IMPIYERNO, DINANAS NG PINAY DH SA KUWAIT (august 29 20013 - TopicsExpress



          

IMPIYERNO, DINANAS NG PINAY DH SA KUWAIT (august 29 20013 ) Mala-impiyerno ang sinapit na pagmamaltrato ng isang Filipino household service worker (HSW) matapos na banlian ng mainit na tubig, pinitpit ang kuko at ikinulong ng kanyang employer sa Kuwait. Sa ulat na nakarating sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Foreign Recruitment Agency (FRA), ang counterpart umano ng recruitment agency ng Pinay sa Pilipinas na Azzizza International Manpower Services, napadpad ang Pinay na kinilalang si Rahima Angkanan Panayaman, 23-anyos, tubong-Cotabato City at idinulog ang sinapit na kalupitan. Agad namang umaksyon ang Kuwait agency at ipinagharap ng kaukulang kaso ang employer ng Pinay. Pero bago umano ang huling dinanas na kalupitan ng Pinay ay namasukan ito sa unang employer nang tatlong araw at ibinalik sa kanyang agency at hinanapan ng panibagong employer kung saan ito dumanas ng matinding pagmamalupit. Sa isang pamilya umanong mayroong anim na anak nasadlak si Rahima. Kagaya ng dinanas sa unang employer, ikatlong araw pa lamang nito sa trabaho ay matinding pasakit na ang kanyang inabot. Grabeng pagmamaltrato umano ang inabot ng Pinay sa babaeng amo. Binuhusan umano siya ng mainit na tubig sa katawan, sinasabunutan, tinatadyakan, pinipitpit ang mga kuko at hinahambalos sa mukha nang walang kadahi-dahilan. Hindi umano agad na natakasan ng Pinay ang pagmamalupit ng amo dahil ikinakandado ito sa bahay hanggang sa makakuha ito ng tiyempo at nakatakas. Pagkakalooban si Rahima ng scholarship at livelihood/entrepreneurial assistance sa ilalim ng “Balik-Pinay, Balik-Hanapbuhay” Program ng DOLE.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 04:42:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015