Give Me a Reason to Live by Eijei Meyou Chapter XXVI Jessie’s - TopicsExpress



          

Give Me a Reason to Live by Eijei Meyou Chapter XXVI Jessie’s POV “Nasaan ako?” “Nasa langit ka.” “May mission ka.” “Isang tao…isang dahilan…at babalik ang dati mong buhay.” Umaalingawngaw sa utak ko yong boses na yun. “Jessie!” Isang lalake na mukhang galit iyon, “wag kang tumalon sa kama ko!” “Tita Jessie!” Paslit naman ngayon, “laro tayo dolls ko!” “Arf arf!rawr! arf!” Bat may aso? “Misyon muna bago landi , Jessie,”ohlala!sino to? “Baka magsisi ka rin,” matandang boses naman ngayon, “tanungin mo muna.” “Err, why don’t we try it at your room , Geoff?” “Geoff…” Geoff… Geoff… Jessie… Jessie… Napabalikwas ako ng bangon. “Oh, Petriatico, gising na tong kaibigan mo!” Isang magandang babae ang nakita ko. Pumasok yung lalakeng kausap ko lang kanina bago ako mawalan ng malay. “Gising ka na pala,” nakangiti yung lalake. “Ikaw si Peter. Ikaw yung muntik ng maging naghel. Ikaw nga!” Ngumiti uli siya, “ako nga.” “Naku, Palits! Kayo na nga ang mag-usap! Pareho kayong malalim ang hukay sa utak,” lumabas na yung babae. “Siya si Natasha di ba? Ow. Naaalala ko na rin siya.” “So naaalala mo na yung ‘chuweng’ ko?” “Yung parang teleporter? Astig! Tss. Pero paano? Kala ko panaginip lang yun?” “Engks. Hindi kaya. 16 days kang nanggulo kay Geoff, naaalala mo rin ba yun?” “Nanggulo ba ako? Ang sama ko naman.” “Haha. Hindi naman ‘masyado’. Nakatulong ka rin naman. Napagmove on mo siya.” May nilabas siya mula sa kung saan, magazine pala iyon, “kita mo tong babaeng to? At etong lalake? Yan si Mitchie, ex ni Geoff.at ito naman si Dereck, jowa ni Mitchie na pinampalit nya kay Geoff. Bitter si Geoff pero dahil nanggulo ka nga, nalimutan ni Geoff si Mitchie.” “Happy ba ang ending namin ni Geoff? Para kasing hindi eh” “Hindi talaga. Pero kung tatanggapin mo siya uli, magiging happy. Gaya namin ni Nutella.” Tatanggapin ko ba? Ayaw ko yata. Sheyts ano ba naman kasi yan. “Aalis na ako.” “Oh, saan ka na pupunta? Aayain mo ng gumawa ng baby si Geoff? Sabagay---“ Pinanlakihan ko siya ng mata. “Kung anu ano yang lumalabas sa bibig mo. Magiisip lang ako noh.” Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sina Mylene at yung asawa nya sa sala, nanonood. Di naman na nila ako tinanong kung saan ako nanggaling. Kumain na lang ako at natulog. Sleepy head.... “Jessie.” “Geoff? Anong ginagawa mo dito? ---oooppp---ooopppsss! Anong binabalak mo?” Lumayo ako ng konti, lumalapit kasi yung mukha nya sakin. “Ggaaahhh!” Para akong sumisid sa kailaliman ng dagat at nawalan ng hininga nung magising ako. “Ahyst. Shet na malagket naman.” Tapos unti unti akong napangiti, “sayang hindi natuloy. Hihi.” “Uy baliw,” si ate Mylene yun, kumatok pa siya bago sumilip, “nasa labas si Geoff.” “Ah okay.” “Ayos din itong manliligaw mon ha. Walang palya.” “Walang palya sa pakikikain ng breakfast kamo. Haha.” Umalis na si ate. Talaga naman complete attendance si Geoff sa pakikikain sa bahay mula ng lumabas kami sa ospital. Eh sa mapang-asar ang kapatid ko, nung isang araw ay sunog na sinaing at tuyo ang iniharap samin. Pigil ako sa pagtawa nun kasi wala namang angal si Geoff kahit halata namang hindi siya sanay sa ganung pagkain. Naghilamos lang ako at tinali yung buhok ko pataas ng hindi pa ako nakapagsusuklay. Imagine’in nyo na lang na parang sumasabog na fountain yung buhok ko. “Hi.” Nakangiting bati sa kin ni Geoff. Well aaminin ko, gwapo siya. Mukhang simpatiko tapos lagging nakakunot ang noo. Pero kapag nakatingin siya sa kin, all smiles naman siya. “‘Morning,”nakangiti