Horoscope Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated - TopicsExpress



          

Horoscope Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 7, 2013 - Pagtitibay: Ang kapatawaran ay nagsisimula sa pagkilala ng pagkakamali, na nag-uudyok sa paghingi ng tawad sa taong nagawan ng kasalanan. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Gulung-gulo­ ka na sa kaiisip kung ano ba ang dapat gawin sa relasyong napasukan. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya at nagnanais nang sumuko. Anuman ang maging pasya at sa tingin ay walang nangyayari sa relasyon, walang masama kung putulin ito hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang proyekto ang hahamon sa iyong talento. Kapag natapos ito, maaaring ang kikitain ay makadaragdag sa iyong aspetong pinansyal. Lahat ng nalalaman ay tiyak na magagamit sa proyektong ito, kailangan din na mapagana ng husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Tulu­yan­ nang mawawala sa iyo ang minamahal at hindi maiiwasang sisihin ang sarili. Kung sana ay napahalagahan mo siya, hindi ito mangyayari. Ngayon mapapatunayan na mahalaga pala siya sa iyo, ngayong wala na siya sa iyong piling. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Walang problema sa pera. Maayos din ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala, magiging maayos ang takbo ng buhay sa mga susunod pang araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mapapa­lapit ng husto sa isa’t isa kung malalaman ang nilalaman ng damdamin ng bawat isa. Magiging makulay at masaya ang takbo ng relasyon nang hindi kinakailangang magsayang ng pera kundi sa simpleng pagpapakita lamang ng pag-aalala at pagkalinga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at golden brown. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maraming gagawin pero kailangan na rin ang pahinga. Hindi ma­kakabuti kung magpapatuloy sa mga gawain. Isang ka­sambahay ang maglalambing sa iyo. Pagbigyan ito dahil madalang na kayong magkita at magkasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Unti-unti nang makakamit ang tagumpay. Medyo may kaunti lamang na hindi pagkakaunawaang namumuo sa tahanan pero hindi naman direktang kasali. Subukang ayusin ito at tiyaking hindi mabibilang sa mga nagkakagulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Malamang isang ka­ibigan ang magyayang umuwi sa kanilang probinsya at nais na ikaw ang isama. Anuman ang gagawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang ma­ayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa mga nais gawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi maiiwasan ang argumento pero maiiwasan ang mapaaway. Huwag na lamang patulan ang mga argumentong nagsisi­mula lamang sa simpleng hindi pagkakaintindihan. Kung mayroong hindi pagkakaunawaan, subukang huwag pumasok sa isang kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para sa pagkakamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin na ito ngayon. Masarap kang kasama ngayong araw dahil kahit saan ay puwedeng yayain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at old rose. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Mag-ingat sa mga ginagawa. Tiyaking hindi ito labag sa kagandahang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Siguraduhin din ang mga ginagawa ay yaong nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33, at yellow. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Isang napakagandang balita ang darating sa iyo na halos ipamalita ito sa lahat ng maaaring pagsabihan. Mag-ingat sa mga sinasabihang tao dahil baka ang balitang sana’y maganda na ay maging pangit pa dahil sa paraan ng pagtanggap ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at gold
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 18:16:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015