Huwebes, Oktubre 17 Gumagawa kami upang hindi kami magpataw ng - TopicsExpress



          

Huwebes, Oktubre 17 Gumagawa kami upang hindi kami magpataw ng magastos na pasanin sa kaninuman sa inyo.—2 Tes. 3:8. Hinimok ni Pedro ang matatanda na pastulan ang kawan “hindi dahil sa pag-ibig sa di-tapat na pakinabang, kundi may pananabik.” (1 Ped. 5:2) Ang gawain ng mga elder ay umuubos ng malaking panahon, pero hindi sila naghihintay ng kabayaran. Nakita ni Pedro na kailangang mabigyan ng babala ang kapuwa niya matatanda tungkol sa panganib na magpastol sa kawan dahil sa “pag-ibig sa di-tapat na pakinabang.” Kitang-kita ang panganib na ito sa maluhong pamumuhay ng mga lider ng relihiyon ng “Babilonyang Dakila” samantalang naghihirap naman ang maraming tao. (Apoc. 18:2, 3) Dapat magbantay ang mga elder sa ngayon laban sa ganitong tendensiya. Nagpakita si Pablo ng magandang halimbawa para sa mga elder. Bagaman isa siyang apostol at puwedeng maging “magastos na pasanin” para sa mga Kristiyano sa Tesalonica, hindi siya ‘kumain ng pagkain mula sa sinuman nang walang bayad.’ Sa halip, siya’y ‘nagtrabaho at nagpagal gabi at araw.’ w11 6/15 3:14, 15
Posted on: Wed, 16 Oct 2013 22:29:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015