HOROSCOPE Oktubre 17, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star - TopicsExpress



          

HOROSCOPE Oktubre 17, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated October 17, 2013 Pagtitibay: Ang tunay na karunungan ay nagbibigay ng kahinahunan. Kaya sikapin na makamit ito sa pagkilala at pagtitiwala sa Lumikha. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan o kamag-anak. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kamag-anak na nangangailangan ng iyong pang-unawa. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo nang dahil sa suliranin dahil lalong hindi makakapag-isip ng mabisang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 40, 42 at white. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magiging balanse ang mga oras sa lahat ng bagay. Walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Magiging malakas ang ESP kaya umaayon ang panahon kung ano ang gustong mangyari o makamit. Ang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 33, 42 at violet. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin kung may kakaibang nararamdaman. Iwasan ang mga pagkaing mamantika at sariwang gulay at prutas ang dapat. May mga kamag-anak na handang tumulong at dumamay sa suliraning pam-pamilya. Ang mga kaibigan ay handang tumulong kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 32, 37 at baby pink. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag kang malilito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Sundin ang nararapat at pag-isipan nang mabuti ang ibubunga ng gagawin kung makatuwiran o hindi. Maging matatag sa gagawing pagpapasiya. Sa pag-ibig, ang hindi pagkaka-unawaan ng magkasintahan ay mauuwi sa pagkaputol ng relasyon o pangmatagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 27, 34 at gold yellow. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang payo ng may higit na nakakaalam ay magiging mahalaga. Kung may balak na bumukod ng tirahan, ngayon ang tamang araw. Huwag hintayin ang pagdating ng isang kaibigang inaasahang dumalaw at tiyak hindi makakarating. Magiging matalinong hakbang ang pansamantalang paglayo sa mga masamang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 25, 88, 32 at jade green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang laging­ nakasandal sa mga detalye at humanap ng sariling mga ideya upang maipakita ang taglay na kakayahan. Matutong magdesisyon ng tiyak. Makakabuti ang matapat na pakikipag-usap kung salapi ang kasangkot. May pagkakataon na matapos ang gawain na matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at cherry red. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kahit sa kagipitan ng pamumuhay, makatuwiran lamang na kahit papaano ay bigyan ng kahit kaunting kaligayahan ang sarili at pamilya. May mga tamang paraan kung papaano kumita nang hindi labag sa batas kung pagsisikapan. Ang pagkalulong sa sugal at ibang laro ng pakikipagsapalaran ang magsisilbing balakid­ sa pag-unlad kung hindi titigilan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 36, 45 at blue. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsasabi ng totoo sa kinauukulan. Isang matalik na kaibigan o kamag-anak ang magbibigay ng malaking problema dahil hihingi ng tulong. Kung tutulungan, may posibilidad na madamay ka sa kanyang gusot. Maging matalino sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 35, 39 at lemon green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Makakaramdam ng kirot at pananakit ng balakang o baywang subalit huwag mabahala dahil sanhi lamang ito ng malamig na panahon. Panatilihin na maging maunawain at mapagbigay. Araw ngayon ng pagpapatawad sa nagkasala at humingi ng tawad kung may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 34, 40 at gray. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Matataranta ka sa pagsisimula ng araw dahil halos sabay-sabay na magsusulputan ang problema. Relax at kalmahin ang sarili upang makapag-isip ng solusyon at matutuklasan na sisiw lamang pala ito. Sa anumang gawain, sipag at tiyaga ang dapat pairalin upang makamit ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 31, 35 at brown. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Anumang plano ang gawin ngayon dapat ituloy upang anihin ang tagum­pay. Ang kalagayang pinansiyal ay may magandang kinakaharap at sa tamang landas ng kaunlaran kung dadag­dagan ang pagsisikap. Huwag isubo ang sarili sa walang kabuluhang mga barkada at magsasayang ng oras sa walang kwentang mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 34, 35, 39 at honey yellow. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tamang panahon sa paglilinis ng buong bahay at kapali­giran. Ipagkasya o ilagay sa budget ang anumang gastusin. Kahit papaano magiging masaya kung tulung-tulong ang buong pamilya sa gawain. Sa negosyo, magi­ging maunlad ang pangangalakal. Iwasan ang maglakbay ng malayo. Sikaping huwag magpa-gabi sa daan o lansangan­. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 34, 38 at green. Admin kate
Posted on: Thu, 17 Oct 2013 03:59:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015