GHOST STORY By Rey Langit Pumanaw ang ating Kasanggang - TopicsExpress



          

GHOST STORY By Rey Langit Pumanaw ang ating Kasanggang Reyster Langit taong 2005 sa St. Vincent Hospital sa Los Angeles, USA. Kaalinsabay ng pagtigil nang hininga ni Reyster sa Ospital sa US, siya namang pag kakalaglag ng larawan nilang mag kapatid mula sa bookshelf ng kuwarto ni Jr. sa Pilipinas. Hudyat kay Jr. na may nangyari sa kanyang kuya na si Reyster. ....... Habang sinasaayos ang mga papeles na kailangan upang madala ang kanyang labi pabalik ng Pilipinas, binalak naming lumipad patungong Chicago upang doon mag palipas ng ilang araw sa mga kamag anak ni Mrs. Langit, ngunit hindi ito nangyari dahil nawala ng parang bula ang aming Passports. Hinalughog namin ang aming maleta, lahat ng gamit at damit na puweding pag lagyan. Hindi pa rin makita. Nang mag-disisyon kaming huwag nang tumuloy at iwan ang kanyang labi sa hospital, sa ibabaw ng mesa sa aming tinutuluyang hotel mistulang magic na lumitaw ang mga Passport na aming inahanap. ....... Inihatid namin sa LA Airport ang kanyang anak na si Francis, kasama ang kanyang mommy na si Kit na naunang lumipad pabalik ng Pilipinas. Sa Airport nakasabay namin ang isang sasakyan na may plate number na # TY. Hindi ko binigyan ito ng kahulugan, ngunit nang nasa Highway na kami at makita ko ang patay sinding neon lights na nakasulat ang DIRECT - TV doon ko nabuo na si Reyster ang gustong mag communicate sa amin. Direct ang tawag sa kanya nang mga taga HIP-TV inc. ang production house na kanyang mina-manage at siya rin ang aming Director sa TV show. ......... Ang true story na ito ay naganap noong taon ding iyon. Buwan ng Nobyembre, ilang buwan makalipas masawi ang ating si Reyster sa kanyang naging mission sa Rizal, Palawan. Kung inyong maaalala, si Reyster kasama ng kanyang cameraman at local reporter ay masawi dahil sa celebral malaria makalipas nilang mag-document ng istorya nang mga batang nag kakasakit at nangangamatay mula sa tribo ng Taot bato sa bundok ng Singnapan, Rizal Palawan. ........ Madaling araw ng huwebes noon nang bigla akong magising mula sa pagkakatulog. Ang panaginip ko ay sariwa sa aking ala-ala na tinatahak ko ang Skyway sa South Expressway. Biglang naramdaman kong umangat ang aking sasakyan at tuloy tuloy na ako sa railing ng Skyway, tungo sa pag kakalaglag.... Habang palaglag ang sasakyan nasambit ko ang mga katagang.... Anak, eto na si Dad at biglang nag pop-out ang panaginip. Ang naging problema, hindi ko ma distinguish kung alin ang realidad sa panaginip. ......... Nataon noong araw na iyon ay nasa tagaytay si Mrs. Langit kasama ang ilan naming kamag anak na balik bayan. Walang mag sasabi sa akin kung itoy isang panaginip lamang o akoy isa na lamang spirit. Dagli akong nag bihis at nagtungo sa himpilan (Dwiz) na lagi kong ginagawa araw araw. Nasabi ko sa aking sarili na kung may babati sa akin, buhay ako. At kung walang makakapansin sa akin, ang hinala ko na ako ay isa na lamang spirit ay totoo na. ........ Naibsan ang aking agam-agam ng batiin ako ng aking mga officemates. Ikinuwento ko ito sa On The Air, at ang reaction nang aking mga kasamahan sa himpilan, nalungkot sila at parang gusto ko na raw sumunod kay Reyster. Nong panahong iyon ay deeply affected ako sa pagkawala ni Reyster, pilay ang pakiramdam ko. Nawala ang aking Director, nawala ang aking co-host sa TV show, ang aking kaibigan, ang aking barkada, anak at Kasangga. ........ Eksaktong isang linggo, huwebes din nang madaling araw. Paalis na ako ng bahay, naka-ugalian ko nang dumaan muna sa silid ni Reyster bago ako umalis. Nakita kong nag bagsakan ang lahat nang kuwadro ng larawan ni Reyster mula sa kanilang pagkakasabit. Very unusual, parang may mensahe na ibig pahiwatig. Sa aking pag mamadali ay hindi ko na nagawang maibalik pa at isabit ang mga kuwadro. ....... Habang tinatahak ko ang South express way patungo sa trabaho (DWIZ) pasado alas singko ng umaga, hindi kalakasan ang ulan, basa ang lansangan, bigla na lamang nag-Hydroplane ang aking sasakyan. Na ang ibig sabihin umangat mula sa kalsada na dinadaanan at halos hindi sumasayad sa lupa. Nang maramdaman ko ito, unti unti kong inapakan ang preno ng sasakyan, dala ko ay isang Ford Expedition at dito nangyari na dumiretcho ang sasakyan sa direksiyon ng railing ng Skyway..... tungo sa aking pag kakalaglag sa Highway. Dito ko na realize na ang panaginip ko ay isang warning sa mangyayaring kapahamakan. ........ Reyster anak, Lord Jesus, My GOD!..... ito na lamang ang pasigaw na aking nasambit, dahil alam kong iyon na ang wakas. Ngunit blessed pa rin ako, dahil may isa akong Reyster na Kasangga sa Langit ! Isang himala ang pangyayari, biglang tumigil ang aking sasakyan na nasa bingit ng tiyak na pagkakalaglag sa Skyway. Damang dama ko na may humawak, humadlang at pumigil upang huwag itong tuluyang mahulog. Doon ako naniwalang mayroon nga tayong Guardian Angel. ......... Ganoon na lamang ang pagkaka mangha ng mga sumaklolo sa akin nang malaman nilang ni hindi ako nagalusan. Ayon sa mechanic ng Ford Makati, malakas ang impact ng pagkaka hampas nito sa gutter ng skyway, sumabog ang gulong sa likod na kanang bahagi, durog ang mag wheels, bakli ang shock absorber, bumaluktot ang Axle na pinagkakapitan ng gulong at nagdadala nang bigat nang buong sasakyan. Ayon pa sa isang kaibigan, himala ang pagkakaligtas mo sa major accident na ito. Sa bilis na 130 - 150 Km na takbo kung hindi sa hospital ay sementeryo ang diretcho mo. ........ Ngayong natapos ko na ang pagsa-salaysay sa pinamagatan kong Ghost Story. Sa pinaka-note ng aking iPad, maniniwala ba kayong biglang natakpan ang istorya na aking sinusulat at lumitaw sa screen ang larawan ni Francis ang kaisa-isang anak ni Reyster. Larawang mula sa photo album ng aking iPad. ....... Ngayon lamang nangyari sa aking computer na pumasok ang ganitong multitasking features update sa aking iPad mini at larawan pa ng anak ni Reyster. Habang sini share ko ito sa inyo ay kinikilabutan ako, dahil sa unusual na paglitaw ng larawang mula pa sa mahigit na tatlong daang (300) photos sa aking computer photo album. What a coincidence ! Knowing Reyster kung gaano siya ka-creative, itoy isang uri nang kanyang paramdam. Kanyang paalala na huwag kong kakaligtaan ang mahal niyang anak na si Francis.
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 10:40:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015