ILOILO CITY – Tatlong katao ang sugatan matapos na magtagaan ang - TopicsExpress



          

ILOILO CITY – Tatlong katao ang sugatan matapos na magtagaan ang mga miyembro ng isang pamilya sa Sitio Tibtib, Brgy. Quipot, Janiuay, Iloilo. Ayon kay PO2 Eddie Roncal ng Janiuay Municipal Police Station, lasing si Uldarico Rapista, 35, nang dumating sa bahay ng bayaw na si Muriel Marbebe, 22, at bigla na lamang itong tinaga. Gumanti Si Marbebe at tinaga si Rapista na nagtamo ng sugat sa pisngi, tagiliran at daliri. Nang nakita ng ama ni Marbebe na si Rodolfo ang nangyari ay tumulong rin ito sa pagtaga kay Rapista. Dumating naman ang ina ni Marbebe at nasugatan sa kamay matapos inagaw ang itak kay Rapista. Ayon sa pulisya, wala namang alitan ang magkamag-anak at dala lamang ng kalasingan ang krimen. Nananatili sa Western Visayas Medical Center si Rapista habang nakalabas na ng Janiuay District Hospital ang iba pang sugatan sa insidente. - See more at: bomboradyo/news/more-news/item/25417-pamilya-nagtagaan-3-sugatan#sthash.QtmTLSi3.dpuf
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 23:09:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015