Hulyo 7, 2013 Horoscope ngayon Pagtitibay: Nasa kalooban ko ang - TopicsExpress



          

Hulyo 7, 2013 Horoscope ngayon Pagtitibay: Nasa kalooban ko ang masagana at mapayapang buhay. GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21)- Kung gulong-gulo sa kaiisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan at sa tingin ay walang mangyayari sa relasyon. Putulin na ito hangga’t maaga pa. Kumunsulta sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Hindi na uso ang magpaka-martir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown. CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22)- Anuman ang gawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya, ngayon ito dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige. LEO (Hulyo 23- Agosto 22)- Mag-ingat sa ginagawa. Tiyaking hindi labag sa kagandahang asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ang ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa mga matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow. VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23)- Isang magandang balita ang matatanggap. Hindi ka maunawaan ng karamihan sa iyong ibig sabihin kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa katunggali o kapanig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue. LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23)- Kung inaakalang walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang pagkakataon at panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo. SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22)- Ang kinakatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan. Tiyakin lamang na walang masasaktan sa bawat gawain at hindi labag sa batas ng tao at ng Diyos. Sipag at tiyaga ang sagot ng kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white. SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21)- Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaang namumuo sa tahanan pero hindi ka direktang kasali. Kung ayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makakasali sa gulo. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet. CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)- Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino, ang kusang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan para makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet. AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)- Kung makakatanggap ng regalo ngayon mula sa manliligaw, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay A,C, o T magkakaroon kayo ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Scorpio dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac. PISCES (Pebrero 19- Marso 20)- Maraming gawain pero kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matutuyuan ng pawis o maaambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green. ARIES (Marso 21- Abril 19)- Hindi maiiwasan ang argumento, maiiwasan ang mapaaway kung magiging mahinahon at mapagpasensiya. Huwag patulan ang argumento dahil nagsisimula ito sa simpleng hindi pagkakaunawaan. Kung may hindi pagkakaunawaan, sikapin na hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green. TAURUS (Abril 20- Mayo 20)- Nasa maayos na kundisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain at hindi mo matatanggihan pero ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 06:28:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015