Here it is peeps... Review review pag may time... - TopicsExpress



          

Here it is peeps... Review review pag may time... Godbless! Lecture No. 2 in A.P. 8 Mga Anyong Lupa sa Asya 1. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya. 2. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din. 3. Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit ku-mulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon. 4. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talam-pas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India ay kilala rin. 5. Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India. 6. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan. 7. Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba. 8. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya. Tina-tayang nasa tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal. 9. Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangentic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 12:15:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015