HULING PINTIG 9/80 By Gilda Olvidad NASURPRESA talaga ang - TopicsExpress



          

HULING PINTIG 9/80 By Gilda Olvidad NASURPRESA talaga ang mag-inang Candida at Melanie sa walang babalang pagdalaw ni Don Pedro Marquez de Golfo, ang business tycoon na idol ng dalaga. Nataranta sila, nakapantulog pa naman sila dahil halos 11 PM na. “Mommy, magbihis ka muna nang maayos, I’ll get my robe and open the gate po!” “Okay, anak. Pero weird siya, di ba? Bukod sa walang bodyguard ay sa lumang kotse pa sumakay. Saka halos hatinggabi dadalaw?” “Mom, he is a tycoon, hindi tambay sa kanto. Give him the privilege of being eccentric or weird. Kakanyahan iyon ng mga taong matagumpay.” Naka-robe na si Melanie nang buksan ang gate para sa panauhin ng ina. “Good evening po, tuloy, Sir Pedro.” “Pete, iha. Call me Pete.” Nakangiti ang don. “Ayy, opo, Sir Pete! Please come in! Nagbibihis po ang mommy ko!” “Nagbibihis? Walang suot na…damit…?” “Po?” “Biro lang, iha. Of course ang babae ay nais nakabihis nang maayos kapag binibisita ng guy.” Panay ang lihim na buntunghininga ni Melanie, hangang-hanga sa porma ng don na kahit may-edad ay cool na cool. “Avid fan n’yo po ako, Sir Pete. Bukod sa matulungin sa kapwa, kayo ay matalino at guwapo at hindi mayabang and a great bachelor.” “Mas tamang sabihing ako’y old bachelor, matandang binata.” “For me ho, kayo ay debonair pa rin, parang sina Harrison Ford at Richard Gere na very attractive pa rin.” “Thank you, iha. But don’t patronize me, malakas akong maghilik saka nagkakamot ako ng kilikili kahit nasa public place.” Natawa ang dalagang fresh graduate ng UP. Sa salas itinuloy ni Melanie ang panauhin, pinaupo sa kumportableng sofa. “My Mom will see you in a few minutes, Sir Pete.” “Kung gayo’y magkuwentuhan muna tayo, iha. Marami akong mapupulot sa iyo, I’m sure.” “Ang humble n’yo naman, sir. Ako po ang maraming mapupulot.” Pero bago pa man sila nagkakuwentuhan ay nakalabas na si Candida, handa nang saludarin ang espesyal na panauhin. “Hi, Don Pedro!” “Pete, just call me Pete, Candida.” “You may call me Candid, Pete.” Naaliw ang don. “You Candid, Me Pete!” Nagkatawanan ang dalawang 50-year old na kapwa good-looking. Nanaghili si Melanie. “Sir Pete, baka naman meron kayong young version sasagutin ko agad!” Nadulas ang bibig ng don, nasabi ang dapat ilihim.. “Meron nga, iha. Kaedad mo… carbon copy ko.” HINDI alam ni Melanie na nabigla lang si Don Pedro nang aminin sa kanya na may young version ito na kaedad lang niya halos. Excited na nagtanong pa si Melanie sa iniidolong business tycoon. “Sir Pete, lalake po at hindi babae ang ating pinag-uusapang young version ninyo, tama?” “O-Oo naman, iha.” ”Wow! Baka po puwedeng makilala?” Si Candida ay pangiti-ngiti lamang habang nakikinig sa dalawa. Ang magandang biyuda ay hindi pa rin makapaniwala na may admirer na super-yaman na tao. Si Don Pedro ay nakabitiw lamang sa sinabi; ayaw nitong napapag-usapan ang pribadong buhay na nais nang burahin sa alaala. “Sir Pete…?” “Oh…ano nga ang tanong mo, iha?” “Kung puwede pong makilala ‘yung young version ninyo...” “Uhurrmm, kuwan kasi…” Naghahagilap ng safe na sagot ang don. Naghihintay ang mag-ina, naaaliw na nakatitig sa don na cute kahit may-edad. Bahagya na nilang napansin na ayaw na sanang i-pursue nito ang tungkol sa young version. Biglang may naisip si Don Pedro. “Wait, iha…ikaw ba’y gustong makinig ng magandang kuwento tungkol sa angel?” “Angel as in Anghel po? Yes, sir! I love angels!” Kay-ganda ng ngiti ng may-edad na lalake. “Noong bago isilang ang isang sanggol, kausap na ito ni Lord… Sabi ng sanggol ‘Panginoon, baka po hindi ako mabuhay nang maayos sa mundo. Balita pong marahas doon.’ “Sumagot si Lord. ‘Merong mangangalaga agad sa iyo doon—siya bale ang iyong guardian angel.’ “ ‘Paano po kung napapunta ako sa mahirap na nanay at tatay, baka wala akong makain?’ tanong ng sanggol. “Sabi naman ni Lord ‘Hindi ka magugutom, bahala sa iyo ang iyong guardian angel.’ “ ‘Pero tiyak na marami kaming magkakapatid, dahil mahilig mag-anak ng marami ang mahihirap. Hindi po ako maaasikaso ng parents ko’. “ ‘Your guardian angel will take care of you all the way, my child’, sagot ng Panginoon. ‘Hindi ka niya iiwan hanggang sa huling pintig ng kanyang puso.’ Sa puntong ito, ang mag-inang Melanie at Candida ay sabik nang malaman ang ending ng kuwento ng don. Nagpatuloy si Don Pedro. “Nagtanong ang sanggol ‘Ano po ba ang ngalan ng aking guardian angel?’ “Malinaw ang sagot ni Lord ‘My child, tatawagin mo siyang… ‘Mommy’,” pagwawakas ng don. Napalunok ang mag-ina, kapwa na-touch sa kuwento. =itutuloy=
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 16:38:21 +0000

Trending Topics



4 2day but they called
Marketing Manager Location: Saudi Arabia Job Description: •To
India achieved a major success when the #Mangalyaan entered into
A few years ago the issue of giving was done out of just love and
Dare Game :D #Zubi 0r #Shani ek dusry k sht flirt kar0 :D #zubi

Recently Viewed Topics




© 2015