ISANG SULAT NA KUMALAT NOON SA MGA E MAILS ANG WRITER DI - TopicsExpress



          

ISANG SULAT NA KUMALAT NOON SA MGA E MAILS ANG WRITER DI KILALA Gising, Tol. Tumatanda ka na, tol. Nasa Friday Magic Madness na yung mga paboritomong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Tatay at nanay na lagi ang role ng crush na crushmong mga matinee idol noon. Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng“PENDONG!”. Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw nayung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. Maymultivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly,tsaka ginko biloba. Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon,sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kunganu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ngmga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.Wala na ang mga kaibigan mo noon.Ang dating masasayang tawanan ng barkada sacanteen, napalitan na ngwalang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanyaninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mongpinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo nalang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi kasigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikodka. Ang hirap nang magtiwala.Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama moaraw-araw sa opisina.Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gustoninyong kumita ng pera at umakyat satinatawag nilang “corporate ladder”. Anumangpagkakaibigang umusbonggaling sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoongpagkakaibigan.Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa. Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka nang Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun.Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ngtollgate sa expressway. Alipin ka ng credit cardmo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.Dati-rati masaya ka na sa isang platong instantpancit canton.Ngayon, dapat may kasamang italian chicken angfettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayopara makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoykung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar.Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser. Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo saincome mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rinnakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo.Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati nasinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin,hindi ka pa rin makuntento. Saan ka ba papunta?Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isalang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit langhanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin angmga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikanmo sila. Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 20:07:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015