Grupo ng MNLF sa Davao, itinanggi na may kaugnayan sa 2 - TopicsExpress



          

Grupo ng MNLF sa Davao, itinanggi na may kaugnayan sa 2 pagsabog Written by Bombo Davao Published in Latest News Tuesday, 17 September 2013 DAVAO CITY – Mariing pinabulaanan ng isang Rolando Olamit, tinaguriang city state chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na may kaugnayan sila sa pagsabog ng dalawang bomba sa lungsod ng Davao. Ayon sa kanya may "3rd force" na gustong guluhin ang Davao at idawit ang MNLF. Hindik naman pinangalanan ni Olamit kung anong grupo ang kanyang tinutukoy. Kaagad ding pinabulaanan ng MNLF na may kaugnayan sila sa pagsabog ng dalawang improvised explosive device sa Cinema 5 ng G-Mall at Cinema I ng SM Mall ng Ecoland sa lungsod. Ipapatawag din daw ni Olamit ang kanyang mga nasasakupan upang malaman kung sino ang posibleng "3rd force" na nakapasok sa lungsod. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/22805-grupo-ng-mnlf-sa-davao-itinanggi-na-may-kaugnayan-sa-2-pagsabog#sthash.xBo4ytSi.dpuf
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 12:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015