Hulyo 2, 2013 Ganap na ang lahat ng nais ko sa buhay. CANCER - TopicsExpress



          

Hulyo 2, 2013 Ganap na ang lahat ng nais ko sa buhay. CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22)- Ma ging maingat sa lahat ng bagay. Huwag magmadali lalo na sa mga desisyon na may kaugnayan sa trabaho. Makakaranas ka ng suwerte at malas sa araw na ito. Maghanda sa suntok ng tadhana para masalag ang kamalasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 34, 43 at purple. LEO (Hulyo 23-Agosto 22)- Nang dahil sa mga gastusin at kapos sa pera labis mong ikakabahala at ipag-aalala. Ingatan ang kalusugan dahil may bantang magkakasakit. Dahil malamang sanhi ng labis na pag-iisip at depresyon. Lalo lamang madaragdagan ang problema kung sakali. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 40, 42 at white. VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23)- Katamtaman ang takbo sa lahat ng bagay. Sa trabaho, pag-ibig, negosyo at ibang klaseng hanap-buhay. Walang magiging suliranin sa pamilya at kasambahay. Malaki ang bakanteng panahon na maaaring ilaan sa sosyalan at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 34, 43 at light brown. LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23)- Magkahalong galak at lungkot ang mararanasan. Mag-ingat kung makikipagtransaksyon dahil nakabuntot lamang ang mga manloloko. Iwasan ang mag-guarantor. Mag-ingat sa sunog at magnanakaw. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 33, 42 at pink. SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22)- Asahan ang mga magagandang pangyayari sa pag-ibig, trabaho at may kislap na tagumpay sa prospect na negosyo. Iwasan lamang ang sugal at pangungutang dahil lilikha lamang ito ng mabigat na sigalot sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 15, 36 at emerald green. SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21)- Bad omen sa araw na ito. Iwasan ang maglakbay malayo man o malapit. Iwasan ang labis na pagpapagod. Umiwas na dumaan sa mga lugar na masyadong madilim. Mag-ingat sa pagmamaneho ng sasakyan. Iwasan ang grupo ng mga nag-iinuman. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 26, 39 at fuchsia. CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)- Sa mga binata malaki ang pag-asa na ngayon ay matatagpuan ang true partner sa buhay. Sa mga dalaga, mag-ingat sa lalaking salawahan at may asawa. Sa mga babaeng may asawa, mag-ingat na magkaroon ng extra marital affair dahil lilikha ng malaking gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 22, 41 at blue. AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)- Susubaybayan at papaikutan ka ng negatibong enerhiya. Mag-ingat sa pagkilos at pananalita. Nasa iyo ang paraan kung papaano makakaiwas dahil magiging mainitin ang iyong ulo o may taong makakasagupa. Malaking tulong ang magagawa ng taimtim na panalangin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 19, 37 at green. PISCES (Pebrero 19-Marso 20)- Agapan ang magandang oportunidad na darating. Dadaloy ang suwerte sa pananalapi lalo na kung may negosyo. May tagumpay sa larangan ng negosasyon at usapan tungkol sa negosyo. Tagumpay rin sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 17, 40 at yellow. ARIES (Marso 21-Abril 19)- Kung may negosyo, asahan ang daloy ng suwerte. Sa iyong ugaling mapagbigay, mag-ingat at piliin ang pagbibigyan dahil ito ang magiging mitsa para lokohin ka sa darating na mga araw. Iwasan ang makipagtalo lalo na kung sa isang customer. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 24, 40 at peach. TAURUS (Abril 20-Mayo 20)- Iwasang bumisita sa isang burol ng isang patay o sa isang may sakit lalo na kung nasa ospital. Puwedeng mahawa ka o ikaw naman ang tamaan ng karamdaman. Lagi kang mag-ingat sa iyong paglalakbay lalo na sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 27, 41 at lilac. GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)- Huwag kang masyadong magmamadali tungkol sa larangan ng pag-ibig sapagka’t magbubunga lamang ito ng hindi maganda. Kung may asawa, mag-ingat dahil ang tukso ay kusang lalapit at madali kang maaakit. Sa mga single, makikilala ang kanilang soulmate. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 23, 38 at violet. >mariposa
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 04:20:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015