ITO ANG MORTAL NA KASALANAN: May Mabuti Bang Maagagawa sa Iyo ang - TopicsExpress



          

ITO ANG MORTAL NA KASALANAN: May Mabuti Bang Maagagawa sa Iyo ang Pangrelihiyong mga Imahen? Maraming relihiyon sa ngayon ang gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen, mga larawan, o mga sagisag. Ang mga ito ay nasa anyong tao, krus, hugis ng buwan, at maraming pang iba. Ang relihiyong Romano Katoliko ang pangunahin nang mayroong iba’t-ibang klase ng mga imahen. Mayroon silang imahen ng birheng M aria, ni Jesus, at ng namatay na mga tao na itinuring nilang mga santo (imahen ng mga santo-santo), at ng krus (diyos-diyosan ng mga pagano bago ng panahon ni Jesus). Kapag may mga pumupuna sa kanila na sinasabing “masama ang gumamit ng pangrelihiyong mga imahen,” mangangatuwiran ang mga lider ng simbahan at maging ang mga miyembro ng relihiyon na wala naman daw masama sa mga imahen kung gumamit man. Dekorasyon lang naman daw sa loob ng simbahan, saka parang tulad lang daw iyon sa larawan bilang alaala ng mahal sa buhay na nagtatrabaho sa malayong lugar o di kaya’y namatay na. Ang mga pari, mga madre, mga obispo, at maging ang mga cardinal ay mga nakakabasa sila ng Bibliya. Ilang taon sa loob ng mga seminariyo ang mga pari bago sila naging ganap na pari? Sa haba ng panahon nila sa loob ng mga seminariyo ay mailalarawan natin sa isip natin kung gaano katagal nilang nababasa ang mga nilalaman ng Bibliya. Kaya karamihan ng mga humahanap ng kasagutan sa tanong na kung tama ba o mali ang gumamit ng pangrelihiyong mga imahen, ay lumalapit sa mga pari dahil sa haba ng panahon ng pag-aaral nila sa pagpa-pari ay tiyak na mahusay daw ang mga sagot na maririnig sa kanila. Ano ba ang pangrelihiyong mga imahen? Maganda alamin muna natin ang kahulugan nito. Kahulugan: “Karaniwan na, ang mga ito’y nakikitang larawan ng mga tao o mga bagay. Ang isang imahen na pinag-uukulan ng pagsamba ay isang idolo. Madalas inaangkin niyaong mga sumasamba sa mga imahen na ang kanilang pagsamba ay talagang ipinatutungkol sa espiritung kinakatawanan ng larawang iyon. Ang ganitong paggamit ng mga imahen ay karaniwan na sa maraming di-kristiyanong mga relihiyon o mga huwad na kristiyanong relihiyon. Hinggil sa kaugalian ng mga Romano Katoliko, ganito ang sinasabi ng New Catholic Encyclopedia, (1967, volume VII, p. 372): “Since the worship given to an image reaches and terminates in the person represented, the same type of worship due the person can be rendered to the image as representing the person.” Salin sa Tagalog: “Yamang ang pagsamba na iniuukol sa isang imahen ay nakakarating at nagwawakas sa personang inilalarawan, ang ganitong pagsamba na nauukol sa persona ay maaari na ring iukol sa larawan na kumakatawan sa personang yaon.” Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, tungkol sa paggawa ng mga imahen para sambahin? Ang Exodo 20:4, 5 ay nagsasabi ng ganito: “Huwag kayong gagawa para sa inyo ng isang inukit na larawan o anomang kawangis ng alinmang bagay na nasa langit o nasa lupa o nasa tubig sa ilalim ng lupa; huwag kayong yumuko sa harapan ng mga ito o sumamba sa mga ito. Sapagkat ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay isang mapanibughuing Diyos.” Ipinakikita ng mga salitang ito mula sa Bibliya na ipinagbabawal ng Diyos ang paggawa ng pangrelihiyong mga imahen. Nangangahulugan, kung ang mga lider ng mga relihiyon ay may pagpipitagang susundin ang mga kautusang ito ng Diyos ay walang iiral na pangrelihiyong mga imahen sa loob ng mga templo o sa mga simbahan. Ipaghalimbawang nilabag ang pagbabawal ng Diyos sa paggawa ng pangrelihiyong mga imahen, may