Horoscope SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan ang - TopicsExpress



          

Horoscope SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan ang makukulit at mapagbirong mga tao dahil iiral ang kasamaan ng ugali na handang makipag-away sa mangungulit o magbibiro. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 -Disyembre 21) – Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailangan nang maiwasan ang malinlang. Kasiglahan ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal matapos ang nasimulang trabaho. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at aqua blue. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang sinu mang nagbebenta o nanghihingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madaling malalapitan ka ng kahit sino. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Anumang gawin, desisyon ay dapat pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at jade green. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Iwasan ang lumagda sa anumang mahahalagang papeles o kontrata. Huwag pilitin ang sarili kung may dudang papasok sa isipan, tiyak kapahamakan ang kalalabasan. Ipagpaliban ang anumang binabalak sa pagbabago ng kaayusan ng pamumuhay sa opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –Magiging masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang pakikipag-date o pakikipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan at gaan ng damdamin at pakiramdam. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red rose. ARIES (Marso 21 - Abril 19) –Iwasan ang mag-init ang ulo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawan o basag-ulo. Ang bawat taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang ka‐ilangan. Maaaring makatagpo ng sasalungat sa gusto o mungkahi, ito ang mga bad news mo today. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at red. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang desisyong gagawin ay may bungang pipitasin, keep up the good work. Malakas ang angking ESP kaya anuman ang kutob ay dapat isagawa. Huwag basta magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala at hindi mababayaran. May magandang balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –Ang pagmumukmok at pag-iisp na walang ginagawa ay walang mapapala kaya kilos. Ang paghahangad sa kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at lalakipan ng sipag at tiyaga. Tiyakin sa matuwid na paraang nanggagaling ang araw-araw na kinakain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at indigo. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –Kung itutuloy ang paglalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho, ito ang magandang balita. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan ngayon. Iwasan ang pamamasyal. Iwasan ang makipag-date at tiyak na magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 a yellow. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) –Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon sa sosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala na maaaring magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at shocking pink. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Habang may buhay ay may pag-asa, ito ang dapat tandaan. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Ang aanihin sa katamaran ay pagiging pulubi. Dapat simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at ruby red. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang kabutihang magagawa ay may gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, kapatid o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong tungkol sa pag-aaral o pag-ibig. Magiging magaaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at sun yellow. Redangel
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 06:35:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015