Gumahasang ama, pinugutan ng ulo SYDNEY (AFP) --- Pinugutan ng - TopicsExpress



          

Gumahasang ama, pinugutan ng ulo SYDNEY (AFP) --- Pinugutan ng ulo ng 18-anyos na dalaga ang kanyang ama gamit ang isang itak matapos siyang gahasain sa kanilang bahay sa Papua New Guinea, ayon sa ulat nitong Lunes, kung saan kinakanlong ito ng mga lider sa komunidad, sa pagsasabi na nararapat lang siyang mapatay. Sinabi ng Post-Courier newspaper malinis ang pagkakapugot ng dalaga sa ulo ng kanyang ama matapos siyang paulit-ulit na ginahasa nitong Martes ng gabi sa kanilang lugar sa mahirap na bansa sa Pacific, Western Highlands. Sa ulat, sinasabi ng isang pastor na ang ama na nasa mid-40s ay may tatlo pang anak at sinamantala­han nito ang kanyang anak na babae nang maiwan silang dalawa sa bahay matapos ang kanyang ina at iba pang kapatid ay bumisita sa kanilang mga kaanak. Sinabi ni Pastor Lucas Kumi, na pinasok umano ng ama ang kanyang anak sa kuwarto nito noong gabi at paulit-ulit na ginahasa. “The father wanted to rape his daughter again in the morning inside the house and that was when the young girl picked up the bush knife and chopped her father’s head off,” aniya. Ayaw isuko ng mga lider sa komunidad ang dalaga sa pulisya na nangakong pangangalagaan ito. “The daughter did what she did because of the trauma and the evil actions of her father so that is why we have all agreed that she remains in the community,” Kumi abante.ph/issue/jun1813/abroad03.htm#.Ub9XB-cybAM Admin kate
Posted on: Tue, 18 Jun 2013 08:10:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015