Gustong gumanti (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 15, - TopicsExpress



          

Gustong gumanti (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 15, 2013 - 12:00am Dear Dr. Love, Ako po ay sampung taon nang hiwalay sa asawa. Nagkaroon po ako ng lover na kaibigan ng mister ko, may asawa rin na lately ay nalaman kong schoolmate ko sa aming lalawigan. Nakakatatlong taon pa lang kami ni Melo nang bigla siyang manlamig sa hindi ko malamang dahilan. Marami pa naman siyang utang sa akin. Nagkakilala kami dahil sa madalas na pagkakakitaan sa casino kung saan ako naglalaro ng slot machine. Kahihiwalay pa lang namin ng asawa ko noon. Sa akin siya nangungutang kapag natatalo na siya sa pagsusugal. At dahil sa nangyayari sa amin ay na-realize ko na ginawa lang niya akong “sugar mommy” at past time nung magkagalit sila ng kanyang asawa. Minsan ay inimbitahan niya ako sa birthday ng kanyang panganay at noon ko nakilala ang asawa niya na dati kong schoolmate sa public high school sa aming probinsiya, si Melany. At dahil sa galit ko kay Melo na pinasakay lang ako sa kanyang bitag ay pinuntahan ko si Melany at ipinagtapat ang lahat-lahat. Ang feeling ko Dr. Love, may ibang babae nang nagagatasan si Melo kaya basta na lang ako iniwan. Ano po sa palagay ninyo ang dapat kong gawin? Sincerely yours, Soledad Dear Soledad, Kalimutan mo na siya. Tungkol naman sa utang, maaari siguro idaan sa legal kung hindi basta-basta ang halaga para mabawi mo ito sa kanya. Ngayon naging malinaw na sa iyo ang tunay na kalagayan mo sa lover mo, huwag mong hayaan na masira nang tuluyan ang disposisyon mo sa buhay dahil lang sa ires­ponsableng lalaki. Naniniwala ako na kung nagawa niya ang panloloko sa kanyang asawa, ano pa kaya sa hindi niya pinakasalan at naging paraan niya lang para matugunan ang bisyo niya sa pagsusugal. Isa pa, sa umpisa pa lang ay mali na ang lahat sa pagitan ninyong dalawa dahil pareho kayong may asawa. Pagkakataon mo na para ituwid ang buhay mo, huwag mo itong sayangin. DR. LOVE *dachi*
Posted on: Sun, 15 Sep 2013 04:51:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015