IAPAgasat ita nga Aldaw (Oktubre 15, 2013) Para sa may kaarawan - TopicsExpress



          

IAPAgasat ita nga Aldaw (Oktubre 15, 2013) Para sa may kaarawan ngayon: Red ang pinakamapalad mong kulay at puwede din ang pink at violet. Sa pinansyal mas mabilis na darami ang pera kung lagi kang nagsusuot ng red. Sa pag-ibig, ang red ang maghahatid ng mas masarap at umuusok na romansa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om- Ayena.” Aries – (Marso 21-April 19)— “Apoy” ang iyong elemento. Tuwing magdarasal, magsindi ng kandilang kulay pink. Sa ganyang paraan, susuwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Mapalad ang 3, 9, 21, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Bukod sa pink buenas din ang lila. Taurus – (April 20-May 20)— Sa pinansiyal, hindi dapat makipagtalo para lang makuha ang iyong gusto. Sa pamamagitan ng diplomasya, mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng lambing, at haplos mapapa-Oo mo rin ang kasuyo sayong kagustuhan. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum.” Orange at blue ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag mainggit, may kakayahan ka ring paunlarin ang iyong sarili. Sa pinansyal, higit kang kikita ng malaking halaga kung mag-aabroad ka. Mapalad ang 5, 14, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum- Adhenan.” Blue at magenta ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)— Panahon na upang mag negosyo. Habang papalaki ang buwan sa langit, maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, kumbinsehin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo sa isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Beige at green ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)— Huwag masyadong maging maluho, magtipid, pag handaan ang nalalapit na kapaskuhan. Tandaang mahirap kitain ang pera! Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Aquarius na malaki ang tiyan. Mapalad ang 5, 15, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: Om-Vedanta-Aum-Krisna.” Gold at red ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)— Sa araw na ito may darating na malaking halaga! Wag namang ubusin kaagad, mag- savings upang may mahugot kapag nagigipit. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum- Bastan.” White at violet ang buenas. Libra – (September 23-October 23)— Venus ang ruling planet ng Libra. Ibig sabihin lagi ka lang magpa-ganda, tiyak na susuwertehin ka at dadami ang iyong pera. Sa pag-ibig, ang pagpapaganda din at konting landi ang susi ng isang maligayang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Pink at lilac ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)— Kung naisasakatuparan mo lang ang mga inisip, mayaman ka na sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung kikilos ka na. Wag kasing isip ng isip at puro pangarap lang – aksiyon ang dapat, upang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 19, 22, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vedanta-Om-Govinda.” Beige at red ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)— Higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang Gemini. Sa pinansyal, isang Gemini din ang magbibigay sayo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Olde rose at orange ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Sa pinansyal, kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig at pangangalakal, maging tapat at laging mag karoon ng pusong dalisay. Mapalad ang 8, 19, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)— Elementong hangin ang namamayani sa Aquarius, kaya hindi mo ba napapansin minsan ay “mahangin” at “maangas” ka? Sa pagpapakumbaba mas marami biyayang matatanggap at mas magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om- Adhenan.” Blue at red ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)— Hindi natatapos ang problema, bagkus kusa lang itong lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka ng makaahon sa kahirapan. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin parin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 41, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Pink at green ang buenas. @_@ BAMBANTI @_@
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 01:36:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015