ISLAM --- > Anim (6) na Haligi ng Emaan namin mga MUSLIM " SUNNI - TopicsExpress



          

ISLAM --- > Anim (6) na Haligi ng Emaan namin mga MUSLIM " SUNNI " 1. Ang paniniwala sa kaisahan ng ALLAH. Ang paniniwala sa kaisahan ng ALLAH ay ang pananampalataya sa kaisahan ng ALLAH bilang natatanging Panginoon at tagapaglikha ng salibutan at Siya sandigan ng lahat (nagbibigay biyaya sa lahat ng Kanyang nilikha) at Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng Kadakilaan, at tanging Siya ang nakakabatid sa lahat ng kung ano ang mayroon sa kalangitan at kalupaan, ang lahat ay nangangailangan sa Kanya tulong at kailanman Siya ay walang pangangailan kaninuman, Siya lamang ang natatangi at nararapat na pag-alayan ng lahat ng pagsamba ng walang halong pagtatambal at Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng magagandang pangalan at mga ganap na katangian. 2.Ang paniniwala sa mga Anghel: Ang mga Anghel ay isa lamang sa mga nilikha ng ALLAH, at sila ay nilikha ng ALLAH mula sa liwanag at sila ang mga nilikha ng ALLAH na hindi kailanmang sumusuway bagkos tanging pagganap sa lahat ng iutos sa kanila na ALLAH. 3. Ang paniniwala sa mga Aklat na ipinanaog Ang Allah ay hindi hinayaang mamuhay ang sangkataohan ng wala man lang gabay. Kaya naman Siya ay nagpadala ng mga aklat o rebelasyon sa kanyang mga sugo at propeta. Subalit pag lipas ng panahon, sumasama rin itong mawala kasama ng mga propetang may dala ng mga ito at hindi napanatali sa orihinal nitong anyo at nilalaman. Ang mga ito ay ang: Suhuf oKalatas o scroll na naipahayag kay Abraham Torah o Tawrat na naipahayag kay Moses Zabur o Psalmo na naipayahag kay David Injeel o Ebanghelyo na naipahayag kay Hesus Subalit mahabagin parin ang Allah at ipinadala Niya ang Huling Kapahayagan na tinatawag na Al-Qur’an. Ang tanging aklat na napanatili sa orihinal nitong anyo at linguahe dahil ito ay isinaulo at isinabuhay ng mga naunang mga muslim. 4.Ang paniniwala sa mga Sugo: Ipinadala ng ALLAH ang Kanyang mga sugo tulad nina Propeta Nuh, Ibrahim,Musa,Esa (Hesus) at iba pa sa kanila at ipinanaog sa kanila ang mga Banal na Kasulatan tulad ng Taurah, Injil, Zaboor at iba pa upang anyayahan ang sangkatauhan sa pagsamba sa nag-iisang Diyos, ang ALLAH, ng walang halong pagtatambal, at ipamalita sa kanila (sangkatauhan) na ang ALLAH ang taging nag-iisang Diyos ng buong santinaklupan. Sila (mga Propeta) ang nagpaliwanag sa mga kautosan, sila rin ang unang gumanap sa mga ito . At tinuldukan ng ALLAH ang lahat ng mga sugo sa katauhan ng Propeta Muhammad at ibinaba ang Qur’an upang ibalik ang mga nagkawalang kautusan na pinangahasan at pinalitan ng mga tao at ito ang huling kasulatan para sa sangkatauhan mula sa Dakilang manlilikha, ang ALLAH. Kaya’t nararapat ang lahat ng pagsamba sa ALLAH ay iayon sa turo ng Qur’an at ng Sunnah ng Propeta Muhammad. 5. Ang paniniwala sa Araw ng Paghuhukom: Ang ALLAH ang nagtakda sa bawat nilalang ng kamatayan (wakas), Siya ang nagtakda ng Kamatayan upang wakasan ang buhay ng bawat nilalang dito sa mundo at muling bubuhayin ng ALLAH ang lahat ng nilikha mula sa kani-kanilang libingan upang humarap sa hukoman ng ALLAH at kanilang kamtan ang karampatang gantimpala o parusa sa kanilang mga ginawa dito sa mundo. Ang araw na yon ay araw ng muling pagkabuhay para lasapin ng bawat nilikha ang kanilang gantimla mula sa ALLAH na naghihintay sa kanila bilang ganti sa kanilang mga ginawang mabuti dito sa mundo at makakamtan ng gumagawa ng kasalanan ang mahapding parusa mula sa ALLAH bilang ganti sa mga kasalanang kanilang nagawa dito sa mundo. Bubuhayin muli ng ALLAH ang lahat ng nilikha kagaya ng unang paglikha sa kanila. 6.Ang paniniwala sa Al-Qadr o Tadhana (mabuti at masama): Ang paniniwala sa Al-Qadr (Tadhana) ay ang paniniwala na ang lahat ng nilikha ay may nakatakdang tadhana maging mabuti o masama man ito , at ang lahat ng mangyayari ay bagay na naitakda na. Proud To Be A Muslim...
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 16:57:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015