karugtong naman ang kautusan, “huwag kayong yumuko sa harap ng mga ito o sumamba sa mga ito.” — Kapag ang isang tao ay humarap sa isang pangrelihiyong imahen at iniyuko ang ulo o lumuhod upang magdasal sa harap niyon ay nilabag na ang utos ng Diyos na “huwag kayong yumuko sa harap ng mga ito o sumamba sa mga ito.” Isang aktuwal na pagsamba o pag-idolo sa imahen ang yumukod, lumuhod, manalangin sa harap nito. Napakasimple lang, madaling unawain ang sinasabi ng Bibliya. Bukod pa riyan sa Leviticus 26:1 ay mababasa ang ganito: “Huwag kayong gagawa ng mga idolo; huwag kayong magtatayo ng isang inukit na larawan o haliging bato [banal na haligi], huwag kayong magtatayo ng alinmang inukit na bato sa inyong lupain, upang magsiyuko sa harapan nito; sapagkat ako, si Yahweh, ang siya ninyong Diyos.” Ipinakikita ng mga salitang ito mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, na kailanman ay di nararapat magtayo ng alinmang larawan na ang layunin ay yukuran ng mga tao bilang pagsamba sa Diyos. Hindi lamang pagbabawal sa paggawa at pagyukod sa mga imahen o idolo ang mababasa natin mula sa Bibliya. Iniuutos din ng Diyos na ang mga pangrelihiyong mga imahen o idolo ay hindi dapat na makita sa loob ng templo, sa mga simbahan. Pansinin ang sinasabi sa 2 Corinto 6:16: “Ang templo ng Diyos ay walang pakikipagkasundo sa mga idolo, at tayo nga ay ganito — ang templo ng nabubuhay na Diyos.” At ang 1Juan 5:21 ay nagpapayo: “Mumunti kong mga anak, magsipag-ingat kayo laban sa mga idolo [diyus-diyosan].” Paano ngayon ang pangangatuwiran ng mga gumagamit ng mga imahen o idolo sa pagsamba na ang mga imahen daw ay tulong lamang sa pagsamba sa tunay na Diyos? — Kung talagang tulong lamang sa pagsamba sa tunay na Diyos ang mga imahen bakit nagbigay pa ang Diyos ng mga utos na “huwag gagawa ng mga imahen at na huwag paglilingkuran at yuyukuran ang mga imahen” tulad ng mababasa sa Exodo 20:4, 5 at sa Leviticus 26:1? At sinasabi pa sa 2 Corinto 6:16 na “Ang templo ng Diyos ay walang pakikipagkasundo sa mga idolo (mga imahen)?” Kung ang templo ng Diyos ay walang pakikipagkasundo sa mga imahen, mas lalo ang Diyos, wala Siyang pakikipagkasundo sa mga imahen. — Sa Juan 4:23, 24 ay mababasa: “Ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan: ito ang uri ng mananamba na nais ng Ama. Ang Diyos ay espiritu, at yaong mga sumasamba ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” Ipinakikita ng mga salitang ito mula sa Bibliya na nais ng Diyos na sambahin siya sa espiritu sa dahilang Siya ay espiritu. Iyon ang nais o kalooban ng tunay na Diyos kaya dapat lang sundin ng mga mananamba Niya. Kaya yaong mga nangangatuwiran na ang mga imahen ay tulong lamang sa pagsamba sa tunay na Diyos ay hindi nila talaga nasusunod ang kalooban ng Diyos na sambahin Siya “sa espiritu,” dahil mas gusto nila na umaasa sila sa nakikita ng kanilang pisikal na mga mata. Tinatanggap ba ng Diyos ang pangangatuwiran na “ang mga imahen ay tulong lamang sa pagsamba sa tunay na Diyos?” Ang simpleng kasagutan ay mababasa sa Isaias 42:8: “Ang pangalan ko ay Yahweh, hindi ko isusuko ang kaluwalhatian ko sa iba, ni ang aking karangalan sa mga diyus-diyosan [mga bagay na inukit o imahen].” Kumusta naman ang “mga santo,” dapat ba nating sambahin sila bilang mga tagapamagitan sa Diyos na anupa’t ginagamit ang kanilang mga larawan bilang tulong sa ating pagsamba? — Upang malaman ang tamang kasagutan, kunin nating halimbawa ang isang pangyayari nang salubungin ni Cornelio si apostol Pedro na anupa’t siya ay lumuhod at nagpatirapa sa paanan ni Pedro. Iyan ay nakaulat sa Gawa 10:25, 26, ganito ang sinasabi: “Pagdating ni Pedro sa bahay ay lumabas si Cornelio upang salubungin siya, lumuhod sa kaniyang paanan at nagpatirapa. Subalit itinayo siya ni Pedro. ‘Tumindig ka,’ sabi niya, ‘Ako’y isang tao lamang!’ ” — Ipinakikita ng ulat na ito mula sa Bibliya na hindi sinasang-ayunan ni Pedro ang gayong pagsamba nang siya’y naroon mismo. Halimbawa, narito pa sa lupa si apostol Pedro, hihimukin kaya niya tayo na lumuhod sa harap ng kaniyang larawan? Siyempre hindi, dahil masunurin siya sa Diyos. Alam niya ang nakaulat sa Exodo 20;4, 5 at sa Leviticus 26:1 na hindi dapat lumuhod at sumamba sa mga larawan o mga imahen. Alam ni Pedro na ang bukod-tanging debosyon ay dapat iukol tanging sa Diyos lamang. Ang bukod-tanging debosyon sa Diyos ay nangangailangan na Siya lamang ang dapat sambahin at na sa Kaniya lamang dapat manalangin. (Exodo 20; 4, 5; Mateo 6:6-10) Kumusta naman ang mga tumatangkilik sa mga imahen ng mga santo-santo na iyon daw ay nagsisilbing tagapamagitan sa Diyos? Marami ang gumagawa nito. Nagdadasal sila sa mga imahen ni San Pablo, San Roque, Birheng Maria, at maraming iba pa. — Tungkol sa tagapamagitan sa Diyos si Jesu-Kristo ay nagsabi ng ganito: “Sinabi ni Jesus: ‘Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang makakaparoon sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung hihiling kayo ng anoman sa aking pangalan, yao’y gagawin ko.’ ” (Juan 14:6, 14) — Maliwanag na sinasabi dito ni Jesus na ang paglapit natin sa Ama ay magagawa lamang sa pamamagitan niya at na ang ating mga kahilingan ay dapat gawin sa pangalan ni Jesus. — Ilan ba talaga ang tagapamagitan sa Diyos? Si Jesu-Kristo lamang ba ang tagapamagitan? Basahin natin ang sinasabi sa 1 Timoteo 2:5: “Iisa lamang ang Diyos, at iisa lamang ang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, siya na naging tao mismo, si Jesu-Kristo.” Malinaw na ipinakikita mula sa Bibliya na “iisa lamang ang tagpamagitan sa Diyos at sa tao, si Jesu-Kristo.” Ipinakikita ng pananalitang iyan mula sa Bibliya na hindi pinahihintulutan ng Diyos ang iba na gumanap ng papel bilang tagapamagitan para sa mga miyembro ng kongregasyon ni Kristo. May pag-asa bang maging santo o banal ang mga tao na gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen o idolo sa pagsamba sa Diyos upang sila ay makaakyat sa langit kapag namatay na sila? — Ang isang tunay na santo o banal ay iyong nagpapasakop talaga sa mga pamantayan ng Diyos. Sumusunod siya sa mga nais o kalooban ng Diyos upang kalugdan siya ng Diyos. Kung ang isang tao ba ay laging nilalabag ang mga kalooban ng Diyos na nakaulat sa Exodo 20:4, 5 at Leviticus 26:1 na nagsasabing huwag gagawa ng imahen, huwag yuyukod at huwag sasamba sa imahen, puwede ba siyang maging banal upang makaakyat sa langit? Kung nilalabag din niya ang sinasabi sa 1 Timoteo 2:5 na tanging si Jesu-Kristo lamang ang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, magiging banal ba siya upang umakyat sa langit? Ano ang mangyayari doon sa masisigasig sumamba sa Diyos pero hindi naman kaayon ng nais o kalooban ng Diyos ang pamamaraan ng pagsamba? Ang Mateo 7:21-23 ay nagsasabi ng ganito: “Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon,Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang isa na gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, ‘Panginoon,Panginoon, hindi ba kami nanghula sa pangalan mo, at nagpalayas ng mga demonyo sa pangalan mo, at nagsagawa ng maraming makapangyarihang gawa sa pangalan mo?’ At kung magkagayon ay ipahahayag ko sa kanila : Hindi ko kayo kailanman nakikilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng katampalasanan.” Nangangahulugan, malayong maging santo o banal ang mga taong gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen o idolo dahil labag iyon sa kalooban ng Diyos. Kapag namatay sila, hindi sila aakyat sa langit, sa impiyerno sila mapupunta. Paano minamalas ng Diyos ang mga imahen na ginagamit sa pagsamba? — Sa Jeremias 10: 14, 15 ay mababasa ang ganito: “Bawat platero ay napapahiya dahil sa idolo na kaniyang ginawa, yamang ang kaniyang mga imahen ay pawang mga guniguni lamang, na wala namang hininga. Ang mga ito’y Walang-Kabuluhan, mga katawa-tawang likha.” Nangangahulugan, para sa Diyos ay walang-kabuluhan ang pangrelihiyong mga imahen o idolo. Tingnan din natin ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga imahen na nakaulat sa Ezekiel 7:20: “Nakaugalian nilang ipagmalaki ang kagandahan ng kanilang mga alahas, na mula rito’y hinubog nila ang kanilang kasuklamsuklam na mga imahen at idolo. Kaya’t ang mga ito ay ipinasiya kong gawin na mga bagay na karumaldumal.” Nangangahulugan, para sa Diyos ay kasuklamsuklam at karumaldumal ang pangrelihiyong mga imahen. Ano ang dapat nating madama sa pangrelihiyong mga imahen na dati nating pinag-uukulan ng pagsamba? — Ang sagot ay mababasa sa Deuteronomio 7:25, 26: “Dapat ninyong sunugin ang lahat ng inukit na larawan ng kanilang mga diyos, na hindi iniimbot ang ginto ni ang pilak na pinagtubugan sa mga ito; kunin ninyo ito at kayo’y mahuhulog sa isang silo: Ito’y kasuklamsuklam kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong magpapasok sa inyong bahay ng anomang bagay na kasuklamsuklam sapagka’t kung gayon, kayo, gaya niyaon, ay hahatulan din naman. Ituring ninyo ang mga ito na marurumi at nakapandidiri.” Ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon ay hindi inuutusan na sumira sa mga imahen na pag-aari ng iba, ang utos na ito sa Israel ay naglalaan ng isang huwaran hinggil sa kung papaano nila dapat malasin ang alinmang mga imahen na nasa pag-aari nila na noong una’y kanilang sinasamba. Ihambing ang Gawa 19:19. Ano ang magiging epekto sa ating kinabukasan kung tayo’y gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen sa pagsamba? — Ipinakikita sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, na ang mga imahen, idolo o diyus-diyosan ay mga walang silbi, tulad ng mababasa sa Awit 115:4-8: “Ang kanilang mga idolo, na pilak at ginto, yari ng karunungan ng tao, ay may mga bibig, subalit kailanma’y hindi nagsasalita, may mga mata, subalit kailanma’y hindi nakakakita, may mga tainga, subalit kailanma’y hindi nakakapakinig, may mga ilong, subalit kailanma’y hindi nangakakaamoy, may mga kamay, subalit kailanma’y hindi nakakatangan, may mga paa, subalit kailanma’y hindi nakakalakad, at walang lumalabas na tinig mula sa kanilang mga ngala-ngala. Ang mga gumagawa sa kanila ay matutulad sa kanila, pati na ang sinomang nagtitiwala sa kanila.” Kaya bakit tayo magtitiwala sa mga imahen na isiping ang mga iyon ay tunay na tulong sa pagsamba sa Diyos? —Bukod pa riyan, ipinakikita rin sa Bibliya na ang paggamit ng mga imahen o diyus-diyosan ay itinuturing ng tunay na Diyos na isang mabigat na kasalanan. Pansinin ang sinasabi ng Diyos na nakaulat sa Deuteronomio 4:25, 26: “Kung kikilos kayo ng may kalisyahan, at gagawa ng inukit na larawan sa anomang hugis [isang idolo] na ginawa ang masama upang imungkahi si Yahweh sa galit, sa araw ding yaon ay tatawagan ko ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo:… kayo’y lubos na malilipol.” Ang pangmalas na ito ng Diyos tungkol sa mga idolo o diyus-diyosan ay hindi nagbabago. (Malakias 3:5, 6) - Malinaw na walang halaga sa Diyos ang pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan. Ganyan din ang ipinakikita sa 1 Corinto 10:14, 20. Ipinakikita sa tekstong ito ng Bibliya na ang pagsamba ng isang tao na gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan ay hindi sa tunay na Diyos napupunta. Kanino napupunta? Ganito ang sinasabi sa 1 Corinto10:14, 20: “Ito ang dahilan, minamahal kong mga kapatid, kung bakit dapat kayong humiwalay sa pagsamba sa diyus-diyosan…. Ang mga hain na kanilang inihahandodg ay kanilang inihahain sa mga demonyo na hindi naman Diyos. Ayaw kong makita kayo na nakikipagtalamitan sa mga demonyo.” — At dahil sa itinuturing ng Diyos na isang mabigat na kasalanan ang paggamit ng pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan, ipinakikita sa Apocalipsis 21:8 na walang hanggang pagkapuksa ang hatol na ilalapat ng Diyos sa mga lumalabag sa kaniyang mga Kautusan laban sa mga imahen o diyus-diyosan. Ganito ang sinasabi sa Apocalipsis 21:8: “Ang pamana sa mga duwag, para sa mga sumisira ng kanilang panata, o sa mga sumasamba sa mga karumaldumal, sa mga mamamatay-tao at mapakiapid, at sa mga manghuhula, mananamba sa mga diyus-diyosan, at bawat uri ng sinungaling, ay walang iba kundi ang ikalawang kamatayan sa nagniningas na dagat-dagatan ng asupre.” Napakabigat na kasalanan nga sa Diyos ang gumamit ng pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan sa pagsamba sa Diyos kaya dapat lang na iwasan. Kumusta naman ang ibang pangrelihiyong mga imahen o idolo na inaangkin ng ilang mga gumagamit nito na naghihimala raw? — Dapat bang pahalagahan ang mga ito? — Napakalinaw ng mga mensahe mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, na hindi nalulugod ang Diyos sa pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan. Malinaw na ipinakikita mula sa Bibliya na itinuturing ng Diyos ang pangrelihiyong mga imahen o santu-santo bilang karumaldumal, kasuklamsuklam, mga bagay na marurumi. (Ezekiel 7:20) At sinumang gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen o idolo ay itinuturing ng Diyos na nakagagawa ng mabigat na pagkakasala sa Kaniya. Kaya sinuman ay dapat umiwas sa paggamit ng pangrelihiyong mga imahen o diyus-diyosan upang hindi siya mapunta sa “nagniningas na dagat-dagatan ng asupre”. (Apocalipsis 21:8; Deuteronomio 4:25, 26) Dahil sa karumaldumal ang turing ng Diyos sa pangrelihiyong mga imahen o santu-santo sa palagay mo ba ay gagawa Siya ng paraan upang paghimalain Niya ang mga imahen? Napaka-simple lang ang tanong at “common sense” lang ang kailangan upang masagot ng may katumpakan. — Siyempre hindi gagawin ng Diyos na paghimalain ang mga imahen dahil kasuklamsuklam sa Kaniya ang mga iyon. Kung gagawin Niya iyon maaakay lang ang mga tao na mas lalong lalabagin ang Kaniya banal na mga Kautusan laban sa mga imahen. — Pero bakit naghihimala ang mga imahen? Walang ibang gumagawa niyan kundi ang number one na kaaway ng Diyos, si Satanas na Diyablo. Sa palagay mo ba ay walang kapangyarihan si Satanas na pangyarihing maghimala ang mga imahen? Sa Bibliya ay tinatawag siya na “diyos ng sanlibutan” at malimit nag-aanyo siyang “anghel ng liwanag” upang ang mga tao ay mailigaw niya at mapapunta sa maling mga paraan ng pagsamba. Kaya si Satanas at ang kaniyang libu-libong mga demonyo ang mga nasa likod ng naghihimalang mga imahen. (2 Corinto 11:14) Base sa mga katotohanang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangrelihiyong mga imahen na niluluhuran, dinadasalan, ipinagpoprosisyon, ay mauunawaan ng sinumang tapat-pusong tao sa Diyos na ang mga imahen o idolong iyon ay pawang mga karima-rimarim, kasuklam-suklam, at karumal-dumal sa Diyos. (Deuteronomio 