IAPAdamag PANGASINAN- Pinaniniwalaang nagtatago umano - TopicsExpress



          

IAPAdamag PANGASINAN- Pinaniniwalaang nagtatago umano ang puganteng si Janet Lim-Napoles, utak sa P10 billion pork barrel scam, sa lalawigan ng Pangasinan, matapos makita umano ang isa sa mga sasakyan nito sa isang resort sa bayan ng Bani. Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan sa natanggap nilang report na nakita ang isa sa mga sasakyan ni Napoles sa isang resort sa Sitio Surip. Bagamat tinungo ito ng mga otoridad nag-negatibo naman ang kanilang paghahanap. Sakabila nito, hindi pa rin isinasantabi ng NBI Dagupan ang impormasyon dahil hindi umano malayong magtago si Napoles sa Pangasinan dahil sa dami ng kanyang koneksyon. Una rito, kinansela na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni Napoles na tinutugis ngayon dahil sa kasong serious illegal detention. SOURCE: Bombo Radyo @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 01:53:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015