Gov. Mangudadatu, MILF kinondena ang pagsabog sa - TopicsExpress



          

Gov. Mangudadatu, MILF kinondena ang pagsabog sa Cotabato COTABATO CITY- KINONDENA ng mga opisyal ng Maguindanao ang naganap na pagsabog sa Cotabato City na ikinamatay ng siyam katao. Dismayado diumano si Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu na nangyari ang nasabing pagsabog habang nalalapit na ang Eid ul fitr. Naniniwala ang gobernador na kagagawan ng mga terorista ang naturang pamomomba. Agad naman na ipinag-utos ng nasabing opisyal sa mga sundalo at pulis ang paghigpit ng seguridad sa buong lalawigan. Ang nasabing karahasan ay labis ding kinondena ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon kay MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, hindi makatarungan ang nasabing hakbang at hindi itinuturo sa Islam. Malaki diumano ang posibilidad na kagagawan ito ng grupo na may koneksyon sa international terrorist group at ng mga kumukontra sa isinusulong na peace talks sa isinusulong na Bangsamoro juridical entity. (Luz Cartagena-Balancio)
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 04:02:40 +0000

Trending Topics



other worlds of
2007 Topps Allen & Ginter # 16 Carl Crawford Tampa Bay Devil Rays

Recently Viewed Topics




© 2015