Guys, Please read. Alam kong makaka-relate kayo lao na sa mga - TopicsExpress



          

Guys, Please read. Alam kong makaka-relate kayo lao na sa mga students na katulad ko. Ngayon, Araw ng sabado bandang-alas singko ng hapon malakas ang ulan, umuwi ako galing sa school. Isa akong estudyante sa isang sikat na unibersidad sa makati. Hindi kami ganun kayaman, ang nanay ko nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa para makapagaral ako, samantalang ang tatay ko retired na sa pagiging sundalo. Kaya hanggat maaari mahalaga ang bawat piso na pinaghihirapan ng nanay ko dahil maaaring kahit anong oras mawalan ng trabaho ang nanay ko at hindi na ako makapagpa-tuloy sa pagaaral. Sa kaugalian at karamihang ginagawa ng mga estudyanteng katulad ko tuwing uwian ay ang sumakay ng jeep, bukod sa mura at may students fare pa. Habang naniningil ang barker, inabot ko ang bayad ko, bawas na ang student discount na piso at sinabi ko na studyante ako. Tumingin sya saken at sumigaw ng kulang pa ng piso to! Miss ! Walang student discount tuwing sabado! Hindi ako nagpatinag dahil tinuro sa amin ng aming propesor sa Law na kahit sabado ay dapat i-exercised namin ang Rights namin bilang studyante na matamo ang students discount, dahil karamihan sa mga kolehiyo may pasok ng sabado. Pag sabado ba hindi ka na estudyante? Syempre ! Estudyante ka parin ! Sinabi ko sa kundoktor na hindi ako magbabayad dahil estudyante parin ako kahit sabado ngaung araw. Lalo syang nagalit at pilit akong pinapababa sa jeep kung hindi ako magbabayad ng piso, Lahat ng pasahero nakatingin sa akin, maging yung driver. Gusto kong maiyak sa hiya, dahil lang ba sa pisong discount kailangan ko ng ipababa yung sarili ko? Kayang kaya kong magbayad ng buo kung tutuusin pero hanggat may mga driver at barker na namimihasa na hindi nagbibigay ng discounts sa mga studyante tuwing sabado, hindi matatapos yung pagpapahirap ng mga driver sa mga studyante. Hindi ako bumaba sa jeep. Sinabi ko na Im just exercising my rights. Nagalit yung driver sakin pinapabalik yung binayad ko. Hindi ko tinanggap, dahil bawal na bawal sa mga Public vehicles na mamili ng mga pasahero. Hindi parin ako nagpatinag, sinabi ko na Kuya, Sa ginagawa mong yan puwede kitang kasuhan. Lalo syang nainis sa akin. binato nya yung binayad ko sa lagayan nya pera at pinaharurot ang sasakyan hanggang sa makarating na ako sa bababaan ko. Nagsabi ako ng PARA sa driver pero parang hindi sya nakakarinig, Yung mga pasahero sinasabi na sa kanyang may bababa pero patuloy pa rin nyang pinapaharurot yung jeep, Inulit ko ulit ang pagsabi baka sakaling hindi nya narinig, mas malakas at tinapik tapik ko na yung bubungan ng jeep, hindi pa rin nya pinahinto, Tumingin lang sya saken sa rearview mirror at ngumisi. Hanggang sa lumampas ako ng mahigit 1 kilometro ang layo sa mismong bababaan ko sana. Kung hindi pa umabot sa stoplight hindi ako makakababa buti nlang nag-red. Bumaba ako na hiyang hiya sa sarili ko habang nakatingin ang mga pasahero sa akin. Ganito na lang ba ang mangyayari sa akin tuwing sabado? Eh, paano na sa Summer Class ko ? Hindi ko na ba mapapraktis ang karapatan ko? sa isang araw dalawang beses ang nagje-jeep bago makarating sa school, bale may 2 pesos na akong maitatabi, 4 na piso sa isang araw, P24 sa isang linggo, P96 sa isang buwan, P1,152 sa isang taon. Malaki laki rin at maaaring makatulong sa pambili ko ng proyekto sa school, maibili ng libro, maipambaon. Ang mga senior citizens, na katulad nating mga students ay nakakatanggap din ng discount, pag sabado ba hindi na sila senior ? Syempre ! Senior parin , same with us ! Bakit ko to, sinasabi sa inyo ngayon ? Dahil may karapatan tayong mga studyante at mga magulang na i-avail ang karapatan natin, Mapa-sabado man yan o summer class, as long as students ka ! Kaya maraming namimihasa at makakapal na driver na hindi nagbibigay ng discount tuwing sabado kase hindi concrete, o hindi specific ang naturang memorandum, basta sinabi lang ng LTFRB na 20% sa studyante at senior. Walang nakalagay na kasama pati sabado at summer class daw ! Mga mauutak ! Kaya i-push natin yung WIDER STUDENT FARE DISCOUNT BILL ! Kung saan Specific na yung rights nating mga students ! Senate Bill No. 203 seeks to grant a 20-percent fare discounts to students on all transport utilities, even during weekends, semestral breaks, Christmas vacations and other legal holidays. Please spread guys, if you want to support this bill, and if you were just a student like me that wants to have changed in our society. >SHAiLA< — with Maria Florynda Albos