Here’s Coach Chot’s Corner from the latest issue of SLAM. For - TopicsExpress



          

Here’s Coach Chot’s Corner from the latest issue of SLAM. For those who haven’t gotten a copy, grab yours now. “Beau” Chot Reyes: Siguro alam mo na Beau ba’t kita gustong makausap ngayon. (SILENCE) CR: Kailangan na natin magpadala ng listahan sa SBP ngayon dahil deadline na bukas para sa final line-up sa FIBA-Asia, at gusto ko sa akin mo mismo marinig na hindi ka nakasama sa dose. (SILENCE) CR: Hanggang kaninang umaga hindi pa kami nagde-desisyon. Napakahirap nito sa amin, sa akin – dahil napakaganda ng ipinakita mo simula ng masali ka sa pool noong June 1. Wala kaming masabi sa iyo – sa talino ng laro mo, sa outside shooting mo, sa pisikal na depensa mo – lahat ng pinagawa naming sa iyo ginawa mo. Kaya lang dose lang ang pwede sa listahan, at pinili namin si Japeth dahil may katangian sya na kailangan ng team sa sya lang ang makakagawa. Wala tayong ibang big man na athletic at mabilis, na kailangan natin kung tayo’y magfu-fulcourt press at mag ta-trap. Personally, gusto kitang pasalamatan dahil alam ko malaking sakripisyo ang ginawa mo para lang masama sa pool, at lahat ito ginawa mo maski alam mong pwede kang ma-cut. Beau: Okay lang iyon Coach. Huwag mo ako problemahin. Nagpapasalamat din ako sa tiwala mo. Hindi ko akalain na mapapasama ako dito. Kung tutuusin mas marami pang may pangalan sa PBA ang pwede mo imbitahin, pero ako ang pinili mo. Tsaka nung kinausap mo naman ako noon hinanda ko na sarili ko na baka ako matanggal pero okay lang yun, para sa bayan ito e. Sabi ko nga noon, bawal ang balat-sibuyas dito. Bayan ang pinaglalaban natin. Laban lang tayo lahat. CR: Salamat sa pag-unawa mo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi porke’t wala ka sa final 12 e hindi ka myembro ng team. Pinaalam ko kay boss MVP mismo at pumayag sya na bilang myembro ng GILAS makukuha mo lahat ng pribilehyo at incentive ng ibang player. Kaya ituloy mo lahat ng ginagawa mo ngayon – sa ensayo, sa pagpayo kay Japeth at Junemar – dahil lahat ng makakamit ng team makukuha mo rin. Kaya ituloy mo lang paghahanda mo, pag eensayo ng mabuti. Kailangan laging ready ka. Hindi mo rin masasabi kung bigla kang kailanganin. Itulak mo sa ensayo mga kasama mo. Ito ang pinakamalaki mong maitutulong sa team na ito. Maging lider ka sa labas ng court, sa dug-out. Beau: Maaasahan mo coach. Gagawin ko kung ano hilingin mo. Gagawin ko lahat ng kaya kong maitulong sa team na ito. (SILENCE. LONG SILENCE) LABAN PILIPINAS! #LabanPilipinas #PUSO
Posted on: Mon, 29 Jul 2013 09:53:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015