Global temperature dumoble, aktibidad ng tao sanhi ng climate - TopicsExpress



          

Global temperature dumoble, aktibidad ng tao sanhi ng climate change - UN STOCKHOLM, Sweden - Idinetalye ngayon ng United Nations Climate panel ang mga ebidensiya na dahilan ng climate change o ang pag-init ng temperatura ng mundo. Batay sa inilabas na report ng Interngovernmental Panel on Climate Change, 95 porsiyento umano itong naniniwala na ang tao ang sanhi ng global warming. Nagbabala ang panel na kapag patuloy ang emission ng greenhouse gases, lalo itong magpapainit sa global temperature at babaguhin ang buong aspeto ng climate system. Ayon sa panel, dapat na bawasan ang carbon dioxide emission. Batay sa report, dumoble pa ang init ng temperatura sa mundo kung saan mula sa 2 degrees Celsius noong 2007, ito ay nasa 4.5 degrees Celsius na ngayon. Patunay umano ng lumalalang epekto ng climate change ay mas uminit ang temperatura sa karagatan at kalawakan, kaunti na lang ang mga glaciers, mas mabilis din ang pagtaas ng sea levels at tumaas din ang greenhouse gas emission. Ang nakalipas na tatlong dekada ay mas mainit din umano kumpara sa nakaraan. Nabatid na ang climate change ang sinisisi sa madalas na mga kalamidad ngayon kagaya ng bagyo at baha. (BBC)
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 12:55:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015