Gasolinahan nagliyab sa Carmen North Cotabato Nasunog ang Shell - TopicsExpress



          

Gasolinahan nagliyab sa Carmen North Cotabato Nasunog ang Shell gasoline station na pagmamay-ari ng pamilya Talino sa Carmen North Cotabato alas onse y medya ng umaga nitong Martes. Sa inisyal na imbestigasyon ng Carmen Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog sa likurang bahagi ng gasoline station nang magkaroon ng gasoline leak at kumalat ang apoy patungo sa drainage canal sa labas ng compound. Aksidente namang nahagip ng apoy ang isang labindalawang taong gulang na batang lalaki at agad dinala sa Amas Provincial Hospital. Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Carmen Bureau of Fire Protection sa posible pang dahilan ng pagliyab ng apoy sa gasolinahan. Samantala,kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy. NDBC Network
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 09:41:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015