IAPAdamag NUEVA ECIJA- Pinaniniwalaang aksidenteng nabaril - TopicsExpress



          

IAPAdamag NUEVA ECIJA- Pinaniniwalaang aksidenteng nabaril ang sarili ng Army Major habang nililinis nito ang kanyang baril sa loob ng quarter nito sa 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni Army Spokesman Col. Randolph Cabangbang ang biktima na si Major Eddie Valdes, executive officer ng 2nd Special Forces Battalion sa Officers headquarters ng Special Forces Regiment Airborne. Bandang alas-9 ng gabi nang matagpuan ng kaniyang roommate na si Captain Jomel David ang biktima na nag-iisa sa kaniyang silid. Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente ay nakarinig ng malakas na putok ng baril si David mula sa kanilang kuwarto at nang tingnan niya ito ay nakita ang duguang si Valdes na nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang dibdib. Natagpuan din sa tabi ng bangkay ng biktima ang cal. 45 pistol nito. Sinabi ni Cabangbang na mabait at matapang na opisyal si Valdes na dating natalaga sa Civil Military Operations sa Basilan na pinamumugaran ng mga bandidong Abu Sayyaf Group. “There’s no foul play, it’s not suicide, it’s definitely an accidental firing,” ayon pa sa opisyal. SOURCE: Pilipino Star Ngayon @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 00:11:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015