HORROR STORY Naimbitahan daw syang mag judge sa isang beauty - TopicsExpress



          

HORROR STORY Naimbitahan daw syang mag judge sa isang beauty contest sa isang PNP camp.. wala itong kinalaman sa kung ano man ang meron sa contest na yon, pero dahil doon kaya nangyare ang medyo kakaibang bagay na sa buhay nya. Syempre sa isang contest hindi mawawala ang camera. Picture don, picture dito. Natapos ang contest nang walang anumang naging sagabal dito,. Pero nag umpisa ang hidni inaasahang bagay ng bandang gabing iyon kung saan papauwi na sana ang prof ko at may isang babaeng PNP trainee ang biglang tumawag sa kaibigan nya at pinapaalam na mag ingat sya, at hangat maaari ay wag munang lalabas ng kampo. Nakuhaan daw sya nang litrato na walang ulo. Kahit hindi makapaniwala, nagtaasan parin daw ang balahibo nila. habang nagtataka, ginawang kausapin ng Prof ko ang babaeng tumawag sa kaibigan nya para klaruhin ang mga nangyayare. Seryoso ang tinig ng babae sa nais nitong iparating. Wala daw talaga ang ulo nito sa litratong nakunan niya habang sinasabit nya ang medalya ng isang contestant na nagwagi sa naganap ng beauty contest. Nakakatakot man daw, pero isa itong sinyales na may mawawala o papanaw sa pamilya o malapit sa buhay ng taong nakakuha ng litrato o sa mismong taong nakuhaang wala ulo, o kaya mismong sila ang maaaring mawala. Hinihiling pa nang babae na sana ay sampalin o may sumampal sa sa Prof. ko para mawala o mapasa sa iba ang sumpa na sa kahit anung oras ay pwedeng mangyare sa kanya. Sa mismong oras na iyon, naguguluhan paman, pumayag nadin syang sampalin ng kaibigan nya, total wala nadin daw namang mawawala. Dagdag pa ng babae sa telepono tumatagal lang daw nang 3-4 na araw ang epekto ng sumpang naipahiwatig ng larawan, kung saan hindi ka dapat lumabas ng bahay o sa isang safe na lugar. Nung gabing yun, sinunod nadin ng prof ko ang payo ng babae na kung maaari ay wag na munang lumabas ng kampo at dun na magpalipas ng gabi,. Nais din ng babae sa telepono na dumaan sa kanya ang Prof. ko bago umuwi kinabukasan upang malaman kung nananatiling nasa maayos na lagay ito. Nangangamba ang babae sa telepono sa maaaring mangyari dahil sa ilang beses na daw siyang nakakuha ng litrato ng mga taong walang ulo at ayon sa kanya, lahat ng mga iyon namatay o namatayan. Meron ding pangyayari na sa pamilya nya ang nawalan. Pinakita naman sakin ng aking prof. ang larawang sinasabing kuha nya ng wala syang ulo, at ako ay talagang nagtaka dahil hindi mo maiisip na ginamitan ng photoshop o kahit anung uri ng computer photo editor ang larawan dahil sa malinaw na background nitong jealousy. Naganap ang pangyayaring iyon noong MAY 24 2013 (friday) at nabalitaan ko nalang na pumanaw na ang tita ng Prof ko noong MAY 27 2013 (Monday). nong masasabe nyo? Admin ZiLCH --off to bed zzzzzzzzzzzzzzz
Posted on: Fri, 16 Aug 2013 20:50:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015