! Ngayoy pahahalagahan na ako ng aking asawa, sapagkat anim na ang aming anak. Ang anak niyang itoy tinawag naman niyang Zebulun. e 21 Di nagtagal, nagkaanak naman siya ng babae, at itoy tinawag niyang Dina. 22 Sa wakas, nahabag din ang Diyos kay Raquel at dininig ang kanyang dalangin. 23 Nagdalang-tao siya at nagkaanak ng isang lalaki. Kayat sinabi niya, Tinubos din ako ng Diyos sa aking kahihiyan at niloob na akoy magkaanak. 24 At tinawag niyang Jose f ang kanyang anak sapagkat sinabi niyang Sanay bigyan ako ni Yahweh ng isa pa. Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban 25 Nang maipanganak si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, Pahintulutan na po ninyo akong makauwi. 26 Isasama ko na po ang aking mga asawa at mga anak. Marahil po namay sapat na ang aking ipinaglingkod sa inyo dahil sa kanila. 27 Sinabi ni Laban, Kung mamarapatin moy ito ang sasabihin ko: Batay sa karanasan ko sa panghuhula, tunay na pinagpala ako ni Yahweh dahil sa iyo. 28 Sabihin mo kung magkano ang dapat kong ibayad sa iyo at babayaran kita. 29 Sumagot si Jacob, Alam naman ninyo kung paano ako naglingkod sa inyo at kung paano dumami ang inyong kawan sa aking pangangasiwa. 30 Ang kaunti ninyong kabuhayan bago ako dumating ay maunlad na ngayon, sapagkat pinagpala kayo ni Yahweh dahil sa akin. Kaya, dapat namang iukol ko na ngayon ang aking panahon sa aking sambahayan. 31 Ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo? tanong ni Laban. Sumagot si Jacob, Hindi ko po kailangang akoy bayaran pa ninyo. Patuloy kong aalagaan ang inyong kawan, kung sasang-ayon kayo sa isang kundisyon. 32 Pupunta ako sa inyong kawan ngayon din at ibubukod ko ang mga tupang itim, gayon din ang mga batang kambing na may tagping puti. Iyon na po ang para sa akin. 33 Sa darating na panahon, madali ninyong malalaman kung akoy tapat sa inyo o hindi. Tuwing titingnan ninyo ang mga hayop na naging kabayaran ninyo sa akin, at mayroon kayong makitang hindi itim na tupa o kayay kambing na walang tagpi, masasabi ninyong ninakaw ko iyon sa inyo. 34 Mabuti! Iyan ang ating gagawin, tugon ni Laban. 35 Ngunit nang araw ring iyon, ibinukod ni Laban ang lahat ng kambing na may tagpi maging barako o inahin, gayundin ang mga tupang itim at itoy pinaalagaan niya sa kanyang mga anak na lalaki. 36 Iniwan niya kay Jacob ang natira sa kawan at silang mag-aamay lumayo nang may tatlong araw na paglalakbay, dala ang alaga nilang kawan. 37 Pumutol naman si Jacob ng mga sariwang sanga ng alamo, almendra at platano, at binalatan niya ang ibang parte upang magmukhang may batik. 38 Inilagay niya ito sa painuman upang makita ng mga hayop tuwing iinom. Sa ganoong pagkakataon nagaasawahan ang mga hayop. 39 Napaglihian ang mga batik-batik na sanga, kaya naging batik-batik ang kanilang bisiro. 40 Ibinukod niya ang mga hayop na tagpian at itim sa kawan ni Laban upang ang mga ito ang laging natatanaw ng mga tupang puti. Sa gayon, parami nang parami ang sarili niyang kawan at itoy hindi niya inihahalo sa kawan ni Laban. 41 Ang batik-batik na sanga ng kahoy ay inilalagay lamang ni Jacob sa painuman kung malulusog na hayop ang nag-aasawahan. 42 Ngunit hindi niya ito ginagawa kung ang mga hayop na nag-aasawahan ay hindi malulusog. Kayat malulusog ang kanyang mga hayop samantalang ang kay Laban ay hindi. 43 Kayat lalong yumaman si Jacob; lumaki ang kanyang kawan at dumami ang kanyang alipin, at mga kamelyo at asno.
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 06:46:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015