HALINA AT ATING TUNGHAYAN ANG ISANG KWENTO NG ATING - TopicsExpress



          

HALINA AT ATING TUNGHAYAN ANG ISANG KWENTO NG ATING KTLCWC Hindi Inaasahang pag-ibig sa Gitnang Silangan [Ms. Capricorn ] Ang kwentong pag-ibig na ibabahagi ko sa inyo ay nangyari noong 2006 dito sa mainit na lugar or disyerto. Ako po ay isang dalagang ina na napadpad at sumubok ng kapalaran dito, katulad ng nakararaming nagpadala ng kwento nila. Inakala ko na pagkatapos kong manganak sa napakamurang edad ay matatapos na ang buhay pag-ibig ko. Pero ang nangyari ay pawang kabaliktaran ng naisip ko. Kasi mas dumami ang mga manliligaw sa akin o umaaligid sa akin. Pero dahil siguro sa nakaraan ko, hindi ko pwedeng ibigay ang ganung seryosong relasyon na hangad nila kasi sa akin ang pamilya ko at anak ko na lang ang una sa lahat at dahilan ko para mabuhay. Ang mga sumunod na pangyayari ay parang naging laro na lang sa akin ang pag-ibig. Iyung tinatawag na ini-enjoy ko na lang kung ano ang dumating basta focus ako sa plano ko sa pamilya at anak ko. Totoo ang sabi nila na mahirap ang buhay abroad at matindi ang dapat mong ibigay na pagdurusa bago makamtan ang ginhawa. Minsan pa nga ay ibinigay mo na lahat pero nandun ka pa rin. Isang tanghali dito sa mainit na lugar habang pauwi na kami ng aking kasama sa trabaho ay naisip ko na dumaan muna sa mall para bumili ng makakain. Sinamahan naman niya ako at nang nandun na kami sa loob ay bigla siyang may nakitang isang lalaki... na sa totoo lang ay sobra akong nabighani. Ewan ko basta sa unang silay ko sa kanya ay hindi na naalis ang tingin ko. Naging matindi rin ang tibok ng dibdib ko. Napatingin sila pareho sa akin at ipinakilala siya ng aking katrabaho. Dahil nga sa kunwari ay wala akong napansin at naramdaman, naging casual ang lahat. Naiwan siya sa taas at kami naman ay bumaba na para bumili ng grocery. Nagulat na lang kami dahil nang aktong palabas na kami ng mall ay nakita na naman namin siya. Lagi akong nagta-taxi kahit malapit lang ang inuuwian ko dahil sa sobrang init dito. Pero nang oras na ‘yon ay naglakad ako para sumabay sa kanila ng aking katrabaho. Habang naglalakad kami tinanong niya ang edad ko. Dahil 26 pa lang ako that time ay parang bata ang tingin niya sa akin. Nang sinabi niya ang edad niya na ilang taon ang tanda sa akin, ako ay talagang namangha dahil wala sa itsura niya. Masasabi ko po na kamukha siya ni Dingdong Dantes ayon na rin sa mga nakakita at nakakakilala sa kanya. Iyon din talaga ang tingin ko, parang sa itsura ay talaga pong wala akong masabi. Sa ugali, mabiro rin sya at tulad ko ay hindi nauubusan ng kwento. Doon na nag-umpisa ang kwentuhan namin at sinabi ko na lahat ang patungkol sa buhay ko, lalo na sa anak ko. Isa rin po siyang ama at may isang anak na nasa kanyang dating niyang asawa. Kung masakit ang nangyari sa aking buhay, masasabi ko na mas higit or triple pa ang kwento niya sa sakit. Naisip ko na may dahilan ang Diyos kung bakit kami pinagtagpo. Pareho kaming hirap magtiwala sa bawat isa at takot na magmahal ng sobra. Pero dahil sa pagkakataon ay nauwi ang lahat sa ganung sitwasyon. Mahirap sa umpisa dahil halos lahat ng kaibigan ko ay nagsasabi na baka masaktan lang ako dahil nga sa itsura pa lang niya ay mukhang manloloko raw. Pero sabi nga nila ‘wag mong husgahan ang tao sa labas na kaanyuan nito! Dahil hindi ako kasal sa ama ng aking anak at siya naman ay kasal pero hiwalay na sa asawa, dahil ang babae ay may bago na ring pamilya at tanging inaantay niya ay annulement papers para sa plano naming pag-iisang dibdib, naging mabilis ang kwentong pag-ibig ko dito na talagang hindi inaasahan. Umaapaw ang aking kaligayahan sa mga sumunod na yugto sa aking buhay. Taong 2007 nang natanggap na ang annulment papers niya at pareho kaming halos tumalon sa kaligayahan dahil yun daw ay patunay na hindi siya nagsisinungaling sa kwento niya lahat sa akin. At gusto niyang ipakita sa mga kaibigan at tao na nakapaligid sa amin at lalo na sa pamilya ko na malinis ang intensyon niya, na seryoso siya sa lahat ng mga sinabi niya sa una palang nang aming pagtatagpo. Taong 2008 sabay kaming umuwi ng Pinas at sa wakas siyempre ay ikinasal na kami. Gusto kasi namin na pagbalik dito sa mainit na lugar ay kasal na kami at legal na ang aming pagsasama. Siguro po minsan hindi natin dapat katakutan ang ating nakaraan at ‘wag matakot na muling sumubok magmahal. Sa totoo lang po inisip ko dati na kami na lang ng anak ko ang magkakasama sa habambuhay. Inisip ko na hindi ko na kailangan ang isang asawa, pero lahat yun ay mali. Ako’y lubos na nagpapasalamat dahil natuto kaming pareho na magmahal muli at inalis ang takot na muling umibig ng tapat. Ngayon po ay masaya kaming nagsasama dito at naghihintay na ng aming mga magiging anak. Para sa lahat po ng katulad ko na isang dalagang ina o hiwalay sa asawa ‘wag po tayong mawalan ng pag-asa sa magiging bagong yugto ng buhay pag-ibig natin. Sabi nga kung talagang malinis ang puso at intensyon natin sa bawat isa ay ganun din ang ibabalik sa atin. Ang bawat isa ay may itinalaga ang Panginoon at ‘wag lang tayong magsasawa. ‘Wag lang po tayong gumawa ng mga bagay na mali bagkus lahat ay may paraan para itama. ==CREATOR==
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 14:08:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015