7:25; Ezekiel 7:20; 6:6; Levitico 26:30) Sa Ezekiel 6:4, 6 at Leviticus 26:30 ay tinawag pa nga ng Diyos na “dungy images” o “dungy idols” ang pangrelihiyong mga imahen. Ano ang ibig sabihin ng “dungy”? Nagmula iyan sa salitang “dung” (a waste matter from animals; manure) na nangangahulugang “dumi o tae ng hayop...” Ang salitang “dungy” ay pagsasalin mula sa orihinal na salitang Hebreo na “gil-lu-lim’” na ginamit sa Ezekiel 6:4, 6 at Leviticus 26:30. Hindi mo naman siguro pahihintulutan na ang tae ng mga hayop ay ipasok sa loob ng iyong bahay at ilagay sa iyong altar, hindi ba? Mas lalo na ang Diyos, ayaw na ayaw niya na ang pangrelihiyong mga imahen, na mga tae ng hayop ang turing Niya, ay nasa loob ng Kaniyang templo. Pero nakikita natin, nasa loob ng mga simbahan, hindi ba? Pinahintulutan ng mga lider ng relihiyon. Dahil sa ganiyan ang pangmalas ng Diyos sa mga imaheng iyon, ang mga tunay na makadiyos na makaalam ng mga katotohanang turo ng Bibliya tungkol sa mga imahen ay kikilos kaagad upang pagsisihan ang mga maling paraan ng pagsamba niya sa Diyos. Hindi lang basta pagsisisi, kinakailangan kumilos kaagad na baguhin niya ang maling paraan ng pagsamba niya at umiwas na sa mga bagay na karima-rimarim, kasuklam-suklam, at karumal-dumal sa Diyos. Maging masunurin kaagad sa Diyos at hindi iyong mangangatuwiran pa ng kung anu-ano na pawang baluktot naman at salungat sa ninanais ng Diyos na anupa’t itinuturing ng nangangatuwiran na mas dominante ang katuwiran niya kaysa sa mga katuwiran ng Diyos na nakaulat sa Bibliya. Hindi tanda iyan ng pagpapasakop sa Diyos sa halip ay anyo ng pagsuway, kawalan ng pakundangan, isa ngang paglapastangan sa mga kautusan ng Diyos. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga tao na ayaw sumunod sa mga kautusan ng Diyos? — Paulit-ulit man sila manalangin, ang mga panalangin nila ay karima-rimarim sa Diyos. Iyan mismo ang sinasabi sa Kawikaan 28:9, ganito ang sinasabi: “Siyang naglalayo ng kaniyang tainga sa pakikinig sa kautusan — maging ang kaniyang panalangin ay karima-rimarim.” Oo, karima-rimarim sa Diyos ang mga panalangin ng mga taong ayaw sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Kahit araw-araw ka pang mag-novena, araw-araw ka pang lumakad ng paluhod mula sa pintuan ng simbahan papuntang altar kung patuloy mo namang nilalabag ang mga kautusan ng Diyos laban sa pangrelihiyong mga imahen ay mananatili pa ring karima-rimarim sa Diyos ang mga panalangin mo. Ang paglabag sa mga kautusan ng Diyos ay itinuturing ng Diyos na kasamaan. Kaya habang patuloy na nilalabag ng isang tao ang mga kautusan ng Diyos ay nangangahulugan iyon na patuloy siyang gumagawa ng kasamaan. Ano ang nangyayari sa mga panalangin ng mga tao na patuloy na gumagawa ng kasamaan? — Hindi pakikinggan ng Diyos ang kanilang hain o panalangin dahil itinuturing ng Diyos na karima-rimarim ang mga panalangin ng mga manggagawa ng kasamaan. (Kawikaan 15:8; 15:29; 28:9) Kaya sinuman na patuloy na gumagamit ng pangrelihiyong mga imahen ay patuloy na nagiging karima-rimarim sa Diyos ang kanilang mga panalangin.(Kawikaan 28:9) Pero sa panahon natin sa ngayon ay napakarami na ang manhid ang konsensiya. Kahit naririnig na o nababasa na nila mula sa Bibliya ang mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng Diyos ay patuloy pa rin nilang ginagawa ang masasamang bagay. Nagwawalang bahala sila kung nagagalit man o hindi ang Diyos sa mga paglabag nila sa mga kautusan ng Diyos. Isang indikasyon na talagang lubhang masasama na ang mga tao sa ngayon kaysa sa mga taong nabuhay noong mga naunang mga siglo. Halimbawa na lang tungkol sa tabako at