Girl na kablock ko, bakit ang weird mo? Alam mo noong isang araw - TopicsExpress



          

Girl na kablock ko, bakit ang weird mo? Alam mo noong isang araw talaga hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko but being the friendly person that I am naisipan kitang alukin ng sundae. Nagulat nga ako noong tinanong kita ng, Uy gusto mo? :) gusto ko sana bawiin kaso nakakahiya naman sayo. Napapailing na ko non pero ang ikinagulat ko talaga eh yung reaction mo na kala mo hindi ka pinapakain ng magulang mo. Ano ulit yung sagot mo sa tanong ko? Oh really?! O___O Bibigyan mo ko ng sundae? Tumango ako. Pero putangina yung sunod na ginawa mo yung nakapagpatunay na medyo may tama ka Girl eh. Usually kasi kapag nag aalok ang ineexpect ng tao kukuha ka lang ng onti. Pero ano ginawa mo? KINUHA MO SUNDAE KO NG ISANG BUO. Tumalikod at lumapit sa basurahan at nagmadaling ubusin ang sundae KO. Alam mo bang hindi pa ako nakakalahati doon tapos kukunin at uubusin mo lang? Ikaw kasi bumili eh no? Ang imba mo po. Natulala na lang ako sa ginawa mo eh. Ako pa tuloy nanghingi sa iba kasi nga inangkin mo yung akin. Awtsu. Pero hindi lang yan yung kinaweird mo para sakin. Please may tamang panahon at oras po para magputok ng pimples. Huhu. Wag naman sana yung nasa room tayo tapos titirisin mo ang mahiwaga mong pimpol tapos tatalikod ka pa at tatanungin kaming mga kablock mo ng, Uy dumudugo ba? Nakakadiri talaga kasi. Gets ko naman na college na, medyo dumadami talaga ang pimples pero ang hindi ko magets ay yung parati mong pagputok sakanila at pag tanong ng Uy dumudugo ba? Eh kung ikaw kaya paduguin ko jan? Nakakadiri kasi. Labyu. Jk. Hindi talaga kita lab. Inubos mo kasi sundae ko eh. Sana magbago ka na. Para naman magkafriends ka na. Onti lang naman babaguhin mo eh. Mukha mo, ugali mo (pwede sanang pangsalba sa mukha yon pero wala eh pati ugali mo pangit.), wag ka na magpaputok, at matuto makiramdam kung gaano karami ang kukunin kapag inaalok ng pagkain, wag PG please. :( COLLEGE OF ACCOUNTANCY PseudonymousJ
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 07:09:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015