na rin ako. Nung kumakain na kami, nagpaalam akong magsisimba. “Sasama ako,” si Geoff “Wag na, baka gumuho pa ang simbahan pag sumama ka.,”siniko ko pa siya. Lumungkot yung mukha nya. aw look at that, nakakaawa naman. “Eh di magpapatayo ako ng bago.” Yehrayt. Mayaman naman kasi kaya madali lang yun para sa kanya. K “Isama mo na kasi,” susog ni ate. No choice tuloy ako. Isasama ko na talaga siya kahit labag na labag sa kalooban ko. So, naligo na ako at nagbihis. Paglabas na paglabas namin ay nakita namin yung mga kabataan na nakakumpol sa poste ng meralco malapit sa bahay. Impit na nagtilian sila ng batiin sila ni Geoff ng ‘good morning’. At pinakamalakas ang tilian ng mga bading dun. Hanep talaga ang karisma ni Geoff. Nilakad lang namin papuntang simbahan. “Lagi ka na lang sumasama sakin,” sermon ko keh Geoff, “panu pag may magpapasabog ng bomba dun? Eh di patay tayo pareho? Tss.”Mas nauuna akong maglakad at nasa likuran ko lang si Geoff. Feeling ko walang nakikinig sakin, lumingon ako. At may kausap na dalagita ang magaling at kalahating si Geoff. Pa-cute ng pa-cute yung dalagita. Agad naman akong lumapit. “Ah hihi... thank you...sabi nga ni mama maganda ako...hihi...” panay ang hawi ng babae sa buhok nya, iniipit nya sa likod ng tenga nya. “Ah ganun ba, nene?” Diniinan ko pa talaga yung nene. Mukhang disisais lang kasi siya, “sabi lang ng mama mo yun para di ka masaktan. Gusto mo bang marinig ang totoo mula sa mama mo? Ganito kasi yun pag sasabihin nya sau,”I cleared my throat, “’anak, di ka naman kagandahan. Makinis lang ang kutis mo. Sa katunayan, pandak ka rin kaya wag ka ng mangarap.’ Okay na?” at inirapan ko siya. Hinarap ko naman si Geoff. “Ikaw ha, magsisimba tayo kaya magpakabait ka naman!” Nagmartsa na naman ako. Naiiyak pa yung babae kanina. Aba! Naniniwala naman siya kay Geoff. Eeee! Ang sarap tirisin ng lalakeng yun! “Uy. Selos ka naman agad.” Nakasunod na pala sakin ang magaling na si Geoff. “Sana sinabi mong makikipaglandian ka pa para hindi ko kinausap ang hangin. ,” hinampas ko siya sa balikat, “kainis ka!” “Haha. Nagtanong lang naman siya kung maganda yung ayos nya eh.” Hindi ako umimik. “Gusto mo mag-mcdo tayo pagkatapos ng misa?” Ang cheap nya ha? “Wala si Mcdonalds, nagpa-laundry ng damit.” “Eh Jolibee?” “Wala rin. Di-nate nya si Hetty. Mangongolekta pa siya ng nectar mamaya.” “Oh.” “Naniniwala ka sa mga sinasabi ko?” para kasing naniniwala siya kasi tumatango tango pa siya. Ngumiti siya, “oo naman. Basta sinabi ng taong mahal ko, papaniwalaan ko.” Napaubo naman ako, “ang sabe?” Ubo ulit. “Ikaw ha, joker.” “Di ka naniniwala?” “Hindi. Pinagloloko mo ko eh.”Ahw ! Kill me na! Now na! Kinikilig ako..eee! “Bahala ka.” Kahit nung makapasok na kami sa simbahan ay may nakapaskil siyang ngiti sa labi na parang nagsasabing “may gagawin akong kalokohan mamaya” Sa likuran kami pumwesto kasi wala ng mauupuan sa harap. Katabi namin yung matandang mukhang nilalayuan ng lahat. “Dito ka na lang,” sabi ni Geoff na halata naman na nilalayo rin nya ako kay lola. “Pag ikaw naging ganyan 50yrs from now, lalayuan din kita. Dyan ka na lang, dito ako sa tabi nya.” Medyo nakakalayo na rin yung misa nang... “Ikakasal ka na rin,” sabi ni lola. Lumingon lingon pa ako. baka may kausap na kaluluwa si lola at naupuan ko lang. “Ho? ako po ba?” “Sabi ko na nga ba’t magagawa mo rin.” Sa harap lang nakatingin si lola. Nilingon ko muna si Geoff na busy sa pakikinig sa sermon ng pari. “Ano po ule , lola?” Alam din ba ni lola yung tungkol sa nangyari sakin nung ‘lost soul’ pa ako? “Aba hindi panaginip