HORROR STORY Bata palang ako normal na sken ang makakita ng - TopicsExpress



          

HORROR STORY Bata palang ako normal na sken ang makakita ng multo araw-araw, Hanggang sa nagElementary/highschool nko. Hindi nko nttakot dhl siguro nasanay nren ako at hndi nman sila nananaket. Nag karon kmi ng vacation sa probinsya, dito rin nangyari ang pinaka nakakatakot kong karanasan. Nagising ako ng hating gabi at ito pinaka ayokong mangyari sken habang nandito ako sa probinsya. Ilang pilit ko sa mata ko para lang makatulog pero ayaw talaga. Nakakatakot kc sa bahay nang lolo ko. Malaki ito at maraming antique, which is creepy. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid na kinakatakot ko naman. Wala kong nagawa kundi ang magtakip ng kumot nang biglang .. *BLAG* May kung anong bagay ang kumalabog sa kusina, curious ako kung ano yun pero syempre natatakot akong pumunta don. At may narinig akong nahulog na kawali. Nagtataka nga ako na walang nkakapansin sa ingay na yun, tulog mantika ang mga tao dito. Ginising ko ang pinsan ko na nasa tabi ko pero wah epek pren. Kaya nagdisisyon akng pumunta sa kusina magisa. Dahan dahan lng ang lakad ko. Habang papalapit ako sa kusina may nririnig akong pagaspas ng pakpak, naalala ko ang mga manok ng tito ko na pinasok nya sa kusina, nagsisiwalaan kc ito suspetsya na may nag nanakaw ng manok nya. Nasa gilid lang ako ng pinto sinilip ko kung ano ang mga kalabog nayon. Medyo malabo ksi ilaw lang mula sa bintana ang meron, pero may naaninag ako malapit sa mesa, nakatalikod ito mula sa kintatayuan ko, malaki sya at balot sa itim ang katawan nya, may kung anong ginagawa sya na gusto ko nmang malaman. Lumapit pa ako ng konti nang may maramdaman akong malamig na malagkit sa paanan ko nagulat ako dugo ito at dilang ung nagkalat ito sa buong kusina, mga lamang loob at balahibo ng manok. Napaatras ako, hindi ko sinasadyang masagi ang base malapit saken. Aaktong tatakbo nasa ako nang tumingin ung malaking mama saken.. Ang laki nya at puro balahibo ang katawan nya, ang mata nya pula ito at kumikinang nakatingin sya sken ng masama. Napaupo ako sa sobrang takot, hindi ako makapagsalita, gusto ko mang sumigay hindi ko magawa, palapit sya ng palapit sken. Muka syang isang malaking aso.. Hindi ko na talaga alam ang gagawin wala na talaga akong magawa. Nasa paanan ko na sya at aakamang kakalmutin nako nang bigla nalang may asong tumahol at umagulgol. Nag aalangan sya, hindi ko alam kung bakit, at bigla nalang itong umalis. Iniwan akong nakatulala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa lapag. Tinanong ako ni mama kung bkit dito daw ako natutulog, at yun na nga binalikan ko ang alala ko kagabi, tumakbo ako papuntang kusina at malinis ito, tinanong ko si mama kung nasan na ang labi ng mga manok dito kagabi, sabi nya wala nmang labi syang nkita malinis daw ito, imposible yun nakita ko mismo at hindi ako nanaginip, tinanong ko ang mga manok ni tito ang sabi nya na nakaw daw ito pagkagising nya bukas ang pinto sa kusina ang naka pagtataka sabi ni mama bakit manok lang ang ninakaw marami namang bagay na pwedeng nakawin sa bahay nato. Nabalitaan din namen na isa sa taga baryo don ang nkakita ng isang malaking aso, sinundan daw ito ng mga tanod pero hindi nla naabutan. Napagtanto ko ang lahat, maswerte ako.. Pero may bagay na nagsasabi sken na parang panaginip lang ang lahat, pero parang hindi.
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 14:09:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015