Hindi pa uso ang touchscreen na cellphone dati pero happy - TopicsExpress



          

Hindi pa uso ang touchscreen na cellphone dati pero happy ako. Masayang masaya na ako kapag nakaka topscore ako sa Snake. Halos masiraan ako ng ulo kapag naubos ang lives ko sa Space Impact. Papalit palit ako ng housing. Lahat ng kulay meron ako. Pinapalitan ko pa ng backlight na puti. Wala pang MP3 nun eh kaya adik pa ako nun sa mga monotone. Minsan, nagcocompose pa ako ng ringtone. Sikat ka na kapag madami kang picture message na nakasave sa cellphone. Tapos naiinis ako kapag may nagbiblink na sobre sa taas ng screen, message memory full daw kaya kailangan ko pang burahin yung mga pinakatatago tago kong text. Madalas pa akong madouble send nun. Minsan nga tatlong beses pa. Ang kauna unahang laman ng contacts ko ay Aaaa < insert name> aaaa. Dahil gusto ko pangalan ng crush ko yung nasa una pero walang nakakaalam, yung mga pakelamera/pakelamero lang. dreicabrera.tumblr/
Posted on: Wed, 09 Oct 2013 07:48:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015