INSPIRATIONAL STORY! ♥ Magtatakip silim na ng pauwi si Mrs. Lyn - TopicsExpress



          

INSPIRATIONAL STORY! ♥ Magtatakip silim na ng pauwi si Mrs. Lyn galing sa kanyang trabaho at sa pagmamadali nito ay dumaan ito sa shortcut na daanan ng biglang tumigil ang kanyang sasakyan tila ito ay may sira. Nagpanic si Mrs. Lyn dahil sa sya lang ang nasa magara nitong Kotse at wala ng masyadong tao sa kalye na kanyang dinadaanan.. Lumabas si Mrs. Lyn para tignan ang sasakyan ng biglang may lumapit na isang medyo maduming lalake, mahaba ang balbas at nag offer ito ng tulong.. Jm: Hello po? sa tingin ko po my problema yang sasakyan nyo? Pwede ko po kayong tulungan dahil isa po akong mikaniko.. :) Nakaramdam ng takot si Mrs. Lyn dahil sa inaakala nitong isang Holdaper ang lalake at ito naman ay nahalata ni Jm.. Jm: Hwag po kayo mag alala kahit isa lang po akong hamak na tao lang, hindi ko po kayo gagawan ng masama.. nandito po ako para tumulong.. :) Naisagawa ng maayos ni Jm ang Lahat kaya naman nagawa ang sira ng sasakyan ni Mrs. Lyn kaya sa tuwa nito ay bumunot ito ng pera sa kanyang bag at ibibigay sa lalake.. Mrs. Lyn: Salamat ha! Ito oh 500 pesos bilang ganti ko sa kabutihan mo.. :) Jm: Hwag na po.. ok na po sakin yun nakatulong ako sa inyo pero sana po iabot nyo na lang po yan sa susunod na taong sa tingin nyong mas nangangailangan ng halaga na yan.. :) Mrs. Lyn: Ok sige, kaw bahala.. Salamat ulit ha! :) Umalis na si Mrs. Lyn nung oras na iyon at bago ito umuwi ay nagpasya itong sumaglit sa isang Restaurant para magpakalma sa nangyari sa kanya kanina.. Sa Restaurant.. Nung matapos na syang kumain ay tinawag na nya ang Waiter para kunin ang kanyang bill at ang waiter na lumapit sa kanya ay isang babaeng buntis.. Nakadama ng pagkalungkot si Mrs. Lyn dahil kahit buntis ang babae ay nagtatrabaho parin ito.. Nag abot ng isang libong piso si Mrs. Lyn sa Waiter na buntis at pumunta na ang Waiter sa Counter.. Pagbalik nito ay wala na si Mrs. Lyn at may nakita syang isang Note sa Table.. "May nag offer sakin ng tulong kanina nung nasiraan ako ng sasakyan at ang sabi nya iabot ko daw ang reward ko para sa kanya sa taong mas nangangailangan ng halagang ibibigay ko sana sa kanya.. Nga pala meron pang nakaipit na 3 thousand pesos sa ilalim ng Pinggan na ginamit ko.. Sayo na yan! sige hanggang dito na lang.. GODBLESS! :)" Masayang masaya umuwi sa kanyang bahay si Aina ang waiter na babaeng buntis sa Restaurant dahil sa nangyari.. Sa Bahay.. Pag uwi ni Aina ay naabutan na nyang natutulog ang kanyang mahal na asawa at alam nyang pagod na pagod ito galing sa talyer na pinagtatrabahuan nito.. Nakangiti si Aina sabay sabing.. Aina: Salamat God ha? Gumamit ka pa ng ibang tao para tulungan kami ng asawa kong si "Jm".. :) Thanks sa pagbasa ♥
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 14:05:07 +0000

Trending Topics



ight:30px;">
✪ TIME TO INCREASE SALES - You already have great social media
PÁGINA INICIALSOBRE O AUTORCONTATO O efeito
Singularity One Light ADA Wall Sconce Finish: Matador Red Glaze,
**Graphic Content Alert** Removing the object of Boy-dogs
BIG ANNOUNCEMENT: Echo Mecca will be performing on Nov. 22 at the

Recently Viewed Topics




© 2015