Hindi ko alam kung anung ginawa niya sakin. Ginayuma niya ata ako. - TopicsExpress



          

Hindi ko alam kung anung ginawa niya sakin. Ginayuma niya ata ako. isang taon na simula nung iniwan niya ko. Naintindihan ko kung bat niya ko iniwan. Kasi alam kong kasalanan ko din naman ang lahat. nagsimula yun nung isang linggo niya kong di nakausap ng matino. Hindi niya ko nattx at tinatawagan mxado. Hindi man lang niya kasi sakin sinabi na nandun pla yung lola niya kaya hindi niya ko mxado mabibigyan ng oras. Wala kasi akong ginagawa sa bahay saka kulang talga sa pansin dahil wala akong kaibigan sa labas. Sa kanya lang talaga umikot yung mundo ko. Kaya maxado ako natakot na mawala siya sakin. Kaya ayun nung pumunta siya samin nagxplain siya na dumating nga daw ung lola niya. Meron kasing time nung linggo na un na bigla siyang nag globe. Ng hindi ko alam kung bakit. Kinokontak ko siya sa network namin kaso wala daw nakapatay daw. Tas nung pag tawag ko sa globe ngring. Natakot ako. Kinabahan ako. Sa sobrang galit ko tinapon ko ung fone ko. Nasa school pa ko nun. Umiyak ako papuntang cr. Then after umuwi na ko. so aun na nga nagexplain siya. Dati kasi medyo makitid pa utak ko. Nainis ako na hindi siya ngsasabi sakin. Kya aun. Nasaktan ko siya. Natusok ko siya ng ballpen at nasuntok ko siya. Natakot kasi ako na ung kagrupo niya na babae maagaw siya sakin. Kya sobrang galit at selos ko nasaktan ko siya. Buong linggo kami nagaaway nun dahil dun sa crush nyang babae. umabot pa sa facebook ung mga msg niya sa kaibigan niya na crush nga daw nya un. Pero mahal daw niya ko. Sobrang selos ko. Kasi kilala ko siya. Alam ko na ngsisimula siya sa crush na kaadikan niya. natakot talaga ako ng sobra kasi baka makalimutan niya na gf niya ko. And aun nga nakalimutan niya nga. Onti onti na siya nalayo sakin. Hindi na niya ko gaanong tinatawagan. Pero pag kita ko tinext niya ung crush niya. Ang sakit sobra. Na ako yung gf niya pero nababaliwala na ko. Hanggang sa dumating ung araw na pumunta ako sa school nila dapat magddate kami kaso pupunta siya sa dentist. habang nasa fx kami ngaaway kami kasi nkita ko ung fone niya ngtxt nanaman siya dun sa babae. Pati sa mommy nun ngtxt pa siya. Nasaktan ko nanaman siya. Ngaway kami sa fx. Nakakahiya sa cm8 niya kasi nakikitang sinasaktan ko siya. andami kong sinabi sa knya. Hindi ako makapagpigil sa sobrang selos ko. Naiiyak na ko. Kasi mahal na mahal ko talaga siya. Ang dami na naming pinagsamahan. At sa sobrang pagmamahal ko pla sa kanya. Nasasakal na pala siya. then aun nagaway kami andami kong nasabing masakit na salita sa kanya. at umabot sa puntong nanghingi siya sakin ng space. andaming iyakan habang andun kami sa lugar nila.habang hinihingi niya sakin un hindi ako makapaniwala na kaya niya un sakin gawin.umuwi ako sa bahay ng umiiyak. tinatanong kung bat niya ginawa un. kung bat niya hiningi un. lumipas ang araw nagkalabuan na talaga kami ang sabi niya babalik nalang daw siya. hindi ko na maxado tinext. alam kong ngkulang din ako. ang akala ko dati madali lang akong makakahanap ng kapalit. yun pala hindi. lumipas ang buwan nagpalit siya ng number.at hindi narin kami ngkaayos ulit. hindi ako pumapasok sa school. hindi ako nakikinig sa klase. umiiyak lang ako sa klase. kasi hindi ko matanggap. hindi ko tanggap na kaya niya pala ako iwan. ang akala ko kasi hindi niya talaga kaya kasi alam ko na mahal na mahal niya din ako. siguro magkaiba ang ways namin. siguro siya kaya niya maxpress lahat. ako kasi hindi niya siguro nakita. na kahit na saktan ko siya ay MAHAL na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL ko siya. lumipas ang buwan. tinext niya ko. tinatawagan niya ko paminsan minsan. at loob ng paghingi niya ng space madaming babae ang nalink sa kanya. ang hindi niya alam lagi ko siyang sinusubay bayan kung anong nagyayari sa kanya. isa nadun si kaye. nung una ang sabi niya sakin ate lang daw niya un. pero alam mo ung pakiramdam na hindi naman talaga un lang un. so aun lumipas ang buwan. nging sweet sila. nakita ko sa pictures and post niya. ang masakit don nung kami pa. ni hindi niya nagawang iedit at kunin ang pictures namin. ako ang taga edit at ilalagay ko sa fb niya. pero doon sobra. mga video call nila.sobra akong nainggit sa babaeng un. umasa kasi ako nababalikan niya pa ko. na sabi niya oras lang daw para sa sarili niya ang hiningi nya at hindi oras para mangbabae. kya aun minisg ako nung babae. tinanong niya kung mahal ko pa daw si popoy. ang sabi ko ou. pero kung meron something sa knila go ahead. aun hanggang sa nakita ko ngmovie marathon sila. minesg ko ung babae na " nagkakaayos na sana kami ni popoy kaso diko alam natutulog ka pala sa kanila" edi aun ginera niya ko. one time din kasi sinabi sakin ni mark na natutulog nga daw sa knila un. tas aun nakadating kay popoy. pati ako