Gusto kong magka-girlfriend. Hindi dahil sa desperado ako, - TopicsExpress



          

Gusto kong magka-girlfriend. Hindi dahil sa desperado ako, kundi dahil gusto ko lang. Hindi dahil sa lalaitin ako ng mga ka-tropa ko na halos lahat may kasama na. Hindi dahil sa init ng katawan kundi sa hinahanap kong init ng pagsasama. Nakakamiss kasi yung mga oras na may magpapa-alala sayo na kumain ka na kundi magagalit siya, wag ka titingin sa iba kundi magtatampo siya, wag mong gawin yung mga ayaw niya dahil mag-aaway kayo. Mga ganun. Yung sweet siya sayo dahil meron kang ginawang nakapagpasaya sa kanya o kahit wala mang okasyon. Yung tipong sakin lang siya at sa kanya lang ako. Yung tipong gagawin ko yung lahat para pasayahin siya. Yung tipong maghaharutan kami hanggang sa mapagod siya tapos sasandal sa balikat ko. Yung tipong papaiyakin ko siya hindi dahil sa nalaman niyang meron akong kalandiang iba kundi dahil sa sobrang tuwa na handa kong ialay para sa kanya. Yung maghahanda ako ng mga surprises para sa kanya. Yung lahat ng asaran, drama, at biruan magkasama kami. Yung wala akong itatagong sikreto at ganun din siya. Yun bang parang bestfriend ko na matatakbuhan ko pag may problema. Yung mamahalin ako hindi lang dahil maganda yung ugali ko kundi kasama rin ng bad side ko. Yayakapin ko siya ng mahigpit na para bang hindi ko na siya papakawalan at hahalikan ko sa simbahan. Yung hindi ako iiwan para sa manlalanding kagwapuhan. Sana makita na kita. Nasasabik na kasi ako eh. -admin lei
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 10:57:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015