sigarilyo, mababasa sa mga kaha ng sigarilyo at sinasabi ng mga komersiyal ng sigarilyo sa telebisyon ang ganito: “Surgeon’s warning: ‘cigarette smoking is dangerous to your health.’” Ang mga patuloy na nakababasa at nakaririnig ng “warning” na ito tungkol sa sigarilyo ay patuloy pa ring naninigarilyo. Isang indikasyon ng pagwawalang bahala ng tao sa anumang epekto ng sigarilyo sa kalusugan ng katawan ng tao. Naging manhid na ang mga konsensiya kaya ganoon din sila pagdating sa mga katotohanang turo ng Bibliya tungkol sa pangrelihiyong mga imahen. Kahit alam na ng papa sa Roma, ng mga obispo, ng mga cardinal, ng mga pari, ng mga madre, ng mga iba’t ibang miyembro ng relihiyon na mula sa Bibliya ay sinasabi na karima-rimarim, kasuklam-suklam, karumal-dumal sa Diyos ang pangrelihiyong mga imahen ay patuloy na nagwawalang bahala sila. Ayaw nilang ituwid ang mga maling paraan ng pagsamba nila at iayon sa mga pamantayan ng Diyos. Ayaw nilang gumawa ng reporma sa mga pamantayan ng relihiyon nila upang sila ay sang-ayunan ng Diyos. Sa dahilang tumatanggi sila sa mga kautusan ng Diyos laban sa pangrelihiyong mga imahen maging ang mga panalangin nila ay karima-rimarim sa Diyos. (Kawikaan 28:9) Dahil sa patuloy na paglabag ay walang kapag-a-pag-asa na sang-ayunan ng Diyos. Kaya kapag namatay na sila, sa impiyerno sila mapupunta. Maaaring ngayon mo lang nalaman ang mga katotohanang ito mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Marami pa ang dapat alamin, dahil nais ng Diyos na lahat ng uri ng tao (mayaman man o hindi, may pinag-aralan man o wala, normal man o may kapansanan siya sa katawan) ay magkaroon ng tumpak na kaalaman (accurate knowledge) mula sa Kaniyang Salita, ang Bibliya, upang maligtas at magkamit ng buhay na walang hanggan. (1 Timoteo 2:3, 4) Makakamit mo ang tumpak na kaalaman sa pamamagitan lang ng pag-aaral ng Bibliya. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya ay masasagot ang maraming tanong ng tao, tulad ng: Sa Krus ba Namatay si Jesu-Kristo? Sino ang Tanging Tunay na Diyos? Nagmamalasakit ba ang Diyos sa Tao? Walang Kabuluhan ba sa Diyos ang mga Memoryadong mga Panalangin? Bakit ang mga Tao ay Pumapatay at Nagdidigmaan sa Ngalan ng Relihiyon? Bakit Napakaraming Masasamang Elemento sa Lipunan at Maging sa Gobyerno? Ano ang Tunay na Kinabukasan ng Mundo? Bakit Pasama ng Pasama ang mga Kalagayan sa Mundo? Bakit Laganap ang Karahasan? Makakamit Ba ng Mundo ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan? Lahat ba ng Relihiyon ay Kalugud-lugod sa Diyos? Magugunaw Ba ang Mundo? Bakit Kasuklam-suklam sa Diyos ang mga Relihiyong Gumagamit ng Pangrelihiyong mga Imahen? Bakit Walang Kabuluhan sa Diyos ang Memoryadong mga Panalangin na Paulit-ulit na Ipinapanalangin? Bakit Kasuklam-suklam sa Diyos ang mga Relihiyong Nagsasagawa ng Karahasan? (Awit 11:5) Bakit Lilipulin ng Diyos ang mga Taong Mang-mang o Walang Alam sa mga Katotohanang Turo ng Bibliya? – Lahat ng halimbawang mga katanungang iyan ay masasagot sa pamamagitan lang ng pag-aaral at pagkuha ng tumpak na kaalaman mula sa Bibliya. Bakit di mo umpisahan na basahin at saliksikin ang mga nilalaman ng Bibliya? Paki-send mo lang sa iba pang mga tao ang mensaheng ito mula sa Bibliya upang sila ay mamulat sa katotohanan. - Salamat. Paki-send mo lang sa iba pang mga tao ang mensaheng ito mula sa Bibliya upang sila ay mamulat sa katotohanan. - Salamat. Paki-send mo lang sa iba pang mga tao ang mensaheng ito mula sa Bibliya upang sila ay mamulat sa katotohanan. - Salamat.
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 15:07:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015