Got To Believe nina Daniel at Kathryn, inilampaso ang katapat na - TopicsExpress



          

Got To Believe nina Daniel at Kathryn, inilampaso ang katapat na serye TAGUMPAY ang pilot episode ng Got To Believe noong Lunes dahil nakakuha ito ng 34% sa ratings game kompara sa katapat nitong programa na nakakuha naman ng 16% kaya naman masayang-masaya ang Star TV na siyang nasa likod ng kilig-serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nagkaisa ang KathNiel fans na panoorin ang Got To Believe at ito ang matagal na nilang hinihintay kaya nga pinatapos na kaagad ni Judy Ann Santos ang Huwag Ka Lang Mawawala, ‘di ba ateng Maricris? In fairness ay inamin ng TV executive na maganda talaga ang serye nina Daniel at Kathryn lalo’t si Cathy Garcia Molina pa ang nagdirehe na kilala pagdating sa rom-com (romantic-comedy) kaya hindi na nagtaka kung magki-click ito sa telebisyon tulad din ng mga pelikulang nagawa na ng nasabing direktor. Isa na talaga sina Daniel at Kathryn sa hottest young stars ng ABS-CBN at hindi rin naman itinanggi sa nakausap naming TV executive na kasama na ang batang aktor sa money-maker ng Dos dahil sa sangkaterbang endorsements nito at tinatayang naglalaro na sa P5-M hangang P8-M ang talent fee ng batang aktor bagay na hindi pa raw ito nakamit ng ka-edad niyang artista. Tsika nga sa amin ng mga taong nakapaligid kay DJ (palayaw ng aktor), hilong-hilo na sila sa kaka-stretch ng schedule niya dahil kaliwa’t kanan ang inquiries at hanggang Abril 2014 na raw sarado ang kalendaryo niya at puwede lang singitan kapag may TVC shoot dahil ito naman talaga ang priority ng artista bukod sa tapings. Well, strike when the iron is hot dahil hindi naman humihinto rin ang ABS-CBN sa pag-diskubre ng mga gustong mag-artista. At bilang regalo sa buong sambayanang nanabik sa Got To Believe lead stars ay inilunsad ng programa ang espesyal na proyekto nitong G2B Army Color Fun Run. Dahil sa masamang panahon, mula Agosto 25 ay inilipat sa Setyembre 1 (Linggo) ang araw ng fun run na gaganapin pa rin sa Aseana Business Park sa Paranaque City. Ang assembly time ng G2B Army Color Fun Run ay 6:00 a.m.. Ang G2B Army ay binubuo ng libo-libong Filipino—bata o matanda—na naniniwala sa pangunahing layunin ng grupo na makapagdulot ng mabuting pagbabago sa bansa. Ang mga may opisyal na race kits lamang ang maaaring dumalo sa G2B Army Color Fun Run.
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 06:00:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015