Ghost Story: Alam nyo yung room sa tabi ng S207 ata o S307 (or - TopicsExpress



          

Ghost Story: Alam nyo yung room sa tabi ng S207 ata o S307 (or 6), yung may pinto na puro salamin.. Nung nag e-english plus pa ako, lagi kong nadadaanan yung room na yun, kasi 7:30 simula ng class ko tapos andun na ako sa hallway mga 6am. Pag daan ko dun sa room na sinasabi ko, napapasilip ako ng konti, ganun ako eh, tuwing may dadaanang room lagi akong sumisilip, hanggang may nakita ako... May parang nakatayo dun sa bandang harap, black figure, walang ilaw sa room eh, parang may bitbit na baby.. simula noon, tuwing napapadaan ako doon, di ko maiwasang mapasilip at magkaroon ng mini heart-attack. hanggang sa maabutan ko yung room na may ilaw pero walang tao, yun pala figure lang talaga siya, parang manikin or something. Buti nalang at hindi multo -.- PokeMonster, 2013 ME
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 00:40:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015