Lorio and 24 others. Photo: Guys, Please read. Alam kong makaka-relate kayo lao na sa mga students na katulad ko. Ngayon, Araw ng sabado bandang-alas singko ng hapon malakas ang ulan, umuwi ako galing sa school. Isa akong estudyante sa isang sikat na unibersidad sa makati. Hindi kami ganun kayaman, ang nanay ko nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa para makapagaral ako, samantalang ang tatay ko retired na sa pagiging sundalo. Kaya hanggat maaari mahalaga ang bawat piso na pinaghihirapan ng nanay ko dahil maaaring kahit anong oras mawalan ng trabaho ang nanay ko at hindi na ako makapagpa-tuloy sa pagaaral. Sa kaugalian at karamihang ginagawa ng mga estudyanteng katulad ko tuwing uwian ay ang sumakay ng jeep, bukod sa mura at may students fare pa. Habang naniningil ang barker, inabot ko ang bayad ko, bawas na ang student discount na piso at sinabi ko na studyante ako. Tumingin sya saken at sumigaw ng kulang pa ng piso to! Miss ! Walang student discount tuwing sabado! Hindi ako nagpatinag dahil tinuro sa amin ng aming propesor sa Law na kahit sabado ay dapat i-exercised namin ang Rights namin bilang studyante na matamo ang students discount, dahil karamihan sa mga kolehiyo may pasok ng sabado. Pag sabado ba hindi ka na estudyante? Syempre ! Estudyante ka parin ! Sinabi ko sa kundoktor na hindi ako magbabayad dahil estudyante parin ako kahit sabado ngaung araw. Lalo syang nagalit at pilit akong pinapababa sa jeep kung hindi ako magbabayad ng piso, Lahat ng pasahero nakatingin sa akin, maging yung driver. Gusto kong maiyak sa hiya, dahil lang ba sa pisong discount kailangan ko ng ipababa yung sarili ko? Kayang kaya kong magbayad ng buo kung tutuusin pero hanggat may mga driver at barker na namimihasa na hindi nagbibigay ng discounts sa mga studyante tuwing sabado, hindi matatapos yung pagpapahirap ng mga driver sa mga studyante. Hindi ako bumaba sa jeep. Sinabi ko na Im just exercising my rights. Nagalit yung driver sakin pinapabalik yung binayad ko. Hindi ko tinanggap, dahil bawal na bawal sa mga Public vehicles na mamili ng mga pasahero. Hindi parin ako nagpatinag, sinabi ko na Kuya, Sa ginagawa mong yan puwede kitang kasuhan. Lalo syang nainis sa akin. binato nya yung binayad ko sa lagayan nya pera at pinaharurot ang sasakyan hanggang sa makarating na ako sa bababaan ko. Nagsabi ako ng PARA sa driver pero parang hindi sya nakakarinig, Yung mga pasahero sinasabi na sa kanyang may bababa pero patuloy pa rin nyang pinapaharurot yung jeep, Inulit ko ulit ang pagsabi baka sakaling hindi nya narinig, mas malakas at tinapik tapik ko na yung bubungan ng jeep, hindi pa rin nya pinahinto, Tumingin lang sya saken sa rearview mirror at ngumisi. Hanggang sa lumampas ako ng mahigit 1 kilometro ang layo sa mismong bababaan ko sana. Kung hindi pa umabot sa stoplight hindi ako makakababa buti nlang nag-red. Bumaba ako na hiyang hiya sa sarili ko habang nakatingin ang mga pasahero sa akin. Ganito na lang ba ang mangyayari sa akin tuwing sabado? Eh, paano na sa Summer Class ko ? Hindi ko na ba mapapraktis ang karapatan ko? sa isang araw dalawang beses ang nagje-jeep bago makarating sa school, bale may 2 pesos na akong maitatabi, 4 na piso sa isang araw, P24 sa isang linggo, P96 sa isang buwan, P1,152 sa isang taon. Malaki laki rin at maaaring makatulong sa pambili ko ng proyekto sa school, maibili ng libro, maipambaon. Ang mga senior citizens, na katulad nating mga students ay nakakatanggap din ng discount, pag sabado ba hindi na sila senior ? Syempre ! Senior parin , same with us ! Bakit ko to, sinasabi sa inyo ngayon ? Dahil may karapatan tayong mga studyante at mga magulang na i-avail ang karapatan natin, Mapa-sabado man yan o summer class, as long as students ka ! Kaya maraming namimihasa at makakapal na driver na hindi nagbibigay ng discount tuwing sabado kase hindi concrete, o hindi specific ang naturang memorandum, basta sinabi lang ng LTFRB na 20% sa studyante at senior. Walang nakalagay na kasama pati sabado at summer class daw ! Mga mauutak ! Kaya i-push natin yung WIDER STUDENT FARE DISCOUNT BILL ! Kung saan Specific na yung rights nating mga students ! Senate Bill No. 203 seeks to grant a 20-percent fare discounts to students on all transport utilities, even during weekends, semestral breaks, Christmas vacations and other legal holidays. Please spread guys, if you want to support this bill, and if you were just a student like me that wants to have changed in our society. :) >SHAiLA
Posted on: Sun, 27 Oct 2013 02:13:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015