yun. Totoong nangyari yun at saksi ako dun.” Great. Mind reader si lola. “Jessie,” dinutdot pa ni Geoff yung braso ko, “punta lang ako sa harap.” “Ha? teka--- “ nakaalis na siya, ni di man lang nya ako nilingon. Ano naman kaya ang gagawin niya sa harap? Patapos na yung misa eh..or mas dapat sabihing nagbibigay na lang ng notes yung pari at nag-aalisan na ang ilan. “Sabi ko sayo eh.” Nagsasalita na naman mag-isa si lola. “Good morning to everyone. –ehem- Im sorry if magugulo ko kayo...” o.O O.o O_____O Anong ginagawa ni Geoff sa harap?! >_< “I’ve been waiting for this day to happen. It’s the right time, eh? Sorry but im not good with words. Di ko rin alam kung tama ba tong ginagawa ko.”Nakatayo si Geoff sa tabi ng pari na ngiting ngiti. ‘Anong problema ng yummy guy na yan?’ ‘Don’t know sis, pakinggan na lang natin.’ ‘Baka manghihingi ng tulong.’ ‘Ahy baka nga. Bat di na lang siya lumapit sakin?’ Naghagikgikan pa ang dalawang bakla na nag-uusap sa harap namin ni lola. Pagnasaan pa daw si Geoff. -_- “Eto na nga.” Huminga ng malalim si Geoff. “I want to call Ms. Jessica Antonio in front...please.” ‘Jessica Antonio raw.’ ‘Ahy bakit wala atang Jessica dito?’ ‘Ako na lang pupunta.Kunwari ako si Jessica.’ Usapang bading na naman. Pa-whistle-whistle pa ako na biglaang nagkaroon ng interes sa kisame ng simbahan. Tumitingala pa ako. “Jessica ‘Jessie’ Antonio. Please... “ Oh please , lupa, lamunin mo na ko, dali! Nakatingin ng diretso si Geoff sa kin.unti unti namang lumingon yung mga usisero’t usisera. Para hindi halata, lumingon na rin ako sabay sabing: “sino ba yang Jessica na yan? Ang bingi naman.” “Hay naku sister, wala ng tao sa likod kaya sure-laloo ako na ikaw ang tinatawag ni yummy guy. Goralets na,” sabi nung bading na may paru-paro pa sa ulo. Nasundan pa ang hikayat na yun ng “sige na kasi, miss.”...”punta ka na” at marami pang iba. “Anak, ikaw rin ang mawawalan,” si lola. Pikit-matang naglakad ako papuntang altar. Para na akong bibitayin. Lagot sakin tong Geoff na to pag nakalabas kami dito sa bahay ni Lord. “Thank you.” Sabi pa ni Geoff, hawak pa rin nya yung mic kaya naman nabro-broadcast yung sinasabi nya. pansin ko rin na dumadami na ang tao sa loob ng simbahan. “Anong drama to? Kung anu ano pinapauso mo ha,”mahina ngunit mariin na sabi ko. “Sabi ko nga, this is my chance...” O_O (O)_____(O) Walang sabi sabing lumuhod si Geoff. “Ahyst! Tumayo ka nga! Wag kang ganyan!”Broadcasted. ‘Wow ang sweet.’ ‘Witness pa si Lord.’ ‘Ang swerte ng babae.’ ‘Gwapo din naman ang lalake.’ Kanya kanya ng bulungan ang mga tao. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na bumulong yung pari sa pinakpinakamalapit na seminarista. “Jessica ‘Jessie’ Antonio...” inhale...exhale...smile... “Will you be the grandmother of my grandchildren?” Mula sa bulsa niya, may nilabas siyang gold silver na singsing, parang twisted tapos may maliit na diamond sa gitna. “Grandmother agad?” Kaloka talaga tong si Geoff. Wala pa nga kaming anak, magiging lola na agad ako? ‘Yes!’ ‘Oo na.’ ‘Dali kasi!’ ‘Oo na yan. halata naman.’ “Jessie, will you marry me...and join me til I die?” “Ngayon ‘die’ naman?” Anong isasagot ko? Di ko pa nga siya naaalala ng tuluyan eh tapos kasal na agad tong kinasusuungan ko?! “Okay deal na!” Nagdiwang lahat ng nandun.pati si Father ay napatalon sa sobrang galak. With these people...and God as our witness... He kissed me on my lips. And I remember this guy’s kisses. Will I regret?
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 12:30:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015