Grabeng COMELEC MEYCAUAYAN yan, ang hirap magparehistro!! 2:00 AM - TopicsExpress



          

Grabeng COMELEC MEYCAUAYAN yan, ang hirap magparehistro!! 2:00 AM nakapila na ang tao pero pag magstart na, hindi ino-honor ang pila. at 8:30 AM na nagsisimula ang processing. Nakikipag coordinate na ang mga tao at gumagawa ng numbering para maging maayos ang pagkakasunod sunod ng pila. tapos biglang sasabihin na "wala sa kanya ang numbering" -Napo (COMELEC PERSONNEL). 3 processes ang pag-pila: 1st Line Process: Pagbibigay ng requirements attached sa Query Form. pero wala naman ibinibigay na Form. kaya gumagawa ng sariling paraan ang mga tao para mapag-produce ng Query form. unang pila pa lang hindi na maayos dahil pabago bago ng requirements. for example nung July 22, 2013 ang requirements ay: 1. Valid ID (Photocopy) 2. Birth Certificate (Photocopy) Nung July 27-28, 2013 ito na ang requirements: 1. Valid ID (Original) 2. Birth Certificate (Original) 3. Police Clearance (P80.00/each) Nung July 29, 2013 ito na ang requirements: 1. Police Clearance is no longer accepted. 2. NBI Clearance *Kumuha ang mga tao ng Police clearance na nagkakahalaga ng PHP 80.00. na hindi na mapapakinabangan dahil sa pabago bagong requirements. 3. Postal ID 2nd Line Process: Pipila ulit para mag intay ng tawag pagkatapos ng 1st Line process, at pag tinawag at i-query ay ibabalik ang qeuery form at requirements at bibigyan ng Three (3) copies of registration form para fill-outan. at ibabalik para sa 3rd Line. 3rd Line Process: Pipila ulit para sa Picture at tumatagal ng three (3) days. na may daily cut off na 4:30 PM. babalik ka next day kung hindi umabot sa cut off sa araw na iyon. GANITO NA KAHIRAP AT KATAGAL ANG PROSESO, MAYROON PANG "PALAKASAN SYSTEM"! MAY MGA MALALAKAS AT HINDI NA KAILANGAN PANG PUMIPILA AT HINDI SUMUSUNOD SA PROSESO. BUKOD PA ANG SUMISINGIT. NA NAGIGING DAHILAN LALO NG PAGBAGAL NG PROSESO NG MGA NAGPAPAREHISTRO SA TAMANG PROSESO.
Posted on: Tue, 30 Jul 2013 01:31:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015