Governor Mendoza nakatutok sa sitwasyon ng mga evacues Sinisikap - TopicsExpress



          

Governor Mendoza nakatutok sa sitwasyon ng mga evacues Sinisikap ngayon ni North Cotabato Governor Emmylou”Lala”Taliňo Mendoza kung paano matulungan ang mahigit dalawang libong mga evacues sa bayan ng Midsayap. Ngunit sa ginawang press conference ng mga opisyal ng militar,pulisya at mga lokal opisyal sa bayan ng Midsayap ,sinabi ni Mayor Romeo Araňa na nakatakda na silang mamahagi ng tulong sa mga bakwet na lumikas sa bakbakan ng militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Inilatag rin ni 6th ID Spokesman Colonel Dickson Hermoso at Midsayap Chief of Police,Supt Reinante Delos Santos ang security measures para sa seguridad ng mamamayan. Kinondina naman ni Board Member Loreto Cabaya na kinatawan ni Governor Mendoza ang ginawang pagpaslang ng BIFF sa dalawang sibilyan kung saan isa rito ay pinugutan ng ulo ng mga rebelde. Nagpasalamat naman si Midsayap Mayor Romeo Araňa sa mga tumulong para mapalaya ang mga sibilyan,guro at estudyante na ginawang humanshield ng BIFF. Samantala hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng dalawang sibilyan na pinatay ng BIFF. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa labing dalawa ang nasawi sa engkwentro ng militar at BIFF sa bayan ng Midsayap,itoy kinabibilangan ng tatlong sundalo,pitong mga rebelde at dalawang sibilyan. Mas pinaigting pa ngayon ng militar at pulisya ang pagtugis sa mga rebelde.
Posted on: Wed, 25 Sep 2013 04:21:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015