IAPAdamag ISABELA- Dahil sa matinding gastusin sa pagpapagamot - TopicsExpress



          

IAPAdamag ISABELA- Dahil sa matinding gastusin sa pagpapagamot kaugnay sa sakit sa kidney ay nagdesisyong magpakamatay ang 42 anyos na magsasaka matapos itong magbaril sa sarili upang palayain sa kahirapan ang kanyang pamilya sa Brgy. San Sebastian, bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa. Kinilala ni Isabela PNP spokesman P/Chief Insp. Freddie Natividad ang biktima na si Arnel Pagtama. Lumalabas sa imbestigasyon na labis na kinamuhian ng biktima ang sarili sa pagdarahop ng kanyang pamilya na matustusan ang patuloy na dialysis treatment sa kanyang sakit sa kidney. Bunga nito ay nagkulong ang biktima sa kanilang kuwarto at ipinasyang magpasalubong kay kamatayan kung saan nagbaril ito sa ulo gamit ang cal. 9mm pistol. SOURCE: Pilipino Star Ngayon @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 23:13:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015