ginera niya. sabi niya sakin baliw kaba? bat mo sinabi kay shannen un. ung araw pala na un kakagaling ko lang sa kanila.nagusap kami. nakita ko sa laptop niya ung pictures nila pati ung chat nila sa fb niya. na my mga ilove you lalab ko. sobra akong nasaktan. umuwi nalang ako. nagpunta ako sa school. kaht gabi na. baka sakaling makalimot ako. tas hindi ako pinapasok kasi nakatokong ako. nagulat ako kasi nakita ko si benedict. papunta sakin pagkakitang pagkakita ko sa kanya. umiyak ako. kasi nung gabing un nga ung tumawag si mark sakin tas sinabihan ako ng baliw dahil sa sinabi ko kay shannen. sobrang sama ng loob ko kasi napaka bait nung honey ko. hindi niya sakin sinasabi un. aun lumipas ulit ang mga buwan. araw araw hinahanap ko siya naiyak ako. miss na miss ko siya tlga. nagkaayos din kami mga april. one time at sabi ko kung pwede kami nalang ulit. umok naman siya. pero parang natawa siya. kinausap ko siya na pakinggan niya ko pero alam kong rinding rindi na siya sakin. alam ko un nararamdaman ko un. kaya aun umiyak ako andun kami sa swing non. kasama ko si cindy. tas binabaan niya ko. hindi na nga ako unli binababaan niya pa ko. tas aunnakitawag ako kay bea. my mga sinabi si bea sa kanya. iyak lang ako ng iyak non. habang nasa labas kami. iniiyak ko kasi bat nagbago na ung mabait kong honey. hindi naman siya ganun dati. tas aun. pinatayan niya si bea. narinig nga ni bea na my lalaki daw na nagsabi kung babae daw ba un.kung pwede daw textmate. tas aun after nun sbi ko sa sarili ko hindi ko na kaya. prang sobrang laki ng nawala sakin. halos buhay ko na ung nawala sakin. pero para sa kanya na tawan tawanan ako at babaan ako ng cp. parang wala kaming pinagsamahan. napakasakit. sobrang sakit. ater 3 days nagtext siya sakin. ngsosorry. pero alam mo yung pakiramdam na hindi narin siya seryoso. at wala na siyang pakelam. kaya un. simula nun hindi na kami ngkatxt ulit. un na ung huli naming paguusap. madalas ko siyang mamiss. kasi siya ang buhay ko eh. napakalungkot kung pano kami nghiwalay. nagsisis ako sa mga ginawa ko. kung bakit ako ganun dati.alam ko kasalanan ko kung bat siya nagka ganun sakin. at alam kong masaya narin siya sa buhay niya. sobrang ngsisisi ako nawala siya sakin. at hanggang ngaun sobra ko padin siyang mahal. ou my mga iba nan nanliligaw sakin. pero alam mo ung feeling na wala na kong pakelam sa iba kasi isa lang ang gusto ko. kht magkagusto pa sakin ung pinaka gwapong nilalang at mabait. siya parin ang pipiliin ko. kasi siya nga lang ang gusto ko. kasi siya talaga ung perfect para sakin. miss ko na ung simpleng buhay namin. simple lang din kasi siya dati. and alam ko ngaun madami nang taong nakapalibot sa kanya. kaya hindi na niya ko naalala. pero kahit ganun pa man. gusto ko malaman mo na sobra at sobra at soooooooooooooooobrang minahal kita ng buong buhay ko. siguro hindi mo nakita un. gusto kitang puntahan sa bahay niyo. gusto kitang gayumahin bumalik ka lang sakin.araw araw nagppretend ako na ok na ko. kasi ayokong sabihin nila na paka loser ko. inunfriend nanaman kita kasi sobra akong nasasaktan sa laht. kht status mo. na dapat ako ang kasama mo.hindi ko matanggap kaya ako nasasaktan. sorry sorry at sorry sa lahat. alam ko isang taon na. at alam kong move on na move on kna. alam ko na hindi mo rin papansinin to. pero gusto ko lang sabihin ung nararamdaman ko. kaht pag twanan mo pa ko. wala na sakin un. kaht hindi mo ko pansinin. na ung iba nililike mo pero sakin hindi. na sa iba nakikipag usap ka sakin hindi. napaka sakit nun sakin. sa raw araw ikaw ang hinahanap ko. gusto ko na mamatay kasi wlang saysay ang buhay ko nung nawala ka. pero hindi pde. basta ang gusto ko lang malaman mo. na kaht wla kanang pakelam sakin. inaalala parin kita. kahit san man ako mapunta. ikaw at ikaw ang naalala ko. hinding hindi ka mawawala sa puso ko. ganun kita kamahal. ang tanga tanga ko kasi naniwala ako sa happily ever after. ur the best boyfriend, bestfriend and parents that i could ever have. walang makakapantay sayo. lahat ng ginagawa ko pra makalimutan ka nawawala rin.temporary lang wla rin saysay kasi ang lakas mo. ewan ko ba sayo. naniwala kasi ako na ikaw na talaga. ata ayoko ng ng iba. ewan ko ba. bata pa ko. pero ganto na kagad ako mgisip. di naman ako pangit pra madurog ng ganto. naniniwala ako na ikaw na talaga. sana mgcross ang destiny natin at maayos pa kung pwede pang ituloy. pramis ko sayo magbabago na ko. pero i pramis mo din na babalik kna rin sa dati. mahal na mahal na mahal na mahal talaga kita. lahat gagawin ko para sayo alam mo un. alam ko nakalimutan mo na ko. hindi mo na ko kilala pero gusto ko lang malaman mo. hanggang ngaun hindi parin nagbabago. (c) Kayo na po bahala. Ayoko magsalita.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 06:23:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015