Hindi kaya ni Rios si Pacman - boxing stars Tatlo sa mga boxing - TopicsExpress



          

Hindi kaya ni Rios si Pacman - boxing stars Tatlo sa mga boxing superstars ay pinaburang mananalo si eight division world champion Manny Pacquiao sa kaniyang laban kay dating light welterweight champion Brandon “Bam Bam” Rios. Naniniwala si WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr., na isang knockout victory ang maitatala ni Pacquiao at makukuha niya ito sa round 8. Aniya bagamat may kakaibang istilo si Rios pero hindi umano nito kakayanin ang lakas at bilis ni Pacman. “I got Manny Pacquiao by mid-rounds KO. Maybe eight rounds,” wika ni Bradley. “Brandon has a style that suits Manny Pacquiao. Manny throws combination with every shot a death blow. I think (Rios is) a tad bit too slow for Pacquiao and I don’t think hes the best counter puncher.” Sinabi naman ni former two-time heavyweight champion George Foreman, decision victory ang nakikita niyang panalo ng Filipino boxing champion. “I think this fight is going 12 rounds and will be in the hands of the judges,” ani Foreman. “I give Pacquiao the hometown decision – or I guess I should say the home region decision.” Sa panig naman ni dating five-division champion Sugar Ray Leonard, dahil sa kailangan ni Pacquiao na ibangon ang kaniyang boxing career kailangan ipanalo ang laban. “I have to go with Manny Pacquiao, because he wants this so bad,” pahayag ni Leonard. Ang Pacquiao-Rios fight ay gagawin sa Venetian Hotel, Macau, China. FLAME
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 15:50:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015