INAASAHANG pupunta sa Notre Dame University mamayang hapon si GPH - TopicsExpress



          

INAASAHANG pupunta sa Notre Dame University mamayang hapon si GPH Chief Negotiator Miriam Coronel-Ferrer. Ito ay matapos anyayahan siya ng pamunuan ng unibersidad para sa isang forum kung saan inaasahang magbibigay ng update si Ferrer sa estado ng usapang pangkayapaan lalo na sa bago pa lamang nilagdaang wealth sharing annex. Gagawin ang forum alas tres hanggang alas singko ng hapon sa NDU Gymnasium. Imbitado sa pagtitipon ang faculty, staff at mag-aaral ng NDU, si Cotabato Archbishop Orlando Quevedo, OMI, DD, mga opisyal ng Cotabato City at iba pa. Mapapakinggan naman sa DXMS Radyo Bida ang full coverage ng naturang forum. NDBC Network
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 00:16:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015