Galing sa aking inbox hide daw name nya.. :) Ang BABAE kadalasan - TopicsExpress



          

Galing sa aking inbox hide daw name nya.. :) Ang BABAE kadalasan nakakainis dahil pabago-bago ang isip, nakakairita dahil ang dameng arte sa katawan, nakakapikon dahil minsan ang puso nila matigas pa sa bato. Pero di ba nakakalimutan natin yan, dahil sa kabila ng lahat masarap parin mahalin ang isang babae, kahit kadalasan puro hinala ang babae, puro paalala, puro pangaral na tila ba isa kang bata na hindi alam ang tama sa mali, pero anu parin bang masasabi mo? Ok lang dahil mahal ka lang nyang talaga kaya swerte ka. Ang magagawa nalang naten ay intindihin sila at mahalin kahit na ndi naten alam kung bakit napakatagal nila sa banyo, kahit bigla na lang sila magagalet sayo at bubungangaan kna lang, kahit bigla nalang sila tatahimik na di mu alam kung anung nsa takbo ng utak nila na tipong magpapaka-Madam Auring ka pa para hulaan lang yun, kahit na maiinis na agad sila sayo kahit 5 mins ka lang late. So ano ba talaga punto ko? simple lang, MAHALIN natin sila kahit madalas hindi natin sila maintindihan at wala tayong karapatan na magreklamo dahil una palang bago natin sila ligawan ay alam na natin na ganyan sila kaya wala parin sa atin ang karapatan na SAKTAN at PAGLARUAN sila... at hindi lang naman tayo ang nagtitiis sa ugali nila malamang sila din, may mga ugali din ang mga lalake na tiniis nila, kung ano man yun edi tanungin mo sila pero diba ang sarap isipin na alam naten talagang hindi tayo perpekto pero nanjan parin ang mga babae para gawin tayong KUMPLETO.. :)
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 13:05:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015