IAPAdamag CAGAYAN- Kalaboso ang 46- anyos na opisyal ng Bureau of - TopicsExpress



          

IAPAdamag CAGAYAN- Kalaboso ang 46- anyos na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Centro, bayan ng Lallo, Cagayan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/ Senior Supt. Gregorio Lim, Cagayan PNP director ang suspek na si Senior Jail Officer I Victor Talay ng Barangay Alinnu, bayan ng Camalaniugan. Base sa police report, naganap ang operasyon malapit sa opisina ng Department of Agriculture kung saan ay nasamsam ang P3,500 na plastic sachet na shabu, cal. 45 pistol at ang marked money na ginamit sa operasyon. Ayon kay Lim, ang suspek ay nagpapakalat ng shabu sa magkakatabing bayan ng Lallo, Camalaniugan at Aparri. SOURCE: Pilipino Star Ngayon @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 00:15:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015