HOROSCOPE NI MADAM ROSA 08-24-13 ★★sandy★★ Pagtitibay: - TopicsExpress



          

HOROSCOPE NI MADAM ROSA 08-24-13 ★★sandy★★ Pagtitibay: Sa bawat gawain, alalahanin ang kalooban ng Diyos. Dahil handa Niyang ipagkaloob ang lahat ng pagpapala sa mga nagsisikap na maging matuwid. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Masamang balita dahil malamang may mabubuong hinala sa isipan ng minamahal. Kung anumang itinatago, tiyakin na hindi madidiskubre. Dahil ito ang pagsisimulan ng malaking gulo. Kung hindi mag-iingat, ang itinatago ay malalantad. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at beige. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang kagipitang mangyayari ay malaking pagkakataon na mailantad ang likas na talino, na bagay pasalamatan dahil tuluyan nang magagamit. May mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap na dapat pasalamatan. Ang minsang mga pangyayari ay makapagbubukas ng tamang landas sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at mint green. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – May mga dahilan na magiging malungkutin ka ngayon. Kaya ang nararapat ay hanapin ang paraan upang pasiglahin ang sarili. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na mawawala ay may kapalit na doble kung ipapanalangin na makakatulong sa nakakuha o nakapulot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 26, 34 at tangerine. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang bukas na komunikasyon ay naglalandas ng kaunlaran. Subalit kung palaging sarado, kawalan nito ang matatamo. Nang dahil walang balita sa bawat isa, huwag magtaka kung ikaw ay napalitan na ng iba. Huwag mawawalan ng pag-asa sa iyong mga pagpa-follow-up dahil kung may tiyaga, may matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 42 at dollar green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nasa gitna ka ngayon ng tungkulin o pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat at hindi ka magkamali. Anumang desisyon ang gawin kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 23, 40 at yellow. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Hindi ba may kasabihan na kung ano ang ginawa mo ay siya rin ang gagawin sa iyo? Kaya huwag magtaka kung may iilang tao o bata na walang galang sa iyo. Panahon nang baguhin ang masamang ugali. Alam mo kung anu-ano ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 18, 29, 34, 37 at baby pink. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Medyo wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala ka sa emosyon ay lalong lalala. Magpasalamat ka dahil sa tulong ng signos, madali kang makakahagilap ng solusyon. Ma giging mabilis ang positive respond kung tututukan mo ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at white. ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagkainip ay magkakaroon ng kasagutan pagdating ng isang malapit na kaibigan o kamag-anak. Ngayon mo sundin kung ano ang dikta ng iyong pag-iisip at damdamin, at tiyak na tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 36 at honey yellow. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Medyo nakakaligtaan mo na iparamdam o ipadama sa minamahal o mga minamahal ang iyong concern sa kanya o kanila, kaya ngayon ang tamang panahon upang gawin ito. Kung may alitan sa nakaraan, ngayon ang tamang panahon para ayusin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 32, 40 at aquamarine. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pagiging presko ay maghahatid ng maraming samaan ng loob, baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang mga inaakalang kamaliang nagawa o ginagawa kung sisimulan baguhin ngayon, ito ay babaybay sa tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 28, 34 at pearl pink. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag mag-alinlangan na ipakita ang kanilang inaasahan mula sa iyo dahil dadagdag ito ng respeto sa sarili at lalong mapagtitibay ang bigkis ng harmoniya. Maaayos at walang suliranin ang takbo ng pang-araw-araw na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 26, 41 at red. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ipinapayong maging kalmado at mahinahon ka ngayon dahil makakasagupa ka ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan ang mag-init ang ulo at alalahanin ang sakit sa puso o alta presyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan at pagsisisi ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